Chapter 26 : Round One

4.7K 28 3
                                        

"Edward, makinig ka naman." sabi ng mama ni Edward na may iritadong tono.

"Ma, hindi ko hinihingi un permiso mo. Nasa tamang edad na kami para magpakasal." sagot naman nya na busy pa din sa pagbabasa ng mga papeles.

"Are you sure that you 're really over with Alice?" paninigurado pa ng Ginang.

"Ma, kung umuwi lang kayo para kwestyunin ang plano kong pagpapakasal. Bumalik na lang kayo ng states." inayos nya ang mga gamit na nakalagay sa work desk saka tumayo.

"You're not over with Alice, right?" tanong muli ng kanyang ina.

"Ma, kung babalikan ako ni Alice. Hindi na sana ako nag-intay ng limang taon. Masaya na ako kay Kristine, mahal ko sya." pumasok na sya sa loob ng kwarto.

Kumuha lamang sya ng jacket at agad lumabas. Ayaw nyang makipagdiskusyunan sa ina. Dahil igigiit na naman nito na iwan nya si Kristine at habulin ang babaeng nanloko sa kanya. Bakit nga ba nagpakagago sya sa isang babae at inako nya ang sitwasyong hindi naman siya ang gumawa. Ngayon ang nangyari ay siya ang lumalabas na nambabae. Ilang beses na din syang nagpakagago kay Alice. Pero lahat ng ginawa nya hindi naging sapat para dito. At ngayon mahal na nya si Kristine. At alam nya na tama ang desisyon nya. Dahil mahal nya ito ganon din ito sa kanya.

Pagkalabas ng townhouse ay agad itong sumakay ng kotse. Nagdrive sya hanggang sa makarating sa bahay ng nobya. Dahil may kalaliman na din ang gabi ay nanatili na lang siya sa labas at nakatingin sa bahay ng babae. Wari ay iniisip kung ano ang gagawin. Ayaw nya munang umuwi, pero ayaw din naman nya na makaabala sa pamilya ng dalaga.

Nakatingin lang sya sa direksyon ng kwarto ng nobya. Nakapatay na ang ilaw nito. Marahil ay tulog na dahil sa pagod. Mahaba ang byahe nila galing sa sunflower farm. At alam nya din na nastressed ito sa mga tanong ng nanay nya.

*Flashback*

"Finally, naisipan nyo ding umuwi."

Napatingin sya sa babae na nakaupo sa may sofa ng living room. Kilala nya ang babae. Sa kilos nito, nandoon pa din ang mataray na itsura nito. Walang iba kundi ang kanyang ina.

"Mama?" yun lang ang tanging nasabi nya sa gulat sa nakita. Wala naman kasi itong pasabi na dadating ito ng Pilipinas.

Napatingin sya kay Kristine, na nakatingin na pala sa kanya na wari ay nagtatanong kung ano ang nangyayari.

"Kristine, she's my mom" sabi nya sa nobya na biglang nanlaki ang mata sa mga sinabi nya.

Tipid itong ngumiti sa Ginang, at animo ay hindi malaman kung lalapitan nya ito o hindi.

"Good afternoon po" nahihiyang sabi ng dalaga. Tango naman ang itinugon ng Ginang.

Sa mga ikinikilos pa lamang ni Mrs. Mendoza ay kita na hindi nya gusto ang dalaga. Bawat tingin nito ay parang nanunukat ng pagkatao. Inaantay na magkamali ang dalaga na kasalukuyang kinakabahan sa sitwasyon at patingin tingin sa nobyo. Hindi naman ito lingid kay Edward kaya he intertwined his fingers to her, and gave her a smile. Kahit ganun man lang ay mapanatag ito. Isip pa ni Edward.

"I heard magpapakasal na kayo?" nagsalita muli ang ginang. Nakatingin ito sa dalaga at nag-aantay ng sagot mula dito.

"Yes po." sagot naman nito. Nabablanko sya sa sitwasyon. Pakiramdam nya ay iniinterogate sya at may malaking kasalanan.

"Buntis ka ba? Kaya ka papakasalan ng anak ko?" tanong muli nito.

Pero bago pa makasagot ang nobya ay nakapagsalita na sya.

"Ma, anong klase bang tanong yan." iritado nyang tanong sa ina.

"Masama na ba magtanong? Biglaan ang pagpapakasal nyo. So what do you want me to expect? It was all pure love?" sarkastikong sagot nito sa anak.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon