Chapter 16 : Let's Get Marry

4.8K 30 0
                                    

Lumilipas ang araw, lalong lumalala ang agwat ni Andrew at Kristine. Niloloko nya ang nobya. Hindi nya malaman kung paano sasabihin dito ang mga nangyayari. Natatakot syang masaktan, ayaw din naman nyang mawala ito sa kanya.


"Andrew, kumain ka na muna bago umalis" yaya ng babae sa kanya.


"Hindi na aalis na din ako" tumayo ito para lumabas na ng apartment pero agad naman syang hinabol ng babae at niyakap siya mula sa likuran nito.


"Hindi mo ba talaga kayang mahalin ako?" umiiyak na ang babae. Na nakayakap pa din sa kanya.


"Cherry mahal ko si Kristine" walang emosyon na sagot naman niya.


"Pero magkakaanak na tayo, at kailangan ka ng anak natin" sabi pa ng babae na tuloy tuloy sa pag-iyak.



"Pananagutan ko naman ang nangyari. Pagkakamali lang ang nangyari sa atin" matapos non ay tuluyan na syang lumabas ng bahay.


Napasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. Busy na nga sa kumpanya dumagdag pa ang kanyang sekretarya. May nangyari sa kanila matapos ang isang get together at nagbunga. Pinipilit siya nitong panagutan ang bata at pakasalan niya. Ayaw niya matali sa isang relasyon na walang pagmamahal.


"Ang tagal mo lumabas" sabi ng taong nakasandal sa kotse nya.


"Sinusundan mo ba ako?" tanong nya kay Edward na nagpatuloy sa paglakad papuntang driver seat ng kaniyang kotse.



"Gusto ko lang maaktuhan ang panloloko mo sa kaibigan ko at ibigay to sayo" sabi ni Edward sabay gigil na sinuntok si Andrew.


Napaupo ito at dumugo ang ilong.


"Psh." sabi pa nya sabay pahid sa dugo sa may ilong.


"Layuan mo si Kristine. Dahil kung hindi. Mas malala pa dyan ang mangyayari sayo" binigyan sya nito ng nakamamatay na tingin saka umalis.

"Bakit ko lalayuan ang girlfriend ko?" ngumisi ito sa kanya "Para mapunta sya sayo? Anong akala mo, hindi ko alam na may gusto ka kay Kristine. Atat ka na maghiwalay kami para masulot mo yung girlfriend ko." gumanti ito ng suntok kay Edward.


Nagpambuno sila, walang gusto magpatalo. Nagtapos ang suntukan nila noong may dumating na mga barangay tanod at inawat sila.

"Jess, ang tagal ko ng nag-aantay. Should i move on o mag-iintay pa din ako?" si Kristine na lasing na.


Nasa loob sila ng bar ng kaibigan.


"Tin, hindi ko din alam ang sagot. Basta ang alam ko lang peste yang boyfriend mo. Kapag nakita ko sya baka patayin ko pa yun." pagalit na sabi naman ng kaibigan.


"Bibigyan ko naman sya ng space kung sinabi nya eh." tumulo ang luha nya na kanina pa nya pinipigilan. "...wag naman yung ganito. Pakiramdam ko nawawala ako"


Niyakap siya ni Jessica at tinapik tapik sa balikat. Naaawa siya sa kaibigan ngunit tanging pakikinig lang sa problema nito ang pwede niyang gawin.


"Alam mo Tin, normal lang yan. Lahat ng tao pinagdadaanan yan, kapag nagkita kayo sabihin mo lahat ng gusto mo."

Pinunasan niya ang mga luha. Gusto nya pigilan ang  pag-iyak ngunit patuloy lang ang pagbagsak nito sa kanyang mga mata. Ilang linggo na syang nagtatanong sa sarili kung ano ang naging mali sa relasyon nila ni Andrew. Ni wala nga silang pinag-awayan.


Dumating si Andrew sa bahay nila Kristine, hindi mapakali. Naabutan nya sa sala si Maggie at si Edward na nag-uusap. Kitang kita nya kung paano sya nito bigyan ng nakamamatay na tingin. Kinalma nya ang sarili at hinarap ang pamangkin ng nobya.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon