Chapter 4 : Si Edward

6.4K 45 2
                                        

Sinilip ng lalaki mula sa bintana si Kristine. Nakita niya ito na napakapit sa may gate at muntikan ng matumba. Nang makalabas ito ng bahay ay nakita niyang lumakad ito pabalik ng unit na tinulugan nya kagabi. Napangiti siya ng maalala ang eksenang hinalikan niya ang kanyang landlord. Wala sa loob na napahawak pa siya sa kaniyang labi na para bang ninanamnam ang mga halik na ibinigay nya sa babae. Aasarin lang sana niya ito ng biglang may kung anong nangyari at tinotoo na ang halik


Sa gitna ng kanyang muni-muni ay naalala niya na may kailangan siyang tawagan. Ilang beses nya itong kinontak, number busy ito. Nang napagod na ito kakadial sa telepono ay humiga na lang sya sa kama. Inaalala pa din niya ang eksenang nakikipag-away siya sa may-ari ng townhouse na kinaroroonan nya ngayon. Napapangiti siya sa tuwing makikita ang ekspresyon sa mukha ng taong unang bumungad sa kanya. Ibang iba kasi ito sa kwento ni Jessica, ang kapatid ng bestfriend nyang si Chron, noong nakaraang gabi.


"Alam mo Edward, mabait ang best friend ko na yun. Tahimik lang wala kang magiging problema, basta magbayad ka sa araw ng bayaran o kaya sa usapan nyo kung madedelay ka." sabi ni Jessica matapos sumubo ng carbonarra.



Tahimik namang kumakain si Edward, makikita ang pagod sa mukha nya, dahil sa mahabang byahe. Kadadating lamang niya galing Canada. Matapos niyang makagraduate ng kolehiyo ay sumunod na din siya sa kaniyang magulang at doon na nanirahan.


"Hanggang kelan mo ba balak magstay dito?" tanong ni Jess.



"Hindi ko pa alam," tipid na sagot naman niya "...san nga pala nakatira ang may-ari ng townhouse?" tanong nya kahit wala naman talaga siyang pakialam, nais lang niya na mabago ang usapan. Siya kasi mismo ay hindi din naman alam kung ano ang isasagot.



"Sa bahay ng parents nya, mamaya ituturo ko ang bahay nila pagkahatid ko sayo sa townhouse, madadaanan naman natin. Dont worry hindi mo yun laging makikita dahil laging busy yun sa trabaho at blind dates."

Blind dates?

Kumunot ang kanyang noo, hindi makapaniwala sa sinasabi ng kausap. May tao palang mahilig sa blind dates.

"Ubusin mo na yang pagkain mo ng maihatid na kita sa bahay mo, mukhang pagod ka na." wika ni Jess.



Matapos ang pagbabalik ala ala ay muli siyang nakatulog. Hindi pa sanay ang katawan niya sa  oras sa Pilipinas, nahihirapan siyang matulog sa gabi



Ala-una na ng tanghali ng magising si Edward at makaramdam ng gutom. Sinuklay niya ang buhok gamit ang kamay at kumuha ng damit sa maleta upang magpalit. Kailangan nyang maggrocery at makapaglibot-libot na din, ayaw niyang magmukmok sa bahay.


Kalalabas lang niya ng gate ng bumungad sa kanya si Kristine na nasa harap ng gate ng bahay nito, mukhang paalis.


"What?!" pinandilatan siya, sabay irap.


"Yung breakfast, nasaan na?"


Kita niya ang biglang pamumula ni Kristine. Nakakamatay ang mga tingin nito. Napahinga ito ng malalim saka lumapit sa kotse papunta sa driver's seat. Bago pa man nito mabuksan ang pinto ng sasakyan ay sumandal na doon si Edward.


Inilapit niya ang mukha sa tenga ng dalaga,  "Nasaan na ang pinangako mong breakfast? kanina ko pa yun inaantay" bulong niya.

"Kapal ng mukha mo, matapos mong gawing breakfast yung labi ko, hahanapan mo pa ako ng breakfast"  nagpipigil ng gigil na sagot nito sa kanya.



"Breakast ba yun? Parang~" hindi na itinuloy ni Edward ang gusto niyang sabihin, "Pahatid na lang sa mall,' tinapik niya ang balikat ni Kristine saka umikot papuntang passenger seat at sumakay.



CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon