"Tatay, uwi na tayo?" tanong ni Edward sa Tatay ni Kristine.
Sinundo niya ang ama ng dalaga sa bahay ng kaibigan nito. Naging gawain na niyang sunduin ang ama ng dalaga tuwing nakikipag-inuman ito sa mga kaibigan. Dati itong gawain ni Kristine, ngunit nung nakilala niya ang Ginoo ay siya na ang nagsusundo sa tuwing nalalasing ito.
"Edward andyan ka na pala" malapad ang ngiti ng matandang lalaki, singkit na ang mga mata dahil sa kalasingan.
Ipinakilala sya nito sa mga kaibigan. Nangingiti ngiti na lang sya dahil lasing na talaga ang ama ni Kristine. Ilang beses na siya nitong pinapakilala sa mga kaibigan ng Ginoo. Automatikong ipinakikilala siya sa tuwing susunduin niya ito. Paulit-ulit ito sa tuwing nalalasing.
"Alam mo Edward kung hindi lang itinuloy ni Andrew ang panliligaw nya sa anak ko, panigurado ikaw na ang manok ko." sabi ng lasing na ama ni Kristine habang inaalalayan sya ni Edward papasok sa loob ng bahay. "Mabait din naman si Andrew, wala akong masabi sa batang iyon. Pero IKAW" idiniin nito ang salitang ikaw, inakbayan pa siya ng sobrang higpit. "Mas malapit ang puso ko sayo, close tayo"
"Tatay magkaibigan lang po kami ni Kristine." sagot naman nya matapos mapaupo ang matanda sa may sofa.
"Alam ko naman yun. Masaya nga ako at naging kaibigan ka ng anak kong yun. Kahit matigas ang ulo non, ipinagmamalaki ko yun, kahit hindi ko sya pinupuri sa mga achievements nya. Masaya ako." nakapikit na ito habang nagsasalita.
"Mahal na po ni Kristine si Andrew. Kaya malabo po yang sinasabi mo. Mabuti pa po magpahinga na kayo. Magagalit na naman po si Kristine dahil sumobra ang inom nyo." marahang tinapik ni Edward ang balikat ng matanda, saka tuluyang tumayo. Ipagtitimpla nya ito ng kape.
"Hayaan nang magalit yang si Kristine, mahal naman ako ng batang yun, at alam nun na ang pag-inom ang kaligayahan ko. Kaya ikaw Edward masanay ka na din sa akin, dadating ang panahon magiging parte ka na ng pamilya." malakas na sabi ng matanda.
Napakamot na lang siya ng ulo. Mahirap makipag-usap sa lasing.
"Salamat anak, hihiga muna ako dito, at lasing na si Tatay"
-*-
"Kristine, thank you for making me happy." sabi ni Andrew. Matapos ihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay ng dalaga.
Pinamulahan ng mukha si Kristine. Hindi nya alam kung ano ang isasagot nya sa sinabi ni Andrew. Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Ang cute mo talaga magblush," sabi muli ni Andrew na napangiti sa naging ekspresyon ng mukha ni Kristine. "...lika nga dito" utos nito na iniextend ang kamay para mayakap si Kristine. Nang magkayakap ang dalawa ay marahan naman nitong hinalikan ang noo ng dalaga.
Tahimik lang si Kristine. Hindi nya maintindihan kung ano ang ire-react sa mga nangyari. Masaya ang pakiramdam nya na parang hindi sya makahinga sa mga nangyayari.
Nanatili lang sila na magkayakap. Nang may narinig sila na maingay sa loob ng bahay ni Kristine.
"Ang ingay sa loob ng bahay. Nalasing na naman yata si Tatay." putol ni Kristine sa katahimikan nila.
Bumitaw si Kristine sa pagkakayap kay Andrew. Pero hinigit din naman sya nito at muling niyakap.
"5 minutes pa please" humigpit ang yakap ni Andrew. "...gusto ko ganito lang tayo, ayaw ko munang bumitaw." dagdag pa nito.
Natahimik na naman si Kristine, bumibilis ang tibok ng kanyng puso. Masaya na yakap siya ni Andrew, ayaw na nyang bumitaw. Nadidinig pa din niya ang ingay sa loob ng kanilang bahay, pinagwalang bahala niya ito. Dahil ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay si Andrew at wala ng iba. Sanay na din naman siya na maingay ang kanyang Tatay sa tuwing nalalasing ito.
BINABASA MO ANG
CHANCES
Storie d'amoreAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"