Nakaupo sila ngayon sa dining table, si Kristine, ang mga magulang niya, si Maggie at si Edward. Tahimik lamang ang babae habang ang mga kasama ay masayang nagkwekwentuhan.
Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkakakilala ng Tatay niya at ang lalaki. Sa kwento ng ama ay tinulungan ito ni Edward ng masiraan ng sasakyan. Simumla noon ay lagi na silang nagkikita. Ayaw na nga niya makita ang lalaki, ngunit para namang sinasadya ng tadhana na magkrus lagi ang kanilang landas.
"Tito Edward, ang sarap mo talaga magluto, talo mo si Tita Tin" sabi ni Maggie na sarap na sarap sa pagkain.
Ilang beses ng bumibisita sa bahay nila ang lalaki, nagpapakita pa ng cooking skills. Mukhang konti na lang ay sa bahay na nila ito tumira. Iniwasan na nga niya na umuwi sa bahay nya dahil ayaw niyang makita ito. Hindi nya tuloy alam kung sinasadya nito ang pagpunta sa kanila kahit hindi naman sila nag-uusap.
"Kristine, ang tahimik mo yata? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ng Tatay niya ng mapansin na mukhang malalim ang kanyang iniisip.
Kung wala lang dito ang mga magulang niya ay malamang natarayan na niya ang bisita. Kung pwede lang na tusukin ito ng tinidor sa mukha ay nagawa na niya. Nayayamot siya sa mga pangiti-ngiti nito habang sumusulyap sa kanya ng patago.
"Ang saya mo, ah" hindi niya mapigilan sabihin sa kay Edward na kung umakto ay parang miyembro ng pamilya.
Tinaasan siya nito ng kilay, saka ibinaling ang tingin sa kanyang mga magulang at pamangkin. Ang saya nila, habang ang nanay niya ay alok ng alok ng pagkain sa lalaki.
"May dala po akong baraha," itinaas pa nito ang hawak.
Nagningning ang mga mata ng magulang niya. Umupo sila sa sofa habang si Edward ay umupo sa sahig at nagbalasa ng baraha.
"Magkano ba? 1, 2, 3?" tanong naman ng ama. Mukhang may pustahan pa.
"Gusto ko ding sumali," reklamo naman ng pamangkin niya na humawak pa sa braso ng kanyang lola, sumandal pa sa balikat at ngumuso.
"Tulungan mo na lang ako, malabo ang mata ko." sabi naman ng kanyang nanay "uubusin natin ang pera nila" mukhang ayaw magpatalo.
"Hindi kayo sure, Nanay." tanggi ng lalaki sa kanyang ina.
Ang saya nila.
Naging routine na ni Edward na pumunta sa bahay nila Kristine. Hindi na nga nito kailangan pang umupa ng bahay dahil binigyan na siya ng kwarto ng mga magulang ng babae. Madalas na itong matulog sa bahay nila kesa sa town house. Hindi na nito kinukulit si Kristine, kapag nagkakasalubong sila ay puro tango lang ang batian nila. Masaya siya sa mga bagong kakilala, nakakalimutan niya ang tinatakasang problema. Alam ng mga ito ang kanyang problema, iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng kwarto sa bahay. Hindi daw maganda na mag-isa kapag may problema. Totoo nga.
"Bagay ba?" tanong ng Ginoo sa kanya. Nasa taas sila ng second floor habang nakatingin sila sa dalawang tao sa ibaba.
Abala si Kristine at Andrew sa kanilang drawing tablet. Minsan ay naguusap at nangngingitiian pa. Ibang-iba sa tuwing magkalapit sila, laging labas ang ngipin ng dalaga sa kanya.
"Kapag nagkatuluyan ang dalawa, wala na akong mahihiling pa," dagdag pa ng ama. Parang may kumurot sa kanyang puso.
"Bagay po sila at mukhang nagkakasundo, same din ng hilig" napangiti siya ng walang ngipin. Naiinggit ba siya dahil ang relasyon niya ay natapos sa pagtataksil? Sana kagaya na lang ni Kristine ang ex-girlfriend, tapat at loyal.
-*-
Ilang beses nadapa si Kristine sa paglakad ng matulin, walang gana ang kanyang mga paa tuhod.. Hilam ang mga mata sa luha. Simula ng makatanggap ng tawag na naaksidente ang ina ay tumawag agad siya ng taxi at nagtungo sa hospital. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Hindi pa man nakikita ang ina ay nag-iisip na agad siya ng mga dapat gawin.
"Na-nay" agad siyang tumakbo sa ina ng makita ito pagkabukas ng pinto ng private room. Nakatayo ito at may benda sa ulo.
"A-anong nangyari?!" tanong niya agad, umiiyak pa din "may masakit ba sayo?" dagdag nya pa, tuluyang bumagsak at napaupo sa sahig.
"Tumayo ka nga dyan, Tin" sabi ng humawak sa kanyang braso. Napatingin siya dito at nakita niya si Edward na may arm sling sa kaliwang braso.
Pinunasan niya ang mga luha gamit ang kamay. Nanlalambot pa din ang kanyang mga tuhod. Kumapit siya sa braso ng lalaki upang makatayo. Binigyan siya ng ina ng tubig matapos siyang maiupo sa may sofa. Pinakalma niya ang sarili.
Kinuwento ng ina sa kanya na nagkaroon ng karambola ng sinundo siya ni Edward pauwing bahay. Ang tanging sugat na natamo ng ina ay ang sugat sa may ulo ng sumapok siya sa may bintana ng kotse. Ikinuwento pa nito kung paano siya protektahan ng lalaki noong oras ng aksidente. Madami pang ikinuwento ang ina, hindi na niya maintindihan. Wala na siyang maintindihan, para siyang nalowbatt.
"Kristine, ikaw na ang bahala kay Edward." bilin sa kanya ng ama ng magpaalam ang mga ito sa kanila kasama ang ina. Maiiwan ang lalaki sa hospital.
Naiwan siyang nakatulala. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya.
"Relax ka lang, okay na ang lahat. Wala ka ng dapat ikatakot, ligtas si Nanay." niyakap siya ni Edward at tinapik-tapik ang kanyang likod.
Hindi na napigilan ni Kristine ang pag-iyak. Ang daming tumatakbo sa kanyang utak, iniisip kung paano kung may nangyaring masama sa kanyang ina.
"Thank you, thank you talaga" hindi niya alam kung ano pa ang gusto niyang sabihin kundi salamat. Wala na yata pang tumigil ang kanyang luha.
"Okay na ang lahat, Ssshhh. . . tahan na." hinalikan siya ng lalaki sa kanyang mga mata pati na din sa noo. Hindi niya napansin ang ginawa sa kanya, patuloy lang ang kanyang iyak.
Nakatulugan na niya ang pag-iyak. Hindi niya namalayan na ipinatong ng lalaki ang kanyang ulo sa mga hita nito. Mahimbing na ang kanyang tulog, hindi alintana na may taong humahaplos ng kanyang buhok.
Dahan dahang iminulat ni Kristine ang kanyang mga mata, napansin niyang walang nakahiga sa hospital bed.
"Gutom ka na ba?" kinilabutan siya ng madinig ang malalim na boses ni Edward. Ngayon lang niya napansin na nakahiga siya sa binti ng lalaki ang kamay nito ay nakapatong sa kanyang bewang.
Umayos siya ng upo at umiling."Kamusta ka?! May masakit ba sayo?" balik tanong niya at hindi makatingin sa lalaki. Nahihiya siya sa ginawa niyang pag-iyak.
"
Okay lang ako, ikaw ang inaalala ko . . . okay ka na ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Edward.
"Okay na ako, ngayon lang ako natakot ng sobra" ngumiti siya ng hindi nakikita ang ngipin.
Nagkaroon sila ng mahabang katahimikan, nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita. Ngayon lang sila nagkasama na hindi sila nag-aaway at nagtatarayan.
""Uhmmm . . . Edward," mahinang tawag niya sa lalaki
"Ano yon?"
"Open pa ba ang alok mo na maging friends tayo?

BINABASA MO ANG
CHANCES
Storie d'amoreAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"