Chapter 46: Again

2.7K 22 3
                                    

"Nandyan ka lang pala"

"NAMAN!!!" napasigaw si Kristine ng aksidenteng mahiwa niya ang daliri sa gulat ng magsalita si Edward habang naghihiwa sya para sa lulutuin.

'Takte dugo' nasabi nya sa sarili ng makita nyang dumudugo ang hintuturo. Takot siya sa dugo kaya imbes na hugasan agad ang kamay ay napapikit siya. Ito ang pinakakatakutan nya sa lahat kaya hindi nya nakahiligan ang magluto. Nanigas ang katawan nya. Gusto nyang gumalaw pero di nya magawa.

"Tumigil ka na please" paulit ulit niyang sinasabi habang nakapikit.

Narinig naman ni Edward ang sinasabi niya. Buong akala nga nito ay siya ang sinasabihan nito na TUMIGIL. Di ba nga at may usapan na sila ni Kristine na hindi na sila magpapansin. Pero heto siya at mukhang gusto pang sirain ang deal nila noon. Kanina pa kasi siya usap ng usap sa babae. Eh obvious naman na ayaw sya kausap nito kaya nga yata hindi ito nagsasalita at parang wala sa sarili ng makita nya ito na nasa loob na ng kanyang bahay.

"Iinom lang ako ng tubig." lumapit siya sa may sink kung saan nakatayo si Kristine na nakapikit at bulong ng bulong sa sarili.

Gusto niyang matawa sa ginagawa ng babae ngunit pinigilan nya ang sarili. Mahirap na kapag naasar ito sa kanya tiyak na masasaktan na naman siya sa mga lumilipad na bagay. Umandar na naman kasi ang pagkaaning nito, isip niya.

"Tumigil ka na please" paulit ulit pa ding bulong ni Kristine. Ayaw niya pa ding imulat ang mata dahil sa nakita nyang dugo na umaagos mula sa daliri nya. Hindi naman ito madami pero kakaiba ang sensasyong nararamdaman nya sa paglabas ng dugo. Nahihilo siya na parang babaligtad ang sikmura nya na ewan. Hindi naman ganito ang pakiramdam nya kapag may monthly period siya. Pero iba kasi kapag sugat. Hindi niya maipaliwanag pero ayaw nya makakita ng sugat na dumudugo.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit naghihiwa ka? Inutusan ka ba ng mama ko na gawin ito" napamulat siya ng isang mata upang tingnan ang katabi nya na kanina pa pala nagsasalita sa tabi nya.

Itinapat na pala ni Edward ang kamay niya sa gripo upang mawala ang dugo na lumabas sa daliri nya. Hindi niya tiningnan ang ginagawang ito ng lalaki . Nakatingin lang siya sa mukha nito na abala ang tingin sa lababo.

Binitiwan ni Edward ang kamay niya. Pinatay nito ang gripo at agad itong lumayo sa kanya. Napako na siya sa pagkakatayo sinundan lang niya ng tingin ang lalaki. Ilang sandali pa ay bumalik din ito may dala itong hand towel at alcohol. Nginitian pa nga siya nito ng muli itong makalapit sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at pinunasan ang kanyang kamay upang matuyo. Huwaw lang ha, plus 10 thousand points yung ginagawa sa kanya ngayon ng lalaki.

"Ang hapdi wooo" angal ni Kristine ng biglang ibuhos ni Edward sa kanyang kamay ang alcohol.

Hinipan pa nito ang daliri nyang me sugat upang patuyuin. Bakit ba kasi hindi na lang siya gumamit ng bulak?

"Okay na" sabi ni Edward sa kanya na binigyan pa sya ng ear to ear smile.

"Thank you" sagot naman niya na parang wala na naman sa sarili. Hindi kasi mawala sa isip niya ang ginawa nya kanina na baka mabuking siya na pinalayas niya ang sekretarya nito.

Pero teka asan na nga ba si Michelle? Nagkausap na ba sila ng boss nya?

"Bakit ka ba nagluluto?" tanong ni Edward sa kanya matapos bitawan ang kanyang kamay.

"Pinag-grocery ko si Tita Claire. Hi-hindi ko naman kasi alam na nandito ka sa bahay mo at may sakit kaya naisip ko na ipagluto kita. Makabawi man lang ako sa kabutihin mo sa akin nung panahon na nagkasakit ako" sagot niya na tumingin mula sa malayo.

"You don't need to do this Tin. Sa sobrang dami ng mga kasalanan ko sayo. Dapat nga pinagdadasal mo na na sana mamatay na lang ako" tumayo ito at lumapit sa sink kung saan naghihiwa ng mga gulay si Kristine. ". . . Magchochopseuy ka ba?" tanong pa muli ng lalaki.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon