Ilang araw na niyang iniiwasan si Edward. Natatakot siya na mahulog sa lalaki. Kaya naman naging abala siya sa paggawa ng webtoon, sinamantala niya ang kanyang creative juices. Nawili rin siya sa panunuod ng korean drama. Halos hindi siya makausap ng lalaki dahil nahihirapan siyang pagsabayin ang pakikipag-usap at pagbabasa ng subtitle.
"Araw-araw naman tayong magkasama pero bakit parang ang layo natin sa isa't isa" di maiwasang tanong ni Edward.
Tumabi ito sa kanya habang gumuguhit siya sa kanyang tablet. Isinandal pa nito ang ang ulo sa kanyang balikat. Sa ginawa ni Edward ay bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Crush lang ito.
Sabi nya sa kanyang isip. Naguguluhan lang siya dahil sila naman ang magkasama lagi. Mabait din ito sa kanya kaya imposibleng hindi siya magkagusto dito.
Ilang araw ng busy sa trabaho si Edward kayabnaman madalang na sila magkita. Halimaw din pala ang mokong sa trabaho. Bakit nga ba hindi? Mukhang enjoy naman ito doon dahil nandun si Janette, sabi nya sa sarili. Kahit naman sinabi ng lalaki sa kanya na wala silang relasyon ay hindi maiaalis na may gusto si Janette sa lalaki. Kahit pa sabihin na lagi silang magkatext o kaya ay twice a day siyang tinatawagan nito ay hindi pa din nya magawang huwag mainis kapag nasa restaurant ito. Hindi din nya malaman ang rason kung bakit dun pa ito nagtatrabaho. Pwede namang sa iba yung malayo sa babaeng mapanggulo sa buhay nila.
Ano na nga ba ang relationship status nila ngayon?
Sagot -> MU
Magulong usapan nga. Hindi kasi nya alam kung ano ang nangyayari sa kanila. Parang sila pero hindi naman sila. Magkasundo sila, sweet, madalas syang sabihan ni Edward ng 'I Love You'. Habang siya ay bingi bingihan. Alam na nya sa sarili nya na nahuhulog na siya. Ngunit natatakot syang umamin dahil laging nakabuntot sa lalaki si Janette. Natatakot sya na muling mangyari ang nangyari sa kanila dati ni Andrew. Oo nga at wala silang relasyon. Pero ganun din naman ang dating nobyo at ang secretary nito dati. Walang matinong lalaki sa babaeng flirt.
Lalo na kay Janette Berberabe na yun. Hindi katiwa tiwala. Magkasama na nga ang mga ito araw araw hanggang sa bahay ba naman ay madalas itong magovertime, tss...
"Nakasimangot ka na naman?" tanong ni Edward sa kanya habang nakaakbay ito sa kanya at nanunuod sila ng tv sa may living room.
"Naiinip na ako dito." sagot nya na nagcrossed arm pa.
***
"Honey, I'm home" muntik na syang mapalundag ng biglang may yumakap sa kanya sa kanyang likuran.
Nang malaman nya si Edward ito ay agad niyang tinanggal ang mga kamay nito mula sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan nya ito ng masama saka umalis ng kitchen at nagtuloy sa kwarto.
Paano ba naman kasing hindi sya magagalit. Isang linggo simula ng nagsabi si Edward na lagi na silang sabay maglulunch ay hindi man lang natupad. Sa lahat pa naman ng ayaw nya ay yung pinapangakuan at hindi natutupad.
Nagpaliwanag naman ito sa kanya. Ngunit hindi nya ito matanggap. Paano ba naman, madami daw syang trabaho. Matatanggap pa nya yun eh. Pero nung dalawin nya ito sa restaurant ay nakita nyang naglulunch ito kasama si Janette, at kung mga magngitian wala ng bukas. Tatlong sunod sunod na araw nya sila nahuli. Okay naman na sana na aminin nito na mas gusto nito na kasabay si Janette maglunch kesa sa kanya. At hindi yung pinapaasa siya sa wala, tss...
"TIN, ANO BANG PROBLEMA MO?" sigaw ng lalaki sa labas ng kwarto nya.
"HUWAG MO AKONG KAUSAPIN. BAKA HINDI KITA MATANTYA GUMULONG KA PABABA NG HAGDAN.!" sigaw naman nya.
"Sorry na nga eh, lumabas ka na sabay na tayong maglunch" malambing na sabi ni Edward.
"UMALIS KA DYAN! AYAW KITANG KAUSAP!!!" sigaw pa nya sa lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/981278-288-k5781.jpg)
BINABASA MO ANG
CHANCES
DragosteAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"