Chapter 31 : End

4.1K 24 6
                                    

"Ganito ba talaga ang wedding jitters?" sabi ni Edward sa isip nya.

Nung nakakaraang araw kasi ay wala ng ginawa si Kristine kundi ang mapag-isa. Pero lately . . . nagiba ito. Hindi na nga ito pumapasok ng shop nya. Kinukulit na din ito ng kapatid nyang si Krystal dahil hindi ito makaisip ng matino. Wala ng ginawa ang babae kundi ang dumikit sa kanya. Konting kilos lang kailangan ay kasama sya. Ni hindi nga nya masabi na nagkakamabutihan na uli sila ni Alice.

Lagi itong malambing at nakangiti sa harap nya. Minsan ay nagui-guilty sya na anumang oras ay kailangan nyang paiyakin ang dalaga. Alam nya na nagsusumikap ito para mapatunayan sa mama nya na kaya nitong maging isang may bahay.

Ngunit may mga pagkakataon na nagtataka sya. Kapag naaabutan nya ang dalaga na mag-isa ay tulala ito. Minsan nga ay nahuli pa nya itong umiiyak. Kapag tinatanong naman nya kung para saan ang mga luha nya ay sumasagot lang ito na . . .

"Masaya lang ako dahil nandito ka sa tabi ko."

'Maging masaya pa kaya si Kristine kapag nakipaghiwalay na sya?' isip muli nya.

Kailangan na nyang gumawa ng paraan para masabi sa nobya ang gusto nyang mangyari.

Iniiwasan na din kasi sya ni Alice. Gusto nito na ayusin nya ang relasyon nya sa babaeng pinangakuan nya ng kasal. Pero wala na talaga. Bigla bigla na lamang nawala ang nararamdaman nya kay Kristine.

Hindi na nya makuhang sumaya kapag kasama ito. Ni hindi nya maramdaman ang kilig na dati rati ay nagpapangiti sa kanya. Basta ang alam nya ay kay Alice na muli tumitibok ang puso nya.

Ni hindi na nga nya makuhang sagutin ang mga phone calls at text call nito. Inip na inip sya kapag kasama nya ang nobya. Kung pwede nga lang na tuluyan nyang iignore ang babae ay gagawin nya ito. Kaya nag-aalibi na lamang sya na sobra syang busy at nakakalimutan na nyang hawakan ang celfone.

"Kristine, itigil na natin ito." sabi nya matapos mapabuntong hininga. Ito na ang pinakakahintay nya.

"Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?" takang tanong naman ng babae na napahinto na sa pagkain.

Kasalukuyan silang nagdi-dinner sa bahay nya. Isang linggo na lang at ikakasal na sila. Hindi na nya pwedeng paabutin pa ng kasal ang gusto nyang sabihin. Baka matrauma na si Kristine sa mga mangyayari.

"Wag na nating ituloy ang kasal." muli nyang sabi na ngayon ay nakatingin sa dalaga na mukhang hindi maintindihan ang mga nangyayari. Nahulog pa nga nito ang kutsarang hawak.

"Ba-bakit?" nauutal na tanong nito.

"Mahal ko pa din si Alice." deretsa nyang sagot. Kung hindi pa nya ito sasabihin ay lalo lamang na aasa si Kristine na hanggang ngayon ay mahal pa nya ito.

Bigla na lamang tumulo ang mga luha sa mata nito. Tahimik itong umiiyak. Hindi nagsasalita pero nakatingin ito sa mga mata nya. Walang expression, ni hindi nya makita kung ano ang tumatakbo sa utak nito.

Tahimik lang itong nakaupo. Wala syang lakas ng loob para aluin ito. Hindi sya dapat magpadala sa awa sa mga ginawa nya. Ilang sandali pa ay pinunasan nito ang mga luha gamit ang mga kamay saka tumayo. Lumabas ito ng dining area. Marahil ay papalabas na din ito ng bahay nya. Gustuhin man nyang sundan si Kristine ay hindi nya ginawa. Alam nya na masakit ang ginawa nya. Pero hanggang dito na lang ang kaya nyang ibigay dito.

Naiwan sya sa dining room. Tahimik lang syang nakaupo doon. Hanggang sa may maramdaman sya sa dibdib nya na masakit. Binalewala na lamang nya ito. Marahil ay dala lang ito ng awa para sa taong sinaktan nya.

********************

Pag-uwi sa bahay ni Kristine ay nagdire-deretso ito sa kwarto nya. Nagkulong ito sa loob. Dinig ng mga magulang at pamangkin nya ang mga iyak nya. Ilang beses nila itong kinatok bago pa nya ito pinagbuksan.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon