Kinabukasan...
"Ano ba Edward? gustong gusto ko ng umuwi ng bahay please naman makisama ka naman! Ihatid mo na ako please."
Inihinto ni Edward ang thread mill at humarap sa kanya.
"Ayaw ko pa ngang umuwi. Bakit ba ang kulit mo? Kung gusto mo, mag-isa ka dahil dito lang ako. Okay?"
Inilahad nya ang kanyang kamay sa lalaki na parang may hinihingi.
"Ano yan?" tanong sa kanya nito.
"Akin na ang susi ng kotse" may pagtataray na sagot nito.
"Reyna ka ng kakulitan. Nakita mong itinapon ko yun kanina di ba? Kaya wala na sa akin yun." giit pa nito sa kanya.
Napabuntong hininga sya sa sagot ng lalaki. Kailangan niyang kalmahin ang sarili para makauwi. Hindi sya pwedeng magalit dahil lalong hindi sya pagbibigyan nito.
"Pahiram na lang pera. Magcocommute na lang ako."
"Wala akong pera." diretsong sagot nito sa kanya.
"Sige na, babayaran ko naman. Uwing uwi na ako Edward" pagmamakaawa na nya dito.
"Umiyak ka muna" Edward grinned at her.
"EH SIRAULO KA PALA!" biglang sigaw niya dito "GUSTO KONG MAKAUSAP SI ANDREW." pilit nyang kinakalma ang sarili sa galit.
"Alam mo naman na ayaw kitang pauwiin. Bakit ka nagpupumilit dyan. Tss" tinalikuran na sya nito saka nagsimulang maglakad palayo.
"Pahiram na lang ng celfone." she sound defeated.
Wala na talaga syang magagawa sa mga kalokohan ng lalaki. Bakit ba naman kasi nakaladkad sya sa lugar na kinaroroonan nya. At kung bakit ba naman kasi sumama pa sya na tumakbo palabas ng simbahan. Ang dami nyang naiwang unfinished business dun. Kailangang matapos na yun, hindi yung ganito na tinakbuhan nya ang problema nya. Gusto na talaga nyang umuwi pero hindi nya magawa dahil sa lalaking kaharap niya. Dinaig pa ang magulang nya sa pag-uutos.
Binatukan nya bigla ang sarili dahil sa takbo ng utak nya. Lumulutang na naman kasi ang utak nya.
"Teka nasan na yun?" napahanap siya bigla ng wala na sa harapan nya ang kausap.
Napansin na lang nya na may hawak na siyang celfone.
"EDWARD!!!"
Dinig niyang sigaw ng dalaga na nagmumula sa labas. Ilang beses pa nitong tinawag ang pangalan nya na mukhang galit na galit. Napangiti sya sa nangyari. Minabuti nya na magkunwaring busy sa ginagawa. Pero ang totoo ay balak nya talaga itong asarin muli pagkapasok nito sa opisina.
Tulad ng inaasahan nya, nakarating na si Kristine sa kinaroroonan nya.
"Edward" may kataasan ang boses nito.
Iniangat nya ang kanyang ulo, na kunwari ay nagulat sa pagdating nito.
"Bakit na naman?" salubong ang kilay na tanong niya.
Buong lakas na binato nito bigla sa kanya ang celfone na hawak. Galit na galit ito. Buti na lamang ay nasalo nya ang celfone upang hindi siya tamaan. Pinilit niya na maging seryoso at huwag matawa sa mga reaksyon ng kaharap.
"Ang siraulo mo. Anong klaseng celfone yang binigay mo? Walang load, magagamit ko ba yan" galit na galit na sabi nito sa kanya.
"Tin, celfone lang ang hiningi mo. Pasensya na, prepaid lang ang kaya ng budget ko." inilapag nya ang celfone sa may mesa sa harap nya.
Lumapit si Kristine sa may mesa at kinuha ang celfone.
"Pahiram ng 20pesos, magloload ako" bumuntong hininga ito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong pera?" he smirked at her.
"Ang laki laki ng bahay mo pero wala kang peera? Pinalitan mo pa lahat ng gamit sa dito. Sabihin mo na lang kung ayaw mo ko naman ang sagot ko pero kinukulit mo pa din ako. Lumabas ka na nga. Marami pa akong ginagawa." nagseryoso na naman sya.
Tiningnan niya si Kristine. Sa itsura nito patay na siya kung nakamamatay lang ang tingin. Nakatayo lang ito sa harap nya. Parang may iniisip na malalim. At ang kamay nito ay nakakuyom habang ang isang kamay ay hawak ang celfone. Galit na galit na talaga ito. Anumang sandali ay alam nya na masasaktan siya ng babaeng kaharap.
"Binibigyan kita ng one week para ayusin ang sarili mo at para makapag-isip na din dito sa bahay natin" putol nya sa katahimikan nila.
"One week na naman? Edward kailangan kong makausap si Andrew." sagot naman nito sa kanya na nagpipigil ng galit.
"Ano pa bang pag-uusapan nyo ni Andrew? Magkakaanak na sya sa ibang babae." ginulo nito ang kanyang buhok. "Hindi na siya sayo, simula ng niloko ka nya, kahit pa humingi ka ng paliwanag, hindi na mababago pa ang nangyari."
Kailangan nya makausap si Andrew. Kahit ipaliwanag pa ng paulit-ulit ni Edward ang mga ginawa ng nobyo ay gusto pa din niya na sa bibig ng lalaki ito manggaling.
"Gusto ko ng bumalik sa trabaho" pagbabago niya ng dahilan.
Ni hindi nga niya alam kung bakit pinapakialaman siya ni Edward sa buhay niya. Oo magkaibigan sila, pero may choice naman siya sa mga nais niyang gawin."Kasalanan mo naman kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Ang sabi mo noon bigyan ko ng chance si Andrew. Noong nalaman mo na may nabuntis siya. Inilihim mo pa sa akin Kung maaga ko sana nalaman, hindi ko na sana ipinahiya sa mga bisita ang sarili ko. Mas naiintindihan ko pa ang mga ginawa ni Andrew kaysa sayo. Edward ikaw ang best friend ko, expected ko na sasabihin mo sa akin yung nangyayari kahit pa masaktan ako. Wala akong expeience sa love pero hindi ako mahinang tao" paninisi niya kay Edward.
Tinalikuran niya ito. Ayaw na niyang kausapin si Edward dahil mas galit siya dito kaysa sa nobyo. Ni hindi nga niya alam kung kanino ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
"Sorry," sabi ni Edward na ikinulong siya sa mga yakap nito. Hindi na niya napigilan ang mga luha, napahagulgol na siya sa sama ng loob. "Kasalanan ko ang lahat. Kaya naman gusto kong bumawi sayo. Itatama ko n ang lahat ng mga maling nagawa ko."
"Paano mo pa mababawi ang kasalanan mo sa akin. Napahiya na ako sa altar. Alam nilang lahat na niloko ako ng lalaking papakasalan ko. Napahiya ang parents ko sa madaming tao." hinampas niya sa dibdib ang lalaki. "Hindi na mababago pa ang mga nangyari at kasalanan mo lahat ito"
"Hindi ko man mabago ang mga nangyari na. Mamahalin naman kita ng sobra pa, kaysa sa pagmamahal na ibinigay ni Andrew sayo. Mahal kita Tin, nagkamali ako na ipaubaya ka sa iba."

BINABASA MO ANG
CHANCES
Roman d'amourAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"