Chapter 28 : The Past Is Back!

4.1K 25 2
                                    

"Good morning" bati ni Kristine with a happy tone. Pagkapasok nya sa flower shop.

Agad naman syang binati ng mga empleyado. Pagkakita sa kanya. Napatingin sya sa may waiting area ng shop. Nakakita sya ng isang babae.

"Good morning, do you want some coffee habang nag-iintay?" tanong pa nya dito.

Maganda ang babae mukhang nasa late 20's na ito. Nginitian sya nito.

"No thanks, kakatapos ko lang magcoffee" sagot naman ng babae. Saka ibinalik sa magazine ang mga mata.

"Ang ganda naman ng singsing mo." muli itong napatingin sa kanya.

"Ah ito" itinaas nya ang kamay para ipakita ang singsing " engagement ring namin ng fiance ko" sabi nya with her sweetest smile.

Good mood talaga sya ngayon.

"Maganda, may naalala akong kaibigan na ganyan ang singsing." ngumiti uli ito sa kanya. Maya ay tumingin ito sa kwintas nya.

"Ta-"

"Good morning" sabi ng taong kapapasok pa lang ng shop with a happy tone din.

Nilingon nila ito na kasalukuyang nakatalikod sa kanila. Dala nito ang mga tupperwares na hinanda nila kaninang umaga para ibigay sa mga staff.

"May dala akong breakfast para sa inyo. Kapag sumakit ang tyan nyo. Ireklamo natin ang boss nyo ng food poisoning." nagtawanan naman ang mga staff nya dahil sa sinabi nito.

'Abat ang siraulong 'to. Ako na naman ang napagtripan.

Dali-dali syang tumayo para makalapit sa nobyo.

"Tinuruan mo pa talaga sila para ireklamo ako noh"

"Aray" napasigaw ang lalaki sa pagsiko na ginawa nya dito "...mapanakit ka talaga, tinuturuan ko lang naman kung ano ang gagawin nila kung sakaling masiraan sila ng tiyan sa mga niluto mo"

Naghagikgikan naman ang mga staff nya sa shop. Hindi naman sya nagagalit o naaasar sa mga biro ng nobyo. Sa katunayan nga ay kinikilig pa sya.

"Sabi mo kaya, masarap na akong magluto. Tapos sisiraan mo lang ako sa harap ng staff ko, hmmp" nagpout pa ito at tumalikod sa kausap.

Sa pagtalikod nya ay muli syang napaharap sa waiting area kung nasaan ang babae. Kumuha siya ng isa sa tupperware. At muling lumapit sa babae na nagbabasa.

"Miss, may inihanda pala akong breakfast, kain tayo" muling iniangat ng babae ang mukha para makita ang kausap.

"Thank you, busog pa ako" nakangiting sagot naman nito.

"Ma'am, okay na po ang bouquet na order nyo" sabi ni Jane na bitbit ang bouquet ng tulips.

"Thank you" kinuha nito ang bulaklak sa staff nya.

Binigyan sya muna nito ng ngiti. Bago nagsimulang maglakad palabas ng shop.

"Honey, iwan na natin sila.... Alice?" gulat na sabi ni Edward, ng makita ang babaeng customer nila.

'Alice? Di ba Alice ang name ng babaeng mahal nya? Ito nga ba yun?'

"Edward? Kamusta? Ang tagal nating hindi nagkita" lumiwanag ang mukha ng babae. Lumapit ito sa nobyo at nakipagbeso.

"I'm good. By the way si Kristine nga pala fiance ko" lumapit ang nobyo sa kanya at umakbay.

Nakita nyang nagbago ang mukha ng babae. Wari ay di makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang nobyo.

"Hi, my name is Kristine, nice meeting you Alice." inilahad nya ang kamay para makipagshake hands. Iniabot din naman nito ang kamay.

Tiningnan nya ang nobyo. Parang may mali, kakaiba ang mga kinikilos nito.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon