Chapter 36 : Missing

3.9K 19 2
                                    

Wala ng mas sasarap pa sa sitwasyon na makasama ang taong mahal na mahal mo.

Matapos ang gabi na nalaman nya ang katotohanan na hindi nagdadalangtao si Kristine ay agad nyang pinuntahan si Alice sa America.

Nagkaayos din naman sila at ngayon ay nagsasama na sa iisang bahay. Naging magulo man ang sitwasyon nila ni Alice noon. Ngayon ay sisikapin nya na huwag mabalewala ang mga bagay na napagdaanan nila. HIndi nya hahayaan na mapunta ito sa wala.

Nagkahiwalay sila ni Alice noon dahil sa sarili din niyang kagagawan. Matagal na nilang plano ang bumuo ng sariling pamilya. Kahit anong gawin nila ay hindi pa din mabuntis ang nobya kaya naman napagpasyahan nilang magpa-check-up sa doctor. Doon niya nalaman na hindi maaaring magkaanak an nobya.

Itinago nya ang katotohanan kay Alice. Ipinalabas niya na siya ang hindi magkakaanak. Nauwi ito sa hiwalayan dahil gusto ng nobya na magkaroon ng sariling mga anak.

Kaya naman ngsyon ay ayaw na niyang magkamali. Hanggat mahal nila ang isat-isa. Nasisiguro nya na magtatagal ang kanilang relasyon.

Dahil sa pagkakataong ito ay hindi nya papalagpasin ang chance na araw araw ay maipakita kay Alice na mahal na mahal niya ito.


"Kamusta naman kayo ni Alice ngayon? napalingon sya kay Chron.

Kasalukuyan silang nag-iinuman sa bahay ng kaibigan. Bukas ay babalik na ulit sila sa Pilipinas.

"Okay naman" ininom nya ang kanyang beer in can ". . . . balak naming mag-ampon ng bata pag-uwi namin sa Pinas" dagdag pa nya.

"Kailan naman ang kasal?" muling tanong ng kaibigan.

"Hindi pa siguro ngayon ... Ayaw pa ni Alice dahil na din sa mga nangyari." sagot naman niya.

Nagpatuloy ang inuman nila. Marami-rami na rin silang napagkwentuhan tungkol sa trabaho at sa personal na buhay. Nguniy hindi nila pinag-usapan ang tungkol kay Kristine.

Alam rin naman ni Chron na mabuting isantabi ang usapin na yun lalo na at parehong malapit ito sa kaniya.

"Anong ginagawa nyan dito?" napalingon sila sa taong nagsalita na  kapapasok lamang sa loob ng bahay.

Si Jessica.

Nasa America rin ito ngayon dahil sa trabaho.

ramdam ni Edward na may galit ito sa kanya. Sino nga ba naman ang hindi magagalit sa mga ginawa nya. Ang laki kasi nyang siraulo.

Inirapan sya ng bagong dating.

"Nakita na ba sya?" tanong ni Chron sa kapatid.

"Hindi pa. maya na lang tayo mag_usap. Hindi ko feel ang aura sa paligid." pagtataray pa nito saka nagtuloy sa kwarto.

Hindi na niya pinansin ang mga ikinilos ng kaibigan. Tutal ay kasalanan din naman nya ang mga nangyari at mukhang naipagtapat na din ni Kristine dito ang tunay na nangyari sa kanila.

"Sino ang nawawala?" tanong nya para mawala ang namuong awkward feeling na naramdaman nya ng dumating si Jessica.

"Si Kristine" sagot ni Chron.

Natigilan sya sa sinabi ng kaibigan.

Anong nangyari kay Kristine? Bakit sya nawawala? Tanong ni Edward sa sarili tungkol sa narinig na balita

"Bakit?" Anong nangyari?'' tanong nya muli.

Ikinuwento ni Chron ang mga nangyari ng mga sumunod na araw matapos ang pangyayari.

Ilang beses na itinanong ng mga magulang ni Kristine kung bakit hindi maatuloy-tuloy ang kasal. Tulad dati, tahimik lamang ang dalaga at hindi sinasagot ang tanong ng ama at ina. Dahil sa ayaw na umamin ng anak ay lagi itong nasesermunan.

Pumapasok naman ito sa trabaho. Naging abala pa nga ito dahil madaming naging customer ang shop. Pagdating naman sa bahay ay lagi pa din siyang pinipilit na magsabi ng kung ano ang nangyayari. Imposible naman na dalawang beses ng hindi natutuloy ang kasal kung walang mabigat na rason.

Hanggang sa isang umaga ay bigla na lamang nagising ang mga tao sa bahay dahil sa lakas ng hagulgol at iyak ni Kristine. Natakot ang mga ito sa ikinilos ng dalaga. Ilang beses nila itong tinanong kung bakit ito humahagulgol. Ngunit tulad ng inaasahan ay hindi pa din ito kumibo.

Kinabukasan ay ibinilin ni Kristine ang shop sa kapatid na si Krystal. Ipinabebenta rin nito ang mga townhouse at condo.

Nang sumunod na araw ay nagising na lamang sila na wala na ito sa bahay, ni hindi man lamang kumuha ng mga gamit.

Nag-aalala ang mga magulang nito kaya ipinahanap na nila ito sa kinauukulan.

Tahimik siyang nakinig sa kwento ng kaibigan.

Hindi nya maitatanggi na nag-aalala sya sa taong minsan ay naging importante ng buhay niya, May isang parte sa kanya na ayaw niyang paniwalaan ang narinig na balita. Baka naman gumagawa na naman si Kristine ng kwento para bumalik sya.

Napaniwala nga siya nito noon dahil sa kagalingan nitong umarte.

"Alam mo ba na balak ko na sanang magtapat kay Kristine na gusto ko sya matapos ninyong maghiwalay. " lumagok  ito ng alak ". . . ok na sana ang kaso. . . Nawawala na siya. . . Nag-aalala na nga rin ako dahil tatlong linggo  na rin syang nawawala at wala man lang makapagsabi kung nasaan siya." dagdag pa nito na mukhang marami ng naiinom

Tulad nga ng hinala nya noon. May gusto ang kaibigan kay Kristine. Kaya hanggang ngayon ay parang laging may inaantay ito.

"High school pa lang, gusto ko na si Kristine. Hindi ko naman siya maligawan dahil masyado syang focus sa goal nya sa buhay. Nakuntento ako ns tingnan sya sa malayo. Tapos heto ka, biglang dumating sa buhay nya at sinira mo ang babaeng pinakaiingatan ko" wika ni Chron na bakas ang pag-aalala

Ngayon lamang nag-open up ang kaibigan sa tunay nitong nararamdaman. May kung anong kumirot sa kanyang puso. Parang hindi niya nagugustuhan ang sinabi ng kaibigan.

"Kaya naman Edward, nakikiusap ako sayo. Magmahalan na lang kayo ni Alice. Bagay na bagay kayo. Si Kristine, kalimutan nyo na siya. Hayaan nyong sumaya si Kristine ng wala ka. Na wala ang taong sumira ng buhay nya."

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon