Isang buwan matapos ang unang pagkakakilala.
Isinubsob ni Kristine ang sarili sa trabaho. Trabaho at bahay doon naman lagi umiikot ang buhay niya. Kapag naiinip at stress siya ay nakikipagkita siya sa mga kaibigan o kaya naman ay nagsho-shopping.
Matapos ang museum date nila ni Andrew ay hindi na ito nasundan. Dumadalaw pa din naman ito sa bahay nila o hindi naman kaya ay sa flower shop niya. Nawalan na siya ng interes makipagdate. Pakiramdam niya ay nagsasayang lang siya ng oras.
Lalo na kung mga bagay na hindi siya interesado.Hindi na rin naman siya pinipilit ng magulang na makipagblind date. Kuntento na sila kay Andrew, sa lahat ng naka-date ni Kristine ay ito lang ang tumagal at nakakasakay sa ugali ng kanilang anak. Baka pagdating ng araw ay magbunga din ang pagiging masigasig ng lalaki sa anak nila.
"Wanna dance?" yaya sa kanya ng isang lalaki na hindi kakilala.
Nasa bar siya ngayon kasama ang mga kaibigan nya noong college. Ayaw niya ng alak, hindi niya gusto ang lasa nito. ok gusto nya mabago ang araw-araw niyang ginagawa. Kahit ayaw pa niya ng lugar, masaya na siya doon.
Uminom siya ng pineapple juice at iniwas ang tingin sa taong nagyaya sa kanya.
Ilang beses na siya nayaya sumayaw ng mga kaibigan at hindi niya kakilala at tinanggihan niya lahat ito. Wala din siyang hilig sumayaw, hindi ganitong tipo ng lugar ang gusto niya. Kaya naman sa tuwing nagkakayayaan ang mga kaibigan niya ay alam nila na mag-uubos lang siya ng oras sa may upuan. Gaya ngayon na mag-isa lang siya.
Inilinga niya ang tingin sa paligid, sobrang ingay. May mga sumasayaw at mayroon din nag-iinuman, syempre nasa bar sila ngayon. Ang hindi niya kinakaya ay ang mga naghahalikan, naiilang siya. Hindi na niya kayanin ang mga mature roles na nakikita sa paligid. Nang mapagod siya kakaupo ay nagpunta siya sa CR para mag-retouch ng make-up.
Lumabas siya ng banyo ng feeling fresh at pretty. Wala siyang kamalay-malay na masisira pala ang kanyang gabi. Bago pa siya makabalik sa pwesto nila sa bar ay nagkagulatan pa sila ng lalaking nakasalubong niya. Naka-all black ito mula sa jacket, t-shirt, pants pati na din sapatos, mukha siyang Grim Reaper, may hawak pang whiskey glass. Lumawak ang ngiti ng lalaki ng makita sya, inubos nito ang alak sa baso na hawak nya at inilagay sa tray ng waiter na dumaan sa gilid nya.
"Ms. Landlord, i miss you" pasigaw nitong sabi habang lumalapit sa kanya na with open arms.
Tumalikod siya upang iwasan si Edward, magkukunwari na hindi niya nakita. Sa dami ng makakasalubong niya ay ito pang iniiwasan ang makikita nya. Naramdaman niyang naipulupot na ng lalaki ang kanyang mga braso sa leeg niya. Naamoy pa nya ang pinaghalong alak at pabango nito.
"Bitawan mo nga ako hindi ako makahinga sa ginagawa mo" daing niya, pilit kumakawala sa bisig ng lalaki
"Huwag mo akong iwan Ms. Landlord, tine-take advantaged ako ng mga babae sa pwesto ko," Niluwagan nito ang yakap sa kanya at inakbayan ng mahigpit.
Sus, mas may posibilidad pa na ang lalaki ito ang mag-take advantage sa babae.
Napakasinungaling!
Iginiya niya ang lalaki sa pwesto nila. Ayaw na siya nitong bitawan nang makaupo sila, yumakap ito sa kanyang bewang at isinandal ang ulo sa kanyang balikat. Nakatulog na yata at hindi na nagsasalita. Binigyan pa siya ng lalaki ng responsibilidad. Iiwan ba nya ito o iuuwi niya. Wala pa man din sa bansa si Chron.
Kapag may balak uminom sana magtira man lang pang-uwi.
"Oh, sino yan?" gulat na tanong ng kaibigan nyang si Kyla ng makita at lalaking nakayakap sa kanya. Kadadating lang nito galing sa pagsayaw.
"Kakilala ko, nakasalubong ko nung nagCR ako, lasing na" paliwanag nya.
Napamulat si Edward at tiningnan kung sino ang kausap ni Kristine, nanatili lang siya sa kanyang pwesto, walang balak kumilos.
"Oh bakit nandito na yan?" gulat na tanong ulit ng isa pang bagong dating.
"Kakilala mo ba 'to, Bree?" takang tanong niya sa kaibigan.Kung kakilala ng kaibigan ay dito nya ipapasa ang responsibilidad.
"Ah, hindi. Nakita ko yan kanina nakikipaghalikan doon sa kabilang table." umupo ito sa tapat nila. Sumunod din si Kyla sa pag-upo.
Yuck, kadiri.
"Take advantage daw, tch" sabi na nga ba at nagsisinungaling ang lalaking ito. Iginalaw nya ang balikat na pinagsasandalan ni Edward, gusto niyang makawala dito.
"Totoo yun, Kristine. Yung girl ang unang humalik, nanlaban lang ako" ngumuso pa ito at tumingin sa kanya, sobrang lapit ng mga mukha nila. Hinigpitan pa lalo ang yakap.
"Namiss ko ang amoy mo, pati na din ang labi mo, Ms. Tan"
Nagpasya na iwan na nila Kyla at Bree si Kristine sa table nila. Pakiramdam nila ay nakakaabala sila sa dalawa. Gustuhin man nilang magtanong sa kaibigan ay hindi na naitanong. Nawalan na sila ng pagkakataon sa kulit at kung anu-anong sinasabi ng lasing na kasama ng kaibigan.
"Tigilan mo yang nonsense mo Edward, bukas kapag nagisawan ka mahihiya ka sa mga pinaggagawa mo," sabi niya pagkasipsip sa bagong baso ng pine-apple juice na kalalagay lang ng waiter.
"Bakit ka nasa bar? Wala ka naman palang balak uminom ng alak" tanong nito sa kanya pagkababa ng pineapple juice sa mesa.
"I don't drink." Ganito ba talaga si Edward? Masyadong clingy kapag nalalasing.
Hinayaan na lang kumapit ang lalaki sa kanya. Sanay naman na siya sa makulit na lasing. Ganoon ang kanang ama, nagugulo ang mundo nilansa tuwing lasing ito, yakap ng yakap at ang daming kwentong paulit-ulit.
"Okay yan, huwag ka ng mag-aral uminom. Baka makalimutan mo na may boyfriend ka at ipagpalit mo siya kapag nalasing ka." natahimik ito. Ilang sandali ay naramdaman niyang basa ang kanyang balikat, umiiyak ba sya?
Tahimik na umiyak si Edward sa braso ni Kristine. Hinayaan lang ito ng dalaga. Alam niya na broken hearted ang lalaki kaya ito umuwi ng Pilipinas. Kaya kahit may pagkasiraulo ito ay hinahayaan na lang niya. Matindi daw ang naging break-up nito sa girlfriend. Hindi man niya alam ang detalye ay hindi na niya inalam pa. Hinintay niyang matapos ang pag-iyak nito ng mayaya na niya itong umuwi. Pagod na siya at masakit na din ang ulo dahil sa ingay sa paligid.
"I hate cheaters. Ayoko sa mga manloloko" ang sabi pa nito.

BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"