Chapter 17 : Preparations

4.5K 23 2
                                        

"Tin, andyan na si Andrew sa baba" tawag ng nanay nito sa kanya na nasa labas ng kwarto nya.




"Nay, bababa na po pakisabi na lang" sagot naman nito.




Isinuot na nya ang kanyang flat shoes saka muling tumingin sa salamin bago lumabas. Ilang araw na silang naghahanda para sa kasal. Inaasikaso na din nila ang mga aayusing papeles para sa pagtira nila sa US. Ngayon ang araw ng pre-nup photos at video coverage na din.






Bago sya bumaba ng hagdanan ay nakita nya si Andrew na nakatayo malapit sa pintuan. Nginitian sya nito. Kaya sinuklian na din nya ito ng matamis na ngiti.




"Nainip ka ba?" tanong nya agad dito ng makababa sya ng hagdanan.




"Hindi" niyakap sya nito saka hinalikan sya sa may noo.




"Ehem,"




Napalingon sila bigla sa taong umubo.




"Tay, alis na po kami ni Andrew" paalam niya sa ama, ganun di ang ginawa ni Andrew.




Tango naman ang isinagot ng matandang lalaki.




Eco Park...





"Alam mo babe, dapat hindi tayo gumagastos ng mahal para sa wedding natin. Hindi naman importante na marangya yung kasal natin. Okay na sa simple lang" sabi ni Kristine habang naglalakad sila papunta sa sa lugar ng photoshoot para sa pre-nup photos nila na magkahawak ang kamay.





Pagkadating nila doon ay sinalubong sila ng wedding coordinator. May isang babae na lumapit sa kanila at hinila sya sa isang tent para ayusan at make-up-an. Nagbihis na sya ng isang white sleeveless lace gown at floral red bubble skirt.





Dalawang linggo lang ang mayroon sila bago ang araw ng kasal.
Ayaw na nga sana niya ng photo shoot para sa prenup. Ang importanten ay makasal sila. Si Andrew na ang nag-asikaso sa kasal. Kaya hindi na sya dapat magreklamo dahil sa ginagawa ng nobyo na preparasyon. Big winner na agad sya dahil love na love sya ng mapapangasawa nya.




"Ang ganda naman ng baby ko." biglang sabi sa kanya ni Andrew ng bigla sya nitong yakapin from behind.






"Ang bolero mo talaga babe" humarap sya dito at binigyan nya ito ng kiss sa pisngi.




*click* tunog ng camera





"Maam, Sir start na po tayo para sa photoshoot" nakangiting sabi ng babaeng photographer.





Nangangawit na si Kristine kakangiti. 'Nakakapagod pala yung ngumiti ng ngumiti' sabi nya sa sarili nya. Ilang oras na din syang nangangawit kakapose habang nakangiti. Pakiramdam nga nya gusto na nyang pumitik dahil sa pagod. Habang si Andrew ay mukhang pagod na din sa mga ginagawa nila.





"Babe pagod na ako" reklamo niya.





Nakaupo siya sa isang bench habang ang nobyo ay nakahiga sa kanyang mga hita.





"Konti na lang baby ko mamaya makakapahinga na tayo" sagot naman nito sa kanya habang nakapikit.





"... I love you"




Halos lumundag na naman ang puso nya kapag nadidinig nya ang salitang 'i love you' galing sa nobyo. Sa dami ng pinagdaanan nila hanggang ngayon hindi pa din sya makapaniwala na sa mga susunod na araw ay magiging asawa na nya ito.



"I love you too babe"




*click*





"Okay na po tayo ma'am" biglang sabi ulet ng photographer na hindi nila namalayaan na nandoon pala.




Nang sumunod na araw ay namili na din sila ng mga ipapamigay nilang thank you cards and give aways, pati na din mga gifts para sa Giveaways Sponsors, Entourage, parents and  gifts for each other. At ang pinakamahirap sa ginawa nila sa buong preparasyon ng kasal ay pag-aaral sumayaw.






Every afternoon ay kailangan nilang magpractice para sa kanilang dance. Tinatawanan pa nga nila ito dahil sila ang tipo ng tao na wala ng inatupag kundi ang maggugol ng oras sa trabaho. Wala silang hilig pareho sa pagsayaw. Pareho ngang kaliwa ang paa nila. At sa tuwing may session sila, hindi pwedeng hindi nila maapakan ang paa ng bawat isa. Pagkatapos lagi ng lesson ay wala na silang ginawa kundi magreklamo kung gano kasakit ang paa nila.





"Baby ko" tawag sa kanya ng nobyo.




Nasa Gelatissimo sila tumuloy matapos ang practice nila.





"Hmmm?!" sagot naman niya habang nakasubo sa bibig niya ang kutsara na may ice cream.




Hinawakan ng nobyo nya ang kanyang kamay. And he filled all the spaces in her hands. Ngumiti ito sa kanya na parang nag-aalala.





"Baby ko, huwag kang bibitaw sa akin ha. Huwag mo akong iiwan kahit anong mangyari. I don't know what I'm gonna do kapag nawala ka" idinikit nito ang noo nya sa noo ng nobyo, halos magkadikit na nga ang mga ilong nila.





"Babe syempre walang mangyayaring ganyan. Magpapakasal na nga tayo diba. There's nothing to worry about. I will be forever yours and you're mine forever" sagot naman nya sa nobyo.




Napangiti pa nga si Kristine sa naging reaction ni Andrew dahil para itong bata na takot na takot maiwanan. Sumandal pa ito sa balikat niya.




Pagkatapos ng pagkain nila ng gelato ay agad na silang umuwi. Dahil kinabukasan ay hindi na sila magkikita. Sapagkat two days from now ay ang araw ng kasal nila.




-*-


"Kailan mo sasabihin kay Kristine ang tungkol sa babaeng nabuntis mo?" tanong ni Edward



"Hindi na nya kailangan pang malaman. Isasama mo ko na siya sa US pagkatapos ng kasal." sagot ni Andrew.



Nasa playground sila ngayon ng village nila Kristine. Inabangan ni Edward si Andrew matapos nitong ihatid ang nobya sa bahay.



"Ganon na lang ba yun?" pinipigilan nya ang sarili na sapakin muli ang lalaki. "Bigyan mo naman siya ng choice sa panloloko mo sa kanya. Mabuting tao si Kristine. Hindi nya deserve ang taong manloloko na gaya mo"




"Sino ba sa tingin mo ang taong nararapat sa kanya? Ikaw?" tumalim ang mata nito kay Edward "Matagal ko ng alam na may gusto ka sa girlfriend ko."



"Ano ngayon kung gusto ko si Kristine?" kumuyom ang mga palad nito, kating kati na sapakin ang taong kaharap nya. "Ikaw ang gumagawa ng ikasisira ng relasyon nyo at hindi ako"




"Mahal ko si Kristine, hindi ko kayang mawala siya sa akin."
pag-amin naman ni Andrew.




Gusto naman niya talaga na ipagtapat sa nobya ang nangyari. Natatakot nga lamang siya sa magiging resulta ng kanyang pag-amin. Isipin pa lang niya na magkakahiwalay sila ay sumisikip na ang kanyang dibdib. Kung maaari lang na bumalik siya sa araw na nagkamali siya ay gagawin niya. Kaya naman simula noon ay hindi na ito uminom pa ng alak.




"Pakiusap ko lang sayo Andrew, aminin mo ang sitwasyon mo kay Kristine. Mahal ka niya. Sana naman maging honest ka sa kanya bago kayo ikasal. Mas mabuti na paiyakin mo siya ngayon kaysa umiyak siya kung kailan nakatali na sya sa iyo."













CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon