Chapter 15 : Anong Gagawin Ko?

4.7K 41 2
                                        

Kanina pa nag-aantay ng text si Kristine galing sa nobyo, hindi pa din ito nagtetext. Lately, ay nagiging busy si Andrew sa trabaho dahil busy daw sa kumpanya nila. Ilang araw na silang hindi nagkikita. Hindi naman sya makareklamo dahil importante naman ang ginagawa ng nobyo.


"Tita Tin tin, anong problema mo?" tanong sa kanya ni Maggie na tumabi sa kanya sa may upuan saka humarap sa laptop.



"Wala nag-iisip lang para sa mother's day" sagot naman niya "...teka san galing yang cake mo?" tanong niya ng mapansin ang kinakain ng pamangkin.


"Ang aga naman ng pag-iisip mo para sa mother's day. Galing kay tito Edward to, lagi nya akong dinadalhan ng cake. Gusto mo ba tita?" sagot ni Maggie na nakaharap pa din sa laptop.



"Bakit ka naman nya binibigyan nyan? Ikaw ha, huwag mo abusuhin yung kabaitan ng tao, nakakahiya." ginulo ni Kristine ang buhok ng pamangkin.



"Tita naman eh, ginagawa mo naman akong bata." inayos nito ang buhok. "Hindi ko inaabuso si Tito Edward, bukal sa loob nya yung ginagawa nya. Hindi katulad ng IBA dyan, magbabake nga para lang naman sa boyfriend nya." ipinagdiinan pa nito ang salitang IBA habang patuloy na inaayos ang buhok.


Nanahimik na lang sya sa sinabi ng pamangkin. Alam naman kasi nya na siya ang pinaparinggan nito. Kaya tiningnan na lang nya ang kanyang celphone, umaasa na nagreply na ang nobyo. Tulad ng inaasahan nya ay wala pa din itong text.



"Wow online si Tito Edward" napatingin siya sa sinabi ng pamangkin.


'Buti pa tong bata na to, walang problema sa buhay' sabi pa nya sa sarili nya, habang nakatingin sa pamangkin.




"Maggie, gusto mo maggelato? " tanong niya pa sa pamangkin.




"Oo naman tita, wait lang magbibihis ako" pinatay na nito ang laptop saka tumakbo papunta sa kwarto para magbihis.



Sa mall...



Dumiretso sila sa Gelatissimo para mag-order ng dalawang medium size na chocolate truffle. Nagtig-isa sila ni Maggie. Agad nyang naubos ang gelato nya kaya nag-order ulit ng large size ng chocolate truffle. Nababadtrip talaga siya ngayong araw. Kaya sa ice cream nya na lang dinadaan ang problema nya.




Matapos nilang kumain ng ice cream ay nagshopping sila. Pero dahil nga siya sa mood ay ang pamangkin nito ang lumabas na pinagshopping nya.


"Bagay sayo 'to" sabay abot ng mga damit na pinili niya para sa pamangkin. Sa sobrang dami ng pinili niya ay halos matabunan si Maggie. Natawa pa siya ng makita ang itsura ng pamangkin.



Hindi na nagreklamo pa si Maggie, lahat ng gusto nyang ipabili ay binili ni Kristine.


Nang mapagod sila sa pamimili ay kumain muna sila sa Italian Restaurant na paborito nya. Gusto niyang ubusin ang oras sa labas ng hindi  niya maalala ang nobyo.



Bago umuwi ay nag-CR muna si Maggie. Hindi na siya sumama dahil wala naman itong balak magbanyo. Dumiretso na lang siya sa parking lot, inilagay sa likod ang mga pinamili. Para siyang naestatwa ng makita niya ang pamilyar na  sasakyan. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya at pakiramdam nya ay sasabog ito kung wala syang gagawin.


Calling...

Andrew


"Hello babe, nasaan ka?" tanong agad ni Kristine pagkasagot ng tawag ng nobyo.



[Kakauwi ko lang ng bahay, bakit baby ko?] nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ng kausap.




"Magpapasundo sana kami sayo ni Maggie, saka para magkita din tayo. Miss na miss na kita alam mo ba yun?" nagpout pa ito nang lips.



[Tin, wala akong sasakyan ngayon. Iniwan ko sa service center kanina pinacheck-up ko. Pero promise tomorrow babawi ako ok, i love you]


"I love you too babe" sabay buntong hininga matapos ibaba ang tawag.



"Kung nasa service center ka, anong ginagawa mo dito? Pssh" sabi pa niya habang nakatingin sa sasakyan ng nobyo.



"Tita, anong tinatayo tayo mo dyan, uwi na tayo" biglang sabi ni Maggie na nagmula sa likuran nya.


Ibinaling ni Kristine ang tingin sa pamangkin. Gusto nya na antayin kung sino ang taong may dala ng sasakyan ni Andrew. Hindi naman niya magawa sapagkat madaldal ang kasama nya.


"Palawan tayo." walang kaabog-abog na sabi nito sa pamangkin.



Nagbook siya ng one way last minute flight papuntang Palawan pati na din ng hotel na tutuluyan nila. Magulo ang kanyang isip. Gusto niyang maiba ang lugar, pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.



Muli silang bumalik ng pamangkin sa mall. Bumili sila ng maleta at mga gagamitin sa kanilang pupuntahan. Kung may kulang man ay doon na nila ito bibilhin sa
Palawan.



Sa airport sila nagtuloy at nag-ubos ng oras, alas siyete pa ng gabi ang flight nila. Kinakabahan si Maggie sa nangyayari, biglaan naman ang pag-alis nila hindi man lang siya natanong ng Tita nya kung gusto ba niyang sumama. Sunday ngayon at bukas ay may pasok na siya. Bago magboarding ay hindi nito napigilan ang sarili na magtext.



To: Lolo
Lo,  papunta kaming Palawan ni Tita ngayon. Anong gagawin ko? May pasok pa ako bukas.



"Tita Tin, gaano katagal tayo sa Palawan?"


"Hindi ko din alam, bahala na," wala sa sariling sagot ni Kristine



Bahala na? Gustong mapaiyak ni Maggie sa sagot ng kanyang Tita. Bata lang siya at binitbit siya sa kung saan. Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari ay hindi na siya sumama mag-Mall. Nakalimutan niya na mahilig si Kristine sa mga biglaang gala.



Dumating sila sa hotel na pagod na pagod. Hindi naman sila gutom kaya matapos maligo ay agad silang nakatulog. Hindi na rin nila pa nabuksan ang kanilang cellphone.


Kinaumagahan ay tanghali na sila gumising. Inopen ni Maggie ang kanyang cellphone. Tatawagan niya ang mga tao sa bahay na nasa hotel na sila. Ilang minuto pa lang itong nabubuksan ay nagkaroon na agad siya ng incoming call.


[San kayo?] bungad ng nasa kabilang linya.


"Tito sa Coron na kami, sa hotel"


"Sino yan?" tanong bigla ni Kristine ng madinig ang salitang Tito.


"Si Tito Edward." napasimangot p ito ng pangalan ni Edward ang narinig.


Hindi ba ako hinahanap ni Andrew? Mukhang hindi.


Siya na din ang sumagot ng tanong niya. Nagdududa siya ngunit gusto rin naman niya na iwasan ang mga hinala niya. Hindi lang siguro siya sanay sa relasyon, ito ang una nya. Kaya hindi siya kampante.



Nang mga sumunod na araw ay namasyal sila sa Coron. Nawala na din ang pag-aalala ni Maggie dahil tinawagan ni Kristine ang kaniyang adviser upang ipagpaalam ito na hindi muna papasok sa school. Nag-enjoy na sila sa pamamasyal. Madami silang napuntahan na mga tourist spot sa lugar.



Naging photographer ni Maggie si Kristine. Lahat ng gusto ng pamangkin ay sinunod ng kanyang Tita. Kaya naman noong nakipag-skype ito sa mga magulang ay nagreklamo ang iba pa nyang pamangkin.



"Next week, kayo naman ang itreat ko. Subic tayo" naglundagan sa tuwa ang mga pamangkin.


"Huwag mo iupload yan sa Facebook mo agad ha, kung hindi patay tayo sa teacher mo" paalala ni Kristine sa pamangkin matapos ang video call nila sa bahay.



CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon