Chapter 39 : Separated

4.1K 23 5
                                    

"Isa akong hangal"

Napabuntong hininga si Edward.

Dalawang buwan na din ang nakakalipas mula ng huling magkita sila ni Kristine. Hindi nya mapaniwalaan ang mga nagawa ng gabing iyon. Hindi na nga nya ito napauwi ay ginugulo pa nito ang utak nya.

Alam nya na nagselos sya sa nakita nyang kasama ng dalaga.

Naguguluhan sya. . .

Hindi nya maisip na makararamdam sya ng selos ngayong hiwalay na sila.

Ang gago ko lang para isipin na mahal ko pa din si Kristine, gayong iniwan ko sya, isip pa nya.

Ginulo nya ang buhok.

Hindi tama ang kalokohang naiisip nya at ang nararamdaman nya.

Pumili na sya.

At pinili na nya ang taong mahal nya. . .

Si Alice.

Ang babaeng una nyang minahal. Ang pinangarap nyang makasama sa pagbuo ng pamilya. . .

Pero bakit ganito? Ginugulo ni Kristine ang isip nya.

Alam nya din na hindi ito awa mula sa mga kasalanang nagawa nya noon. Mahirap pa lang makita na ang babaeng minsang minahal mo na, masaya sa piling ng iba.

Awtomatikong nagflashback ang titigan ni Kristine at ng lalaking kapangalan nya.

"Psh" sabi nya saka muling ginulo ang buhok.

"Edward" nakaramdam sya ng batok matapos marinig ang pangalan nya.

Napahawak sya sa ulo, saka lumingon sa taong gumawa nito sa kanya.

"Ma. . . masakit yun ha!" angal nya sa ina.

"Wala ka na naman kasi sa sarili mo. Ano bang problema? Kanina ka pa nagsasalita na mag-isa" tanong ng ina na pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga damit.

Magbabakasyon ito sa bahay niya ng ilang araw. May aasikasuhin itong negosyo at napagpasyahan na sa kanila na muna tumira.

"Wala" deretso nyang tanong.

Ayaw na nyang kausapin ang ina dahil magkaiba sila ng paniniwala. Lalo na ngayon at nakikialam pa ito sa mga plano nila ni Alice na mag-ampon ng bata.

Nadismaya ang kanyang ina ng malaman na walang kakayahang magkaanak ang babaeng mahal nya. Ganon din naman si Alice na masyadong dinidibdib ang sinasabi ng Ginang.

Ito pa ang inaalala nya.

Kahit na ilang beses nyang paliwanagan ang nobya na huwag ng intindihin ang sinasabi ng kanyang ina ay parang mas lalo lang din itong nagiging problema.

Mahirap magkaroon ng ina na may pagkapakialemera. Hindi naman ito ganon dati kay Alice.

"Iniisip mo na naman ba ang pag-aampon ninyo ng bata?" tanong muli ng Ginang na busy pa din sa pag-aayos ng gamit.

"Ma . . . ayaw mo bang sumaya ako?" balik tanong nya sa ina. Kailangang mapapayag na nya ito sa plano nila para naman kahit paano ay mabawasan ang mga problema nya.

"I want you to be happy, anak. Pero hindi sa paraang ganito. . . Oo gusto ko na magkapamilya ka dahil nasa marrying age ka na at gusto ko ng magkaapo. Pero gusto ko ng bata na sayo mismo" sabi ng Ginang na napahinto sa ginagawa.

"Mahal ko si Alice, at wala akong makitang ibang babae na gusto kong makasama hanggang tumanda ako." paliwanag nya " . . . hindi naman nya kasalanan kung hindi siya pwedeng magbuntis. Ang mahalaga . . . Mahal namin ang isa't isa"

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon