Chapter 57: Final

1.2K 29 3
                                    

"Na-miss ko 'to." sabi ni Edward kay Kristine habang nakatingin sa magkahawak nilang mga kamay. Dati rati ay madalas nila itong ginagawa ng babae. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil sa kanilang pagkakabati. Para siyang nabunutan ng tinik at gumaan ang kaniyang pakiramdam. Para sa lalaki ay ito na ang bagong simula ng relasyon at pamilya nilang dalawa na buong akala niya ay hindi na mangyayari.

Inihatid ni Edward si Kristine sa bahay nito na magkahawak kamay. Nang gabing iyon ay nakatikim sila ng umaatikabong sermon sa mga magulang ng babae dahil sa pang_iiwan nila sa pamangkin na si Maggie. Magkagayon pa man ay hindi na sila nangatwiran pa sapagkat alam nila na sila ang may kasalanan. Nararapat lamang na mapagalitan sila sa kanilang kapabayaan. Napapangiti na lamang sila dahil sa kinahinatnan ng nila dahil naging maayos naman ang kanilang pag-uusap.

From Edward:

Huwag muna tayong magkita.

Yan ang text ni Edward kinabukasan ng umaga kay Kristine. Hindi niya matanggap kung bakit pakiramdam niya ay parang umaayaw muli sa kanya ang lalaki. Kakabati lang nila kagabi pero ngayon ay parang nagbaback-out na ang lalaki.

To Edward:

???

From Edward:

Trabaho. Paalis ako ng bansa kaya alagaan mo muna si Yuan para na din makapagisip ka sa mga sinabi mo kagabi.

To Edward:

San ka ngayon???

From Edward:

Sa office.

To Edward:

Anong oras ang flight mo?

From Edward:

1pm.

Kahit magulo pa ang buhok ni Kristine ay dali dali itong nagbihis upang puntahan si Edward sa opisina nito. Kakabati lang nila kagabi ngunit heto ngayon at may balak pala itong umalis na hindi man lamang nagpapaalam ng maayos.

From Edward:
Hon, nararamdaman ko na balak mo akong puntahan, pwede ba na bumalik ka na lang sa restaurant? may naiwan akong importante doon na hindi na natin nabalikan.

Text muli ni Edward sa kaya ng pasakay na siya ng kotse. Gusto niyang magalit pero hindi niya magawa. Naaasar siya dahil para bang ayaw ni Edward na makita siya. Matatagalan pa bago sila magkita pero mas ginusto pa nito na huwag na muna sila magkita.

Kailangan nyang magtiwala sa lalaki. Ito ang lagi nyang isinisiksik sa kanyang utak, pero may mga bagay na hindi niya maitindihan. Talaga bang wala na sila ni Alice? Kahit na nararamdaman nya na parang may mali ay pinili nyang manahimik dahil negatibo din naman ang nagpa-pop-up sa kanyang utak dahil sa selos. Alam nya sa sarili niya na hindi nya na ito matatanggal sa kanyang katawan. Normal naman ito sa taong nagmamahal.



"Mahal kita Kristine. Huli na ng malaman ko na ikaw pala talaga ang mahal ko kaya pinagsisisihan ko yung panahon na iniwan kita para sa nakaraan ko. Madalas naiisip ko na hindi ako bagay para sayo. Ginulo ko lang ang buhay mo. Madalas naiisip ko na lumayo na lang dahil wala naman akong naidulot na maganda sa iyo. Pero sa tuwing naiisip ko na lumayo sa iyo  para na ring pinakawalan ko ang maging masaya kasama ka at ng anak natin. Okay lang kahit magulo tayo ang mahalaga kasama kita pati na din si Yuan."

Napapikit si Kristine ng maalala nya ang mga sinabi ni Edward. "hold hands, walang bibitiw" sabi ng kanyang isip.

"Good morning Ms. Tan, bati sa kanya ng empleyado ng Restaurant ng makalabas siya ng kotse.

Sarado pa ang restaurant kaya napahiya siya kung bakit nakaderetso siya dito. Gayong maaari naman niyang daanan mamaya ang naiutos sa kanya ng lalaki.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon