Chapter 43 : The One

4.4K 26 2
                                    

"Hindi ka ba naaawa sa Tatay ng anak mo?" napatingin si Kristine sa direksyon ni Edward. Nakaupo ito sa di kalayuan mula sa kanila.

Kagagaling lang nila sa pagpapacheck-up kay Yuan at naisipan nilang dumaan muna sa hotel nina Jessica para imbitahan ito sa nalalapit na binyag ng anak. Hindi na tumabi sa kanila si Edward dahil natutulog ang kanilang anak. May pagkamababaw pa naman ang tulog ng bata.

"Bakit naman ako maaawa? Ang swerte nga niya na kahit gago siya. Nakuha ko pa din siyang patawarin." sagot naman niya matapos humigop ng kape.

"Pinatawad mo nga ba?" balik tanong ni Jessica. Hindi ito naniniwala sa isinagot niya.

Sino nga ba ang maniniwala na napatawad na niya si Edward? Gayong kahit igugol ng lalaki ang buong oras at araw nito sa kanilang mag-ina ay winawalang bahala nya lang ito. Para na nga niya itong alipin na kahit anong iutos ay sumusunod na lang ng walang tanong.

"Oo naman, pilit niyang pinaniwala ang kausap. Pababalikin ko ba naman siya sa bahay namin kung hindi. Nagiging mabait nga ako sa kanya." pilit niyang pinaniwala ang kausap na mukhang di kumbinsido sa mga pinagsasasabi nya.

"Kelan pa naging pagpapatawad ang pagganti?" taas kilay na tanong muli ng kaibigan.

Natahimik si Kristine sa sinabi ni Jessica, tahimik naman ito.

Simula kasi ng dumating sila sa Manila. Nakiusap si Edward sa mga magulang niya na kung maaari ay bumalik ito sa bahay nila upang makasama ang anak. Pumayag naman ang mga magulang niya ngunit kailangan pa din daw na siya ang magdesisyon. Sa huli ay pumayag siya na patuluyin ang lalaki dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob kay Mrs. Mendoza.


"Please lang Tin, huwag mong idamay sa gulo nyo ang anak nyo. Kawawa naman si Yuan."

Dinadamay ko nga ba ang anak namin?

Hindi naman siguro.

"Wala akong dinadamay. Hindi mo lang kasi alam ang mga napapagdaanan ko araw-araw kaya akala mo napakasama na ng ugali ko." taas kilay na sagot nya dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kaibigan.

"Hindi ko sinabing masama ang ugali mo. Masyado ka kasing bitter, Kristine. Kaya hindi mo alam na may mga nasasaktan ka. Sabihin mo kasi sa kanya na kung di ka pa handa na patawarin sya o ayaw mo ng mabuo yung pamilya mo kasama sya eh di sabihin mo. . . Hindi yung nagmumukhang tanga yung tao sa pagganti mo."

Tama nga naman ito. She became someone na laging gumagawa ng away para magalit ito sa kanya. Kung kailan siya nagkaanak saka siya naging immature. Mabuti na lamang at mahaba ang pasensya sa kanya ng lalaki. Hindi nito pinapatulan ang pagiging isip bata niya.


"Ikaw na din ang nagsabi di ba? Hindi maganda ang pakikitungo ko dun sa tao. Common sense na lang nya yun. Na ayaw ko ng makasama pa sya sa buhay ko. Kaya dapat nakakaramdam na siya na hindi na talaga siya invited sa buhay ko. Ifocus na lang niya yung sarili nya sa anak namin at hindi na sa akin." matabang nyang sabi.

"I know that Tin . . . Change topic na nga lang ang kumplikado ng buhay mo eh." napangiti si Jessica sa kanya. Hindi na naman kasi sila magkasundo ng kaibigan. May magkakaiba silang paniniwala at opinion. Kaya imbes na pahabain pa nila ang usapan ay marapat na itigil na lang nila ito.

" . . . Dapat siguro idate mo na yung kuya ko. Malay mo siya na yung THE ONE mo." nakangiting sabi ni Jessica na mukhang kinukumbinsi siya " . . .Hindi yung pati si Ej na ehem eh nadadamay sa mga kalokohan mo. Maawa ka din dun sa tao na laging nabubugbog ng katukayo nya."

Tinaasan niyang muli ng kilay ang kaibigan. Bakit ba napaka-chismosa ng kaibigan ko?


"Matoyo, pati kapatid mo idinadamay mo sa kalokohan mo. . . Magbestfriend ang kuya mo at si Edward, ano yun? Pareho ko silang tutuhugin."

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon