Chapter 23 : Tayo

4.4K 38 2
                                    

'Ano ba namang babae to, bigla bigla na lang nahihimatay'

Binuhat ni Edward si Kristine saka inihiga ito sa kama sa loob ng kwarto. Napansin nyang madumi ang condo nito. Ang daming kalat. Kaya naisipan nyang maglinis muna. Dahil wala naman itong maaasahan sa paglilinis dahil wala namang alam ang babae sa gawaing bahay.

Napagawi sya sa may kitchen. At ang daming pagkain na puro pinadeliver. Lahat halos ng paboritong pagkain ay ng dalaga ay nandito. 'Ano to balak nyang magfood trip?'

Linis lang ng linis ang ginawa nya habang tulog pa din ang babae. Ngayon lang nga sya nakapunta sa condo na ito. Ang pagkakaalam nya kasi. Ayaw tumira ng dalaga sa mga building. Kung hindi nya lang kinulit si Jessica, malabong mahanap nya ito. Yun nga lang utak negosyante din ito. Sa halagang 20 thousand ay tutulungan daw sya nitong magkabati sila. Siya namang loko loko ay nagpauto sa kaibigan. Pero worth it naman ang binayad nya, nalaman nya na mahal na sya ni Kristine.

Gustong gusto na nga nyang gisingin ang babae. Para magkaayos sila ng tuluyan. At makapagpaliwanag na din. Nang makatapos syang maglinis ay nakaramdam siya ng antok. Kaya pumunta sya sa kama at tinabihan si Kristine. Gusto nyang pagkagising nito ay sya agad ang una nitong makita.

***

Mahirap umarte ng walang malay tss... Ang kaibigan nya kasing si Jessica ang lakas ng loob na ituro sya sa taong pinatataguan nya. Kung alam lang nya na ibebenta sya dito sa lalaki. Eh di sana hindi na ito nagpakita sa kaibigan. Nangangawit na sya kakahiga. Ni hindi nga sya makakilos dahil baka mahuli sya ni Edward.

Ayaw nya itong makausap. Ngayon pa na buking na sya.

'Mamamatay man ako sa ginagawa kong pagpapanggap. Basta hindi lang kami magkausap. Ano to lokohan? Ako na nasaktan at nabugbog tas hahayaan ko lang na magkabati kami. No way!'

Nadinig nyang bumukas ang pinto. Papalapit sa kanya ang mga yabag. Gigisingin na ba sya? Alam na ba ng lalaki na drama lang ang ginagawa nyang himatay? Gumalaw ang kama. Ramdam nya na umupo ito. Pero ang mas kinagulat nya ay ang paghawak nito sa buhok nya. Ang katawan na naman nya ayaw makisama, tss... Ramdam nya na nagsipagtayuan ang balahibo sa braso at sa ulo nya.

'Peste naman oh, huwag nyo akong ibuking, makisama kayo' sabi pa nya sa sarili.

Parang kuryente ang kamay ni Edward sa ginagawang paghaplos nito sa buhok. Muli ay naramdaman nyang kumilos ito. Humiga ito at niyakap sya?

'Takte naman oh relax lang Tin. Huwag kang papadala sa mga kilos ng mokong na yan'

"I love you Kristine, huwag ka ng magalit" tss... isiniksik pa nito ang ulo sa may balikat nya.

Nagaakyatan na ang mga dugo nya papuntang mukha. Hindi tama na kiligin sya. Galit nga sya di ba? May kasalanan pa din ito sa kanya. At hindi ito madadaan ng simpleng 'i love you' lang.

"Type na kits, simula pa lang nung una kitang makita." bulong nito sa tenga nya.

Relax ka lang Kristine, ang kulet naman kasi. Ramdam nya ung hininga nito sa tenga nya. Nakakakuryente.

"Hindi ko naman gustong ipaubaya ka kay Andrew nun, natakot lang ako sa nararamdaman ko. Baka hindi kita mapasaya at masaktan lang kita. Pero nagkamali ako. Nasasaktan ako kapag dumadaan ang araw na gigising ako na alam ko na hindi ka akin"

'Tss... Lakas makadialogue ng mokong' sabi nya sa sarili. Nasisira ang concentration nyang magpanggap.

"Kaya honey..." takte naman makayakap hindi ako makahinga.

"Open your eyes hon.. Halata ka na"

Tss. Buking na naman. Pero hindi kaya pa yan...

Teka.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon