Chapter 53: . . .

2.1K 32 11
                                    

Tinakbuhan na naman ni Kristine ang problema. Ngunit sa pagkakataong ito ay kasama nya ang anak. Alam naman nya na maling-mali ang ginawa ngunit hindi matanggap ng sistema ng katawan nya na. Bigla na lamang pababayaan ni Edward ang anak nila. Matatanggap pa nya na sya na lang pero si Yuan? Magkalimutan na lang sila. Kahit sabi ng isip nya na kailangan nyang humingi ng paliwanag ay isinarado na nya ang isip. Walang paliwanag para sa anak nila. Si Yuan dapat ang first priority ng lahat.

*Blag*

Napaangat ang mukha niya sa may pintuan ng bigla itong bumukas at biglang isinara ng malakas. Naningkit ang mga mata niya ng makita nyang galit na papalapit sa kanya si Edward.

"Nasaan ang anak ko?" nakatayo ang lalaki sa harap nya. Mukha itong badtrip.

Nakatingala lang siya upang titigan ang lalaki. Talagang nakuha pa nyang hanapin si Yuan gayong wala naman itong pakialam sa anak nila.

Nagtititigan lang sila ngunit nag-iwas na lang sya ng tingin dahil parang natatalo sya sa mga titig ng lalaki. Hinarap na lang nya ang mga papeles na nasa ibabaw ng table nya.

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo" tanggi niya na pilit na nagkoconcentrate sa trabaho.

Ginulo ni Edward ang buhok. Pinipilit nitong kumalma ngunit hindi niya magawa dahil sa asar sa babae.

"Kristine naman, dalawang linggo kayong nawala sa bahay tapos sasabihin mo na hindi mo alam ang sinasabi ko? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-aalala kung nasaan kayo. Maiintindihan ko sana kung ikaw na lang ang nawala pero si Yuan? Para mo akong pinatay sa ginawa mo."

Okay lang na mawala ako? Takte lang.

Napabuntong hininga siya at napalunok. Ganun na lang pa ako kadaling idispatsa?

"Hindi naman ako ang nagsimula ng lahat ng ito. Tinatapos ko lang . . . Ilang buwan mong hindi pinuntahan si Yuan. Kinakalimutan mo na ang mga dati mong ginagawa sa kanya. Pinababayaan mo sya"

*Blag*

Halos mapatalon siya mula sa pagkakaupo ng hinampas ni Edward ang mesa nya.

"Sino bang nagsabi na pinabayaan ko ang anak natin?" pasigaw na tanong nito sa kanya. "Kung hindi man ako magpakita sayo dahil yun ang hiniling mo. Hindi porket hindi ako nagpapakita sayo pati sa anak natin ay kakalimutan ko na. Palibhasa sayo, sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo man lang maisip na maski ako hirap na hirap kapag hindi ko nakakasama ang anak ko ng matagal dahil laging patago dahil gusto kong mabigyan ka ng pagkakataon . . . pagkakataon na makapag-isip man lang na hindi mo pala kayang wala ako sa buhay mo. . . Pero ano nga bang mapapala ko sayo? Duwag ka na nga ubod ka pa ng selfish" panunumbat pa nito sa kanya.

Ibig sabihin mali ang akala nya sa mga nangyayari. Plano ito ni Edward na baka sakaling kapag nawala ito ay hanapin nya. Hinanap naman nya ito, ilang araw din siyang nagpakastalker para sundan nya ito pero anong napala nya? Sya pa ba ang selfish, gayong nagpapakasaya siya kasama ni Alice.

"Sorry naman, hindi kasi makapal ang mukha ko gaya mo" sarkastiko nyang sabi. "Hindi naman ako gaya mo na hindi makasarili. Sa sobrang tama ng mga desisyon mo sa buhay ang ganda tuloy ng buhay nating tatlo. Pasensya na ha, hindi kasi ako sanay na laruin ang laro mo." tumayo siya mula sa pagkakaupo.

Ayaw nyang makipagtalo sa kaharap. Lumapit siya sa may pintuan at binukas ito.

"Umalis ka na muna, hindi ako makapagtrabaho sayo" walang gana nyang sabi.

"Dito lang ako hanggang di mo pinapakita ang anak ko" giit naman ng lalaki. Lumakad ito sa may sofa at doon umupo hinalukipkip nito ang mga braso.

"Bahala ka" napailing siya saka muling umupo sa upuan nya.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon