"Tita Kristine, anong oras ka pupunta sa usapan nyo ni tito Edward? tanong ni Maggie sa kanya ng maabutan siya nito na nasa bahay pa ng kanyang mga magulang. Itinext kasi siya ni Edward na magkikita sila sa Restaurant ng alas sais ng hapon..
Napabuntong hininga siya...
Wala naman kasi siyang balak makipagkita sa lalaki. Alas otso na din ng gabi at malamang na wala na ito sa lugar ng usapan nila dahil masyado na siyang late kung pupunta pa siya doon. Ayaw niyang makipagkita kay Edward. Ito ang nasa utak nya buong maghapon. Sino ba naman kasi ang gaganahan na makipagkita dito kung lagi lang siya nitong inaangilan o di naman kaya ay iparamdam sa kanya na iniiwasan siya nito.
Simula ng maisipan niya na makipag-ayos kay Edwad ay ang lalaki naman ang lumamig ang pakikitungo sa kanya sa hindi nya malamang dahilan. Hindi naman niya makuhang makapagtanong dahil nakikita niya ito na laging marami ang inuuwing mga papeles galing sa trabaho. Para sa kanya ay isang malaking pang-aabala ang gagawin nya kung magtatanong pa siya at makikialam sa mga bagay na alm niyang importante.
At isa pa, pakiramdam din niya na iniiwasan siya ni Edward. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip nya. Pakiramdam nya na parang ito din ang nangyari sa kanila noon. Yung tipo na bigla na lamang itong nanlamig sa kanya. Kunwari ay busy pero yun naman pala ay may pinagkakaabalahan. Nakita na niya ito lahat. Pero ipinagwawalang bahala na lamang niya ang instinct niya dahil kung gusto niyang mag-work ang pagsasama nila sa mga darating na panahon ay kailangan niyang pagkatiwalaan si Edward. Hindi pwedeng magpapakaaning siya dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip niya lalo na at wala siyang ebidensya.
"Wala na dun ang tito mo, paniguradong umuwi na sya dahil hindi ako dumating." isinara niya ang librong binabasa nya. Hindi rin naman niya maintindihan ang binabasa nya dahil sa lalim ng iniisip nya.
"Nandun pa kaya si tito Edward, kanina ka pa kaya nya hinihintay." kunot noo siyang tiningnan ng kanyang pamangkin. Parang gusto nitong basahin ang nasa utak nya. Napakibit balikat na lang siya sa narinig kahit na ang parang lalabas na ang puso nya sa lakas ng kabog .
Ganon ba kaimportante ang sasabihin sa kanya ng lalaki kaya kahit na dalawang oras na itong nag-aantay sa kanya ay nakuha pa din nitong maghintay. Para tuloy na gusto nyang puntahan ito sa kung saan man naroon ang lalaki upang malaman niya kung anong ganap at parang napakaimportante ng pag-uusapan nila.
"Pakisabi kina Nanay na umalis na ako," yun na lang ang tanging nasabi nya sa pamangkin dahil tumayo na siya mula sa pagkakaupo upang umuwi na.
Mas mabuti pa na umuwi na lang ng bahay, imbes na pakiramdam niya ay kinukunsensiya siya ng pamangkin dahil sa pagpapaintay niya sa isang tao.
"Pupunta ka na ba don Tita?" hinabol siya ng pamangkin sa may pinto.
"Gusto mo bang sumama?" ito ang lumabas sa bibig nya, pakiramdam nya ay nakakita sya ng dahilan para magpunta kung nasaan man ang lalaki. Hindi ito magiging awkward para sa kanya dahil may kasama siya. Tutal naman ay ang pamangkin lang naman ang naiwan sa bahay. Pwede nya itong isama.
Nagliwanag naman ang mga mata ni Maggie sa sinabi ng kanyang Tita Kristine, agad itong nagbihis upang sumama.
"Ready na ako," sabi nito ng pumasok sa kanyang sasakyan.
Nakadress ito at nakalugay ang buhok
"Parang ngayon ka lang makakalabas ah," biro nya dito dahil nakuha pa nitong magselfie sa loob ng kanyang kotse.
"Tita naman. . . nakakainip sa bahay kaya excited akong pumunta dun. Isa pa galante si Tito Edward kesa sayo. tyak espesyal yung kakainan natin" napangiti siya sa inasta ni Maggie, kahit kailan talaga ay close si Edward at ang batang ito.
"Wooohhhh..... grabe ka naman tita sa pagdadrive para tayong pagong sa kabagalan ng takbo mo," reklamo sa kanya ng pamangkin na ikinapangiwi ng kanyang mukha. para kasing gusto na nyang magback-out sa pagpunta dangan na lamang at nakasama na niya ang pamangkin kaya wala na itong atrasan.
"Good evening Miss Tan" bati sa kanya ng receptionist ng makapasok sila sa loob ng restaurant.
"Nandito pa ba si Mr. Edward Mendoza?" tanong niya agad. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay lalabas na ang kanyang puso sa bilis ng tibok nito. Parang may hindi magandang mangyayari. Ito ang sabi ng kanyang utak.
"Yes Ma'am, nasa may garden po si Sir Mendoza" sagot muli ng kanyang kausap.
"CR muna tayo Mags," bumaling sya sa pamangkin. Nakaramdam kasi siya ng pakiramdam na parang maiihi dahil sa kaba. Hindi naman na sumama ang kasama dahil usto na nyang magpakita sa kanyang tito Edward.
"Bago ka bumalik doon, pwede ba kitang yakapin?" napahinto siya sa paglalakad ng makita niya sina Edward at Alice na nag-uusap sa hallway na daan papuntang CR. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi siya nito nakita hindi gaya ni Alice na ngayon ay nakatingin sa kaniya at nakangisi pa habang kayakap ang kausap.
"Alam ko na pagbalik mo doon, may masasaktan ka. Wala namang magagawa ang taong sasaktan mo kasi nakapili ka na. May magsisimula na wala ka na sa buhay nya pero darating ang panahon na maiintindihan din nya na hindi talaga kayo para sa isa't -isa," gusto nyang manabunot ng tao dahil sa galit na namumuo sa loob nya. Kung kanina ay parang sasabog siya sa kaba ay ngayon naman ay sa galit.
Nakakabuo na siya ng ideya kung bakit siya pinapapunta ni Edward sa lugar na ito.
"Ano ba yang pinagsasabi mo Alice?" bumitaw si Edward sa pagkakayakap. Napangisi si Alice habang nakatingin sa lalaki.
Biglang nabitiwan ni Kristine ang hawak na bag sa sumunod na ginawa ni Alice. Hinalikan nito si Edward, kasabay nun ang panlalabo ng kanyang mga mata. Napatalikod siya sa eksenang nakita.
Talo na naman ba ako?
"Anong~ Araaaayyy" napasigaw si Edward sa sakit ng tamaan siya ng bag na ibinalibag ni Kristine sa kanya. Nagkalat pa sa sahig ang mga gamit sa loob nito. Hawak nito ang balikat na natamaan.
"Kaya nyo ba ako pinapunta dito ay para idispatsa ako sa buhay nyo?" pinunasan ni Kristine ang kanyang luha gamit ang mga kamay. Galit na siya at hindi siya papayag na ganito lang ang mangyayari.
"Kristine, nagkakamali ka ng iniisip," sambit ni Edward na tumingin pa kay Alice upang humingi ng tulong. Ngunit nakangisi lang ito kay Kristine at parang natutuwa pa sa nangyari.
"So what if its true?" nakangisi pa din si Alice sabay crossed arms ". . . may magagawa ka ba para pigilan kami?"
"Shut up Alice" pigil ni Edward dito.
"OO may magagawa ako," dali daling lumapit si Kristine kay Alice at bigla itong sinabunutan, Gusto nya itong saktan atkung pwede lang na patayin nya ito ay gagawin nya. Para sa kanya ay masyado n kontrabida ang babae sa kanyang buhay.
"Yan lang ba ang kaya mo ha?" sigaw pabalik sa kanya ni Alice ng mapaghiwalay sila ng lalaki.
Nagpupumiglas si Kristine upang makawala sa pagkakayakap sa kanya ni Edward. Gusto nyang magwala.
"Tama na Tin," pakiusap pa ni Edward sa kanya.
" Anong tama na? Hindi ako titigil hanggat hindi ka tinatantanan ng babaeng yan, Akin ka lang Edward. At hindi ako makakapayag na may umagaw sayo mula sa akin. Hindi ka pwedeng sumama o magmahal ng iba hanggat nag-eexist ako sa mundo," hilam na hilam na ang mga mata ni Kristine, ni hindi na nga niya namalayan na lumuwag na ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki.
"Sabihin mo ng obsessed ako Edward, pero hindi kita hahayaan na mapunta sa kahit kaninong babae. Kahit gam itin ko pa yung anak natin gagawin ko yun basta huwag ka lang mawala sa akin. Ipagdadamot kita dahil simula ng minahal kita ay pag-aari na kita"

BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"