Chapter 29 : Doubts

4.1K 20 1
                                        

"Ma"am may naghahanap po sa inyo." bungad ni Jane pagkapasok nya ng shop.

"Sino?" tanong agad ni Kristine. Ang aga naman ng bisita nya.

"Alice Santillan daw po."

Bakit naman sya pupuntahan ni Alice?

Napalingon sya sa may waiting area. Nakita nya ang bisita na nakangiti sa kanya. Nakakapagpanganga talaga ang ganda nya. Sa kilos pa lang ay sopistikada ang dating.

"Good morning, tita Claire told me that you like cakes kaya pinagdala kita." bati pa nito sa kanya.

"Thank you. Naabala ka pa tuloy. Do you want some coffee? Magpapahanda ako."

alok nya dito.

Tumango naman ito sa inalok nya. Kahit naa-awkward-an sya sa bisita ay pinatunguhan nya ito ng mabuti. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

"Ang galing naman. Ako nga ang tagal ko ng nag-aaral magluto pero pakiramdam ko palpak pa din." natatawa nyang sabi matapos magkwento ang bisita tungkol sa pagluluto.

Weakness nya ang pagluluto. Kung dati ay usapang lutuan ang topic ay inaantok sya. Ngayon naman ay interesado na sya. Nape-pressure sya sa ina ng nobyo kaya kailangan nya talagang matuto.

"Gusto mo turuan kita." napatingin sya sa kausap.

"Naku wag na." tanggi nya with hand gesture. " tinuturuan naman ako ni Edward. Besides baka mahirapan ka lang mahirap akong turuan"

"Okay sabi mo, pero if you need help. Just text me" inilapag nito sa mesa ang isang calling card at inilapit sa kanya.

"Okay." nasabi nya matapos kuhanin ang calling card.

*********************

"WHAT?! PINUNTAHAN KA NI ALICE SA SHOP MO?!" pasigaw na sabi ni Jessica na wala na syang magawa kundi takpan ang tenga nya sa lakas.

"Nakakabingi ka alam mo ba yun?" reklamo nya sa kaibigan.

Napatingin ang kaibigan sa paligid nya na madami na naman palang nakatingin sa kanila. Nagpeace sign pa ito. Sanay na din naman ang mga tao sa kanila sa coffee shop.

"Bakit naman kasi kinausap mo pa?" pabulong na sabi ng kausap.

"Anong gagawin ko? Tell her to stay away from us? Wala naman syang ginagawang masama." sagot naman nya matapos humigop ng kape.

"Ngayon wala, but she's still his ex. Alam mo naman siguro na sobrang minahal sya ng boyfriend mo. What if kung bumalik ulit yung love? Anong gagawin mo?"

"Bumabalik ba ang love?" napaisip sya ng malalim.

"Oo naman, tingin mo ba? Magpapakalayo si Edward para lang sa wala. Ilang beses na syang tinanggihan ni Alice. Paano kung ginawa lang nya ang mga bagay na ginagawa nya dahil wala na syang choice, kasi buong akala nya. Di na babalik si Alice."

"Second choice lang ako?"napapaisip pa din sya sa mga what ifs ng kaibigan.

"Well, hindi naman talaga ako sigurado sa mga naiisip ko. Lumayo ka na lang sa babaeng yun. Besides wala ka namang benefits na makukuha from her."

"Paanong paglayo ba?" di na nagfufunction ang utak nya.

"Iwasan mo sya kahit kay Edward hindi din sya dapat makalapit."

"Bakit pati si Edward?" napataas ang kilay nya.

"Hello friend, hindi naman ikaw ang target ni Alice kundi ang boyfriend mo. Kaya dapat na ilayo mo si Edward don"

"Baka magalit si Edward kapag naging possesive ako. He might think na wala akong tiwala sa kanya."

"So okay lang sayo na makalapit ang Alice na yun sa fiance mo?"

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon