Chapter 25 : Going Home

4.4K 32 0
                                    

Pangatlong araw na nila sa sunflower farm. Pero mukhang wala pang balak umuwi ang kasama nya tsk... Parang lagi itong busy, at may hinahanap. Kulang na nga lang ay baligtarin nito ang farmhouse sa paghahanap. Ang malala pa kapag tinatanong nya ito kung ano ang hinahanap nito ay mas lalo lang syang nababadtrip sa sagot nito na...

"You don't need to know Tin. I'ts none of your business"

Tama ba naman yun? To think na tinanong nya ito ng maayos. Haayyzz... Nakakaaning... Kaya ang nangyari lagi na lang syang solo. Matapos kasing magpakilig ng hinayupak nyang boyfriend eh bigla bigla na lang itong magbabago in an instant. Ano yun good for one day lang?

At ito namang si Jessica wala ng ginawa kundi tawagan sya kung bakit hindi daw nagkocallback si Edward sa kanya. Importante daw ang sasabihin nito, pero kapag nagpresinta naman siya na sya na lang ang magsasabi ay tumatanggi naman ito.

Napahawak sya sa dog tag na suot nya na binigay ng nobyo. Kailangan lang nyang magtiwala, mahal sya ng nobyo. At sa nakikita naman nya na sobra sobrang effort na ang ginagawa nito sa kanya.

At ang tungkol sa singsing? Nasa kanya pa din ito. Hindi nya masabi sa lalaki na may nakita syang singsing sa kwarto nya dahil sa madaming dahilan. Una, ayaw naman sabihin sa kanya ng nobyo ang hinahanap. Pumasok naman talaga sa isip nya na baka magpropose sa kanya ito, kaya nga lang nawala ang singsing kaya ang ending ay sobrang hinanap ito ng lalaki. Mukhang hindi naman kasi mumurahin ang singsing na nakita nya. Mukha itong mahal, may diamond na malaki eh. Pero dahil na din sa ayaw nyang umasa na magpropropose nga sa kanya ang nobyo at ayaw nyang umasa sa naiisip nya. Naisipan na lang nya na itago ang singsing. Malay ba talaga nya kung para sa kanya nga yun? Mamatay si Edward sa kakahanap, pero hinding hindi nya ibibigay ang singsing. Ang bait naman nya nun kapag ginawa nya. Aba, mabuti pa ang singsing todo pag-aalala ang ginagawa ng nobyo. Samantalang sya na may pakiramdam, parang dumaang hangin lang kapag nadadaanan sya. Ano ba ang dahilan kung bakit sila nandito? Hindi ba para makapagbakasyon sila at magkaroon ng bonding tapos ganito.

"Pero? Di ba dapat na sya ang inaasikaso ko? Na dapat magkaroon ako ng sweet bone kahit paano? Baka naman nasasawa na sya sa pagiging nagger ko? Kailangan ko dapat mag-effort. Hindi dapat ako nagmumukmok ng ganito. Baka dapat ako naman ang gumawa ng move. Tama i should make a move. Baka akalain nung siraulo na un na wala man lang akong nagawang mabuti bilang girlfriend nya"

***

Umaga...

"Good morning" bati sa kanya ni Kristine, pagkalabas nya ng kwarto.

Nagulat pa nga si Edward ng nakita nya ito. Dahil kapag nakabakasyon ito sa trabaho ay tanghali na itong nagigising lagi. Pero ngayon 6am pa lang.

"Good morning" yun lang ang lumabas sa bibig nya dahil nabigla sya sa yakap at halik sa pisngi na ginawa ni Kristine.

"Kape? Ipagtitimpla kita." bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa kanya. she intertwined their fingers and lead him to the dining table.

'Ano bang meron? Mukhang espesyal ang araw na ito? Nagluto pa talaga sya?' isip niya ng makita ang mga nilutong mga fried ng nobya. Fried rice, fried egg, fried hotdog, fried bacon.

"Niluto mo lahat to?" sabi nya ng makalapit sila sa dining table.

"Oo naman, may iba pa ba?" nakangiting tugon nito sa tanong nya. "...Umupo ka na hon, i'll get you a cup of coffee. Pasensya na kung hindi masarap ang niluto ko." huwaw lang ang aga aga nyang good mood, kanina pa nakangiti. Umupo na din siya sa utos ng nobya.

"Tada..." napangiti sya sa sinabi at ikinilos ni Kristine, para kasi itong bata ng ilapag sa table ang couple mug na pinaglagyan ng kape saka ito tumabi sa kanya.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon