"Ate Belen, patimpla po ng kape" tawag ni Kristine ng makababa siya ng hagdan.
Simula kasi ng huling mag-usap sila ni Edward ay hindi na siya nito pinagtimpla ng kape o pinaghahanda man lamang ng makakain. Tulad ng ipinangako sa kanya ng lalaki. Hindi na sila nagkibuan o nagpansinan man lang. Para silang mga hindi nag-eexist sa buhay ng bawat isa.
Ito naman ang ginusto niya di ba? At kahit na aminin nya na namimiss nya ito ay nasanay na din siya sa naging set-up nila. Sanayan lang yan e. Kahit pa parang may kulang sa pagkatao nya at araw araw syang nasasaktan sa mga nangyari sa kanila. Yun na yun, hindi na magbabago pa o maiibsan man lamang ang sakit na nararanasan nya.
"Bulutong pala ang sakit ni Edward? Kaya pala nawala siya dito sa bahay" narinig niyang sabi ng kasambahay.
"Oo, baka daw kasi mahawa si Yuan, kaya eto . . nagpagrocery na lang siya sa anak baka ubos na daw ang gamit ng bata" sagot naman ng kausap ng kasambahay, matapos iabot dito ang ilang supot na grocery.
'Maysakit si Edward? Hindi ko man lang alam'
Imbes na lumapit sya sa mga nag-uusap ay lumayo siya at nagpunta sa kusina. Alam naman nya na hindi delikado ang sakit na bulutong. Ngunit may isang parte sa kanya na nag-aalala.
Pagdating sa kusina ay nakita niya na nakahain na ang kanyang almusal. May laman na ding kape ang kanyang paboritong mug. Binuhusan nya ito ng mainit na tubig saka hinalo. Humigop siya ng kape ngunit ng tinikman ay parang nawalan na sya ng gana pang inumin ito. Inilapag na lang niya ang tinimplang kape sa mesa at saka nagdesisyong pumasok na sa trabaho.
Kung hindi uuwi si Edward sa bahay dahil sa bulutong. Kailangan nyang umuwi ng maaga para maalagaan si Yuan, isip pa nya habang nagdadrive papuntang flower shop.
Nang makarating siya sa flower shop ay nadire-diretso na sya sa kanyang opisina. Ngiti na lang ang itinugon nya sa mga empleyado na bumati sa kanya. Nang makaupo siya sa kanyang office table ay agad nyang binuklat ang planner.
Bukas na pala ang check-up ni Yuan.
Tulad ng dati ay iginugol nya ang bagay na lagi nyang ginagawa. Pero ngayong araw hindi ito katulad noon na diretso na siya sa pagtratrabaho ngayon ay pahinto-hinto siya na parang may malalim na iniisip. Hindi siya makapagconcentrate sa ginagawa. Parang gusto niyang umuwi na. Ilang minuto pa ang nakaraan ay napatingin sya sa kanyang phone. Kinuha nya ito at tinitigan. Parang may gusto siyang tawagan na ewan.
'10am na pala'
Agad niyang niligpit ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa. Uuwi na lamang siya ng bahay at doon magtratrabaho. Hindi kasi siya mapakali.
"Jane" tawag nya sa empleyado nya ng makalabas ng opisina at bitbit ang mga gagawin sa bahay.
"Bakit po ma'am Kristine?" sagot naman ng empleyado na nag-aarrange ng mga bulaklak.
"Sa bahay muna ako magtratrabaho. Tawagan mo na lang ako sa celfone ko or text mo ako kapag may kailangan ka. Ikaw na muna ang bahala dito ha." bilin pa nya kay Jane.
"Okay po maam Kristine."
Matapos nyang magpaalam ay lumabas na sya ng flower shop.
"Ma'am Tin" napalingon sya sa pagtawag sa kanya ni Jane. " . . . may dalawang tiklis po ng mangga na pinapabigay sayo si Mr. de Guzman. Ipapalagay ko na po sa "Sumakay siya ng kanyang kotse at tinahak ang daan pauwi. Ngunit habang nasa daan siya ay biglang sumagi sa isip nya na gusto nyang magmall. Baka naman kasi naistress na sya sa mga nangyayari sa kanya ng mga nagdaang araw. Kailangan na nya sigurong mag-aliw muna sandali. Tutal matagal na rin nung huli siyang mamili para sa sarili nya. Kapag kasi pumupunta siya sa mall ay kasama nya ang anak at si Edward noon.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceAng kwento ng babaeng sumugal sa pag-ibig, nabigo at nagkamali. Mahanap pa kaya ang taong "THE ONE" para sa kanya? Kung ang "the one" na gusto niya ay ang "The One Who Got Away"
