Chapter 9 : Mahal?

5.1K 44 4
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Edward habang nasa loob sila ng kotse nito.

Maaga siyang ginising ni Kristine. Hindi pa nga sila nakakapag-almusal ay pinasakay na agad siya ng kotse.


"Bakit ba ang dami mong tanong?" nakataas ang kilay na tanong ni Kristine, matapos ayusin ang paglalagay ng seatbelt, nakaupo ito sa drivers seat.



"Inaantok pa ako, maaga pa masyado?" isinuot din nito ang seatbelt, isinandal ang ulo sa may bintana ipinikit ang mga mata. "Bili ka ng malunggay pandesal sa daan,ah"


Simula ng maging magkaibigan sila ni Kristine ay kung saan saan na ito dinadala. Masaya sana kung namamasyal sila. Ang totoo ay ginagawa siya nitong assistant. Ito ba ang depinisyon ng kaibigan para sa dalaga?


"Wala ka namang ginagawa sa bahay. " medyo napataas ang boses ni Kristine. "Imbes na inuubos mo ang muscle mo sa sa bahay at gym, gamitin na lang natin" ngumisi ito sa kanya na parang nakakaloko



"Good morning Ma'am" bati ni Jane pagkapasok ni Kristine.


Ngiti ang itinugon nito sa empleyado, Bago bumaling sa kasama. "Edward, palabas naman ng mga bulaklak, thank you" saka nagtungo sa opisina nya. Umupo sya sa may office table saka tiningnan ang kanyang planner para sa mga gagawin nya ngayong araw.



Napasapo ng ulo ang lalaki. Nakita na nya ang mangyayari ngayong araw. Lagi naman, parang gusto na bawiin ang friend status nila. Ginawa na lang niya ang inutos, imbes na makipag-away.




Lumipas ang ilang oras nasa loob pa din sya ng opisina ng biglang pumasok si Edward. May dala itong tasa na may lamang kape. Inilagay ito sa table ni Kristine saka umupo sa tapat niya.



"Kinakalimutan mo na yata ako?" reklamo nito sabay kuha ng pandesal na kanina pa nasa ibabaw ng table.




"Tatapusin ko lang ito ha, ititreat na lang kita ng lunch" ngiting sagot ni Kristine.



"Okay, ikaw ang bahala boss" ngumiti ito muli sabay sabing "...basta pangako yan ah"




Natawa pa si Kristine sa sinabi ni Edward. Komportable na sila sa bawat isa, nag-uusap ng kung anu-ano, nagbibiruan, nagtatawanan, minsan seryoso madalas hindi. Lagi silang magkasama dahil sa wala din namang ginagawa ang lalaki.



Kapag inaaya siya ng magulang ni Kristine ay sumasama siya ganoon din kapag ang babae ang nag-aaya. Masaya siya sa routine ng buhay niya sa Pilipinas, nalilimutan din niya ang problema.




Naputol ang usapan nila ng may kumatok sa opisina. Sabay pa silang napatingin sa pinto, bago pinapasok ni Kristine. Bumungad sa kanila si Andrew, may dala itong box ng cheesecake.


Tumayo si Kristine, sinalubong ang bisita pinaupo sa may sofa. Habang si Edward ay hindi natinag sa pagkakaupo. Kakilala naman na niya ang bisita, manliligaw ito ng dalaga. Kinuha nito ang celfone at kunwari ay abala upang hindi maabala ang usapan ng dalawa.



"Nakakaistorbo ba ako?" tanong ni Andrew matapos nito tingnan ang dalawa. Iniabot muna ni Andrew ang dala bago sya umupo.


"Thank you sa dito," pasasalamat naman ni Kristine.



"Nagpunta ako dito kahapon, kaso wala ka daw sabi ni Jane. Yayayain sana kitang magdinner mamaya." si Andrew na napatingin pa kay Edward.



"May dinner meeting ako ngayon eh." tanggi ni Kristine.



"Friday night kaya pwede ka?" tanong ulet ni Andrew.




CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon