Chapter 24: Sunflower

4.6K 33 2
                                    

"Umuwi ka na nga." galit na sabi ni Kristine pagkapasok sa loob ng bahay.

"Nakauwi na naman ako ha?" ngiting sabi ni Edward sa kanya.

"Bahay ko to. At hindi mo ito bahay" pagtatama pa nya sa lalaki.

"Ikaw talaga ang pikon mo. Bumawi ka na lang next time." he hugged her from her back.

Asar kasi sya sa lalaki. Tawagan daw ba siya para magpaluto ng lunch at dalin sa office. Sweet na ng moment eh, pero ang nangyari nireklamo ng siraulo yung niluto nyang adobo. Mamamatay daw sya sa sobrang alat. And take note... Galit pa ito.

Sinabi at alam naman ng lalaki na wala syang alam sa pagluluto. Expected pa yata ay biglang sarap ng luto nya. Hinagilap pa nga nya yung recipe sa internet pero takte lang... palpak eh. Tapos rereklamuhan sya nito. Hindi man lang naappreciate kahit paano ang effort nya tss...

"Ingudngod kaya kita sa semento. Wala ng next time, tandaan mo yan. Mamatay ka sa gutom. Bitaw nga" galit nyang wika habang tinatanggal ang mga kamay ng lalaki sa bewang nya.

"Sorry na nga eh. Di ka na mabiro. Besides kinain ko naman yung niluto mo" parang bata nitong sabi.

"Kinain mo nga puro ka naman reklamo. Nakakakulili ka ng tenga sa reklamo mo at hindi yun magandang joke. Kaasar. "

"Huwag ka na kasing magalit. Ang babaw lang ng away natin oh."

"Mababaw nga. Panira ka naman ng mood." nakakawala siya sa pagkakayakap sa lalaki kaya nagtatakbo ito palayo dito. Nang makalapit ito sa hagdan ay tumigil ito saka muling humarap sa nobyo at binelatan ito.

"Kailan ka ba magiging sweet kahit konti?" parang batang sabi nito sa kanya.

"Kristine!" napatingin sya sa taong tumawag sa kanya, ang kanyang tatay. Nakakunot ang noo nito. As ussual may ginawa na naman syang mali. Kaya napapout na lang sya.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na itrato mo ng tama ang boyfriend. Act your age Tin, hindi ka na bata" narinig nyang napatawa ang nobyo kaya pinandilatan nya ito. Lumayo naman ang tingin ang lalaki.

Ayaw kasi ng tatay nya na sinisigaw sigawan nya ang nobyo. Dapat ang mga babae daw ay magpasakop sa mga lalaki. Hindi naman sya naniniwala sa mga pangaral ng ama.Sa panahon ngayon pantay pantay na ang babae at lalaki. Hindi porket lalaki ay sya na agad ang masusunod. Hindinrin naman makaporma ang kanyang tatay sa nanay ni..

Para hindi na dumami pa ang sermon sa kanya ay nagtuloy na sya sa kwarto.

'Bakit ba gustong-gusto ng mga magulang ko si Edward??" sabi nya habang nakaharap sa salamin.

Siguro nga sumosobra na sya sa pinaggagagawa sa nobyo. Ramdam nya na mahal talaga sya ng nobyo. Pero bakit nga ba ang sungit sungit nya lagi dito. Madalas itong makita ng mga taong malalapit sa kanya. Hindi nga ba talaga sya marunong humawak ng isang relasyon?

Mahal na mahal nya si Edward. Ramdam nya ito. Pero bakit parang sya na ang pinakaworse girlfriend? Kailangan na nya yata nyang bumawi at baguhin ang relasyon nila. Bigla kasi nyang naalala ang sinabi ni Jessica sa kanya...

"Huwag mo namang awayin parati si Edward, sige ka kapag naghanap yan ng sweet. Patay ka"

Hahayaan na lang ba nyang maiwan ulit sya?

"Bakit nung kami pa ni Andrew hindi nag-aaway pero nakahanap pa din sya ng iba? Akala ko ba ayaw nila ng boring?" tanong nya naman.

"Hindi naman yun sa paraang aawayin mo sya. Tin, you should know that love is a give and take relationship. Hindi yan yung tulad na lagi mong ginagawa na mag-aantay ka na lang lagi na pakiligin o mag-antay ng da moves nya sayo. Dapat ikaw din gumawa ng way. If Edward is always making you happy. Dapat pasayahin mo din sya at hindi yung gumagawa ka lagi ng galit."

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon