Chapter 32 : A-S-A

4K 17 15
                                        

Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman ni Kristine. Sobrang pagkapahiya ang inabot nya kay Edward. Sinisi nya ang sarili kung bakit ba naisipan nya pang pumunta sa bahay nito.

Tama naman talaga ang lalaki. Nagpunta sya sa bahay nito para magmakaawa na huwag syang iwan. Hindi nya kaya na wala si Edward sa tabi nya. Pero ng sabihan sya ng lalaki ng masasakit na salita ay dun sya natauhan.

Makakaya nga ba nya na magpakababa para sa lalaking mahal nya? Na pikit mata nyang tatanggapin na iba talaga ang mahal nito. At handa syang makihati huwag lang syang iwan ni Edward.

Mabuti na lamang at hindi nya nasabi ang mga gusto nyang sabihin. Ngayon pa nga lamang na hindi pa nya nasabi ang pakay ay diring diri na ito. Kulang na lang ay ipagtulakan sya nito palayo. Paano pa kaya kapag nasabi nya na ang talagang pakay nya.

Ang lungkot na bumalot sa kanya simula kagabi ay napalitan ng galit. Galit dahil sa nararamdaman nya para sa lalaki. Matapos sya nitong paniwalain na mahal sya nito. Ang pangakuan ng kasal at paasahin ay ito pa ang inabot nya? Okay na sana kung sabihin na lang nya na tama pa. Pero yung apakan yung pride nya ibang usapan yun.

Hindi nya alam kung paano sya nakarating sa bahay. Nadatnan nya ang silid na inaayos ng kasambahay nila. Ang kalat. . . yan ang unang pumasok sa isip nya. Kasabay nun ang pag-ikot ng paningin nya.

"Kristine okay ka lang ba?" napatingin sya sa nanay nya na umalalay sa kanya kaya hindi siya bumagsak.

"Opo. Sa kabilang kwarto na lang po muna ako matutulog. Nakakahilo ang kalat." sabi nya sa ina na bakas pa din ang pag-aalala sa kanya. Inayos nya ang pagkakatayo. Hindi pa nga pala sya naghahapunan. Nalipasan na sya ng gutom.

"Kumain ka na muna bago ka matulog. Mahirap matulog ng walang laman ang tyan." dagdag pa ng kanyang ina.

Tango na lang ang isinagot nya sa ina. Hindi na maganda ang pakiramdam nya. Ngayon nya naramdaman ang pagod. Pagod na dulot ng emosyon at mata sa kakaiyak. Sinayang nya ang araw nya para lamang mapahiya. Ang dami nyang problema. Ni hindi nga nya alam kung paano sasabihin sa magulang at sa mga binigyan nila ng invitation cards na hindi na matutuloy ang kasal.

At panigurado na usapin na naman ito. Sya na ang babaeng laging nauunsyami ang kasal. Nakakahiya din naman yun. Palagi na lang syang inaalok magpakasal. Tapos kapag ready na ang lahat basta na lamang ikacancel? Mukha na syang cancel psh . . .

Kinabukasan. . .

Nagising si Kristine na mabigat ang pakiramdam. Hindi sya makahinga na parang may nakadagan sa kanya. Bumabaligtad pa ang sikmura nya. Hindi na pala sya nakakain ng hapunan kagabi. Dahan dahan nitong iminulat ang mga mata. Napansin nya na may nakayakap pala sa kanya mula sa kanyang likuran. Napatingin sya sa braso ng taong yumakap.

Kilala nya ang brasong yun. Hindi sya pwedeng magkamali. Muli nyang ipinikit ang mga mata. Nagbabakasakali na hanggang ngayon ay nananaginip pa din sya. Muli nyang iminulat ang mata, at tulad ng nakita nya kanina, braso pa din yun ng tataong kakilala nya. Pumihit sya ng higa. Tulad ng inaasahan nya si Edward ang katabi nya.

'Bakit sya nandito?' isip nya. Pinagmasdan nya ito habang natutulog. Hanggang sa naamoy nya ang hindi kagandahang amoy nito.

Amoy alak.

Itinulak nya si Edward ng malakas para makawala sya sa pagkakayakap nito. Nang makaalis sya ay nagtuloy sya sa banyo at sumuka. Umagang-umaga pa lamang ay alak na agad ang naamoy nya.

"Okay ka lang ba?" narinig nyang sabi ni Edward sa kanya na hinimas pa ang likod nya.

Hindi nya ito kinibo. Para saan pa? Marahil ay kakausapin lang nito ang mga magulang nya na hindi na matutuloy ang kasal. Alangan naman na basta-basta lang sya nito iiwan sa gulong ginawa mismo ng lalaki. Kahit pa ang sakit ng mga sinabi nito kagabi ay alam naman nya na may respeto pa din ito sa mga magulang nya.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon