Chapter 30: His Love

4K 20 7
                                    

Napakahirap iwasan ang selos. Kahit ilang beses pa itong pigilan ni Kristine ay hindi niya magawa. Hindi naman nya dapat ito maramdamdam. Pero tuwing naiisip nya na magkasama sa trabaho sina Alice at Edward ay hindi sya mapalagay.

Mabait naman si Alice at hindi mahirap pakisamahan. Minsan nga ay nakakasama nila ito sa gimik. Nakagaanan na din ito ng loob ni Jessica. Pero bakit iba ang nararamdaman nya kapag nagkakasama ang dalawa.

Lalo na ngayon na dumadalang ang pagkikita nila ng nobyo. Busy sila sa pagtapos ng trabaho para sa nalalapit na kasal. Kaya lalo syang napapraning.

Bzzt... Bzzt..

From: Edward

Hon, susunduin kita mamaya. Love you.

Napangiti sya sa nareceived na text. May katagalan na din ng huling beses syang sinundo ng nobyo.

Reply

To: Edward

I'll wait for you. See you later honhon :D

Dumating ang 4pm, maaga syang nag-ayos ng mga gamit nya. Ayaw nyang madatnan ng nobyo na haggard ang itsura. Minsan na nga lang sila magkikita ay stress pa sya.

5pm

Hindi yata agad nakaalis ang boyfriend sa trabaho o kaya traffic? Isip nya. First time kasi nitong malate sa usapan lalo na at kilala nito ang nobyo.

6pm

Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip nya. Sinubukan nyang itext ang nobyo kung nasaan na ito. Ngunit walang reply.

7pm

Nagrereklamo na ang mga alaga nya sa tiyan. Pero wala pa din ang inaantay nya.

*********************

"Miss pwedeng pagamit ng phone?" tanong ni Edward habang nasa nurse station ng isang hospital. Sa pagmamadali nya kanina ay nalimutan na nya ang kanyang celfone. Hindi nya tuloy matawagan si Kristine.

[Hello] bati ng nasa kabilang linya.

"Hello, Maggie nandyan na ba ang tita mo?" tanong nya agad.

[Wala Tito, baka busy pa sa shop.] napatingin sya sa orasan 8pm na.

Baka nga nag-iintay pa ito sa kanya sa flower shop.

*********************

"Ngayon ka lang nagsara?" napangiti si Kristine sa boses na narinig at agad syang humarap dito.

"Opo, kamusta na po kayo 8pm na po bakit nagtitinda pa po kayo." tanong nito sa matandang ginang na naglalako ng mga beans, at mani sa kalsada.

Matagal na nyang kilala ang matandang babae. College pa lamang sya ay nakikita na nya itong naglalako. May mga trabaho na naman ang anak nito, ngunit nagtitinda pa din ito. Mas lumalakas daw kasi ito kapag may pinagkakaabalahan. Minsan ay bumibili pa sya dito at nakikipagkwentuhan.

"Wala pa kasi ang anak ko. Sabi nya ay susunduin nya ako." sagod nito matapos umupo sa isang upuang bato. Tumabi naman sya dito.

Pareho lang pala sila na nag-aantay sa mga sundo nila.

"May number po ba kayo ng anak nyo?" ibinigay naman nito ang number ng kanyang anak.

Ng tawagan nya ang anak nito ay nalaman nya na natrapik ito. Kaya imbes na antayin pa nila ang tagasundo ay sya na ang nagpresinta na maghatid dito. Tutal ay mainit ang dugo nya sa nang-indian sa kanya.

Ilang araw nyang hindi kinausap si Edward sa nangyari. Ayaw na nyang humingi ng paliwanag. Inisip na lang nya na dahil ito sa trabaho. Nangyari na naman ito noon. Kaya kahit masama ang loob nya ay hindi na nya naisipan pang gumawa ng away.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon