[The number you dialled is out of coverage area. Please try or call later]
Hindi na mabilang ni Kristine kung ilang beses niyang tinawagan si Edward. Simula kasi ng huling pag-uusap nila ay hindi na sila nag-usap at nagkita. Nag-aalala siya sa kaibigan dahil bigla na lang itong naglaho, matapos ang gabing ibinalita niya na may boyfriend na siya.
Dahil ba iyon sa tumawag kay Edward?
Nasasaktan ba ang kaibigan dahil sa tawag nung Alice? Nag-iinom na naman ba siya sa isang bar habang nilulunod ang sarili sa kalungkutan? Busy ba siya sa trabaho? Hindi niya alam ang sagot.
"Nasaan ka na ba Edward? Namimiss na kita," humiga ito sa kama nya at pumikit. "...masyado mo akong sinanay na laging andyan ka tapos bigla ka na lang mawawala, ano bang problema mo?"
Kriiing... Kriiing...
"Hello Jessica" sagot nito sa kabilang linya.
[Wow ha, KRISTINE TAN, kilala mo pa pala ako?] pinagdiinan pa nito ang pangalan nya.
"Pinagsasasabi mo Jess?" naguguluhang tanong niya sa kausap sa telepono.
[Itatanong ko lang naman po MS. KRISTINE TAN kung lumipat ka na ng ibang planeta?]
"Jess, diretsuhin mo na kaya ang sasabihin mo?" tumaas ang kanyang kilay, hindi maintindihan ng sinasabi ng nasa kabilang linya.
[Gusto ko lang malaman kung bestfriend mo pa din ako? Sa pagkakatanda ko kasi ako ang besfriend mo, kaso mukhang may umagaw na ng lugar ko at bukod pa dyan may boyfriend ka na pala ni hindi mo man lang sinasabi sa akin]
Natahimik si Kristine sa mga sinabi ni Jessica. Simula ng maging magkaibigan sila ni Edward ay laging ito na lang ang kasama nya. Dumating pa sa punto na nagpaligaw na sya kay Andrew kaya mas lalong nawalan siya ng oras kay Jessica. Busy din naman kasi lagi ang kaibigan sa hotel business ng pamilya nito. Hindi kagaya ni Edward na pakalat-kalat sa bahay nila.
Huminga muna ito ng malalim bago sumagot sa kausap sa telepono.
"Okay, when and where?" tanong nito, suko na sa kausap. Alam din naman niya na gusto nito makipagkita sa kanya.
[Good, tonight at 7pm same place] wala ng pagtataray nito.
-*-
"Kuya Chron, kala ko talaga wala ka ng balak umuwi." nakangiting sabi ni Jessica sa kapatid matapos humigop ng kape. Nasa restaurant sila ng isang five star hotel, pagmamay-ari nila Jessica.
"Bakit naman ako hindi uuwi? Eh di hindi ko mabantayan ang mga ginagawa mo?" ginulo nito ang buhok ng kapatid. Muntikan pa matapon ang kape na hawak ng kapatid.
"Ano ba Kuya? Ang hilig mong manggulo ng buhok, ginagawa mo akong aso. Hmmp" nagpout pa si Jessica habang inaayos ang buhok.
"Kamusta ka naman dito Edward?" biglang tanong naman ni Chron sa tahimik na kaibigan, malalim ang iniisip. Pansin na may problema ito.
"Ok lang" sagot naman nito at humigop ng kape.
"Kuya ganyan ba talaga yang kaibigan mo kapag may type na girl" biglang singit ni Jessica.
Napangunot ang noo ni Chron sa mga sinabi ng kapatid, na wari ay nagtataka dahil hindi maintindihan ang mga nangyayari. Kailan pa nagkagusto sa isang babae ang kaibigan maliban kay Alice? Nakamove-on na ba ito? Muli niyang pinagmasdan ang kaibigan, kinukumpirma ang sinabi ng kapatid.

BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"