'Ano ba namang buhay 'to?' sabi ni Kristine sa sarili ng mapatigil sya sa pagmamaneho. Mas masakit ang nararamdaman nya ngayon, kesa ng araw na nakipaghiwalay si Edward sa kanya. Dalawang araw na lang at ikakasal na sila.
Marahil . . . Mamaya o bukas ay sasabihin na ni Edward sa kanya na huwag na muna ituloy ang kasal. Ayaw na nyang magpakasal. At tuwing naiisip nya na lolokohin lang pala sya ng lalaki ay hindi nya mapigilan ang hindi manggigil sa galit.
Sablay talaga sya sa LOVE.
Mas mabuti pa ang sitwasyon noon na ang pinoproblema lang niya ay ang trabaho at ang pamilya nya. Masaya naman siya noon. Simple lang ang buhay. Hindi tulad ngayon. . . kung pwede nga lang na lamunin na sya ng lupa at maglaho na lang bigla ay ginawa na nya.
Takte lang kasi . . .
Wala naman syang hiniling kundi ang maranasan ang magmahal at mahalin. Hindi ganito. . . pinaasa at niloko lang sya.
Takte lang talaga. . .
Gusto nyang manapak sa sobrang badtrip.
Pero hindi rin naman nya mapagkakaila na naging masaya sya sa piling ni Edward. Almost perfect na nga ang lahat eh. Bakit ba kasi kailangan pang bumalik ni Alice para maguluhan si Edward.
'Ako kaya?' tanong nya sa sarili.
'Maguguluhan din kaya ako kung sakaling makita nya si Andrew ngayon?'
Hindi naman nya mamamhalin si Edward kung hindi sya niloko ni Andrew. Pero kahit ganoon ang ginawa ng unang nobyo ay alam nya na minahal sya nito. Hindi naman siguro sya yayayain nito na magpakasal kung hindi ito sigurado na sya ang gusto nitong makasama hanggang pagtanda.
Sadya lamang na hindi talaga sila para sa isa't-isa.
*********************
"San ka galing?" bungad ni Edward kay Kristine. Matalim ang tingin nito sa dalaga.
Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding. Alas tres na pala ng umaga. Pero imbes na sagutin nya ito ay nilagpasan nya lang ito ng lakad.
Ano sya sinuswerte? Gusto nya bang pakitunguhan nya ito ng ayos? Eh alam naman niya na niloloko lang siya ng lalaki.
"Kristine!!!" mataas ang tono na tawag nito sa kanya.
Huminto sya sa paglakad. Alam nya na iritado si Edward sa pinapakita nyang kilos. Tiningnan nya din ito ng masama. Na parang sinasabi na . . .
'ayaw ko ng away, please.'
. . .saka sya nagpatuloy sa paglakad.
"Kristine." tawag nito muli sa kanya, kaya muli syang napahinto sa paglakad. Tiningnan nya muli ito ng masama.
"Bakit?" singhal nya dito. Wala na syang pakialam kung madinig man sya ng mga tao na malamang ay mga tulog na.
Nagpakawala si Edward ng marahas na paghinga bago ito muling tumingin sa kanya.
"Pìnag-aalala mo ako." sabi nito na halatang bakas sa mukha nito ang pagsasabi ng totoo.
Imbes na maguilty sya sa pag-uwi ng umaga ay lalo lang bumalik ang nararamdaman nyang galit. Gusto nyang saktan ang taong nasa harapan nya. Napakuyom pa nga ang mga palad nya.
"Huwag na tayong maglokohan Edward." deretsang sabi nya dito. Kailangan na nilang magkaliwanagan.
Hindi naman naintindhhan ng lalaki ang gusto nyang sabihin.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" kunot noong tanong nito.
"Hindi mo ba talaga alam?" tiningnan nya ito ng matiim. Gusto nyang ibulalas ang mga nararamdaman nya. Ang sakit na lolokohin ka lang pala ng taong pinagkatiwalaan mo ng lubos.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"
