Chapter 38 : Mixed

4.1K 19 9
                                    

"Paano nga ba tayo magsisimula after ng break-up? Yung iba nagmo-move-on pero ganoon nga ba kadali ang salitang move-on? Paano nga ba? . . . At kung may tao man na gustong pumalit sa taong nagmahal sa atin na binalewala lamang ang nararamdaman natin, handa ba tayong magmahal ulit? Hindi naman ganon kadali na basta na lamang mapasa sa iba ang pagmamahal na mayroon tayo. Kasi it takes time to heal all the wounds na dinala ng past. Sana po ay magustuhan nyo ang last song ko para sa acoustic night natin."

Napatingin sya sa may stage. Muntikan na nyang malaglag ang bote ng alak ng makita nya ang nagsasalita sa ibabaw ng stage.

"Si Kristine."

Now Playing:

The First Cut Is The Deepest

I would have given you all of my heart

But there's someone who's torn it apart

And he's taken just all that I have

But if you want I'll try to love again

Baby, I'll try to love again but I know . . .

Takte lang . . .

Nag-aalala pa man din sya sa pagkawala nito pero heto kumakanta ito sa isang bar? Tss. . . Sino nga ba naman ang makakaisip na magpupunta ito sa ganitong lugar?

The first cut is the deepest

Baby I know

The first cut is the deepest

But when it comes to bein lucky, he's cursed

When it comes to lovin me he's worst. . .

Hindi man lang yata nito naiisip na nag-aalala na ang pamilya nya, isip pa ni Edward.

Nakatingin lang sya kay Kristine na tuloy sa pagkanta sa ibabaw ng stage. Mukhang namamayat ito. Marahil ay nahihirapan ito sa buhay na mayroon sya ngayon. Lalo na at mukhang panggabi ang trabaho nya.

I still want you by my side

Just to help me dry the tears that I've cried

And I'm sure gonna give you a try

If you want I'll try to love again (try)

Baby, I'll try to love again, but I know. . .

Napansin nya na nakatingin lang sa isang direksyon ang babae habang kumakanta. Kaya sinundan nya ng tingin ang direksyon ng mga mata ng dalaga. Hanggang sa nakita nya ang isang lalaki na nakaupo sa table na hindi kalayuan sa kanya.

'Ano 'to eye to eye contact? Ngiting ngiti pa ang lalaki habang kumakanta si Kristine. '

Tinungga nya ang hawak na bote ng alak. Nabubuwisit sya sa eksenang nakikita nya.

Ang daming tao na nag-aalala dahil sa pagkawala nya. Tapos makikita ko lamang na makikipagtitigan sya sa isang lalaki. Shit.

Ooohhh . . .

The first cut is the deepest

Baby I know

The first cut is the deepest

But when it comes to bein lucky, he's cursed

But when it comes to lovin me he's worst . . .

Ilang beses na din nyang narinig kumanta si Kristine.

Pero ano nga ba ang kinakanta nya? First Cut Is The Deepest? Ano yun? Ako ba ang nanakit sa kanya at yung katitigan nya ang ipapalit nya sa akin?

Hindi ba nya alam ang three month rule?

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon