Chapter 7

45.3K 1.1K 59
                                        

Jennifer

"Nakakainis!"  Sigaw ko na halos ikaguho ng buong bahay.

"Bakit anak, anong problema at parang galit na galit ka?"  Tanong ni Papa pag-upo ko sa sofa.

"Paanong hindi ako magagalit?  Tingnan niyo 'to."  Ipinakita ko kay Papa ang papel na may nakasulat na 'Wanted Boyfriend'.  "Nakadikit lang naman 'yan sa likuran ko kanina.  Akala tuloy ng mga tao ay naghahanap ako ng boyfriend.  Nako!  Nakakahiya talaga!"

"Sino naman kaya ang may gawa niyan?"

"Eh 'di malamang, 'yong mga mababait kong estidyante."  Ayokong mambintang pero siguradong-sigurado ako na sina Harold ang may kagagawan ng kalokohang ito.  Kaya pala buong araw silang nanahimik dahil ito pala ang plano nila.  "Malalagot talaga sila sa'kin makikita nila."

"Nakakainis!"  Sabi ng anak ko na biglang sumulpot dito sa may sala.  Mukhang pati siya ay may pinaghuhugutan ding inis.

"Bakit baby?"  Tanong ko at ikinalong ang bata.

"'Yong mga classmate ko po kasi Mommy eh.  'Yong ikinuwento ko po sa'yo na apat na friends ni Dom na puro bad boys.  Sila po kasi ang naka-assign as cleaners kanina pero ayaw nilang maglinis at inutusan nila 'yong iba naming classmate na maglinis ng room para sa kanila.  Gusto ko nga silang pagsabihan pero lagi naman akong pinipigilan ni Dom.  Naiinis na ako sa kanila, talagang malalagot na sila sa akin."

Napailing na lang si Papa sabay sabi ng, "Nako, mag-ina nga kayong dalawa."

Pagkatapos mag-dinner ay nakuwento ko kay best friend ang nangyari kanina habang narito kami sa garden ng mansyon.  Natawa naman siya lalo na doon sa part na sinabihan ako ni Dustin na may papel na nakadikit sa likod ko.

"Huwag ka ngang tumawa diyan." Nagtaas ako ng kilay.  "Kung alam mo lang, ang kahihiyang inabot ko kanina."

"Bukod sa tinulungan ka niyang damputin ang mga groceries, at i-inform ka niya about sa papel na nakadikit sa likod mo, ano pa ang sinabi sa'yo ni Dustin?  Nag-usap ba kayo?"

"Hindi kami nag-usap dahil nagmadali na akong umalis no'n.  Ni hindi nga ako nakapagpasalamat sa tulong niya eh, pero wala akong pakialam."

"So hindi mo pa rin alam?"

"Alam ang alin?"

"Kasi---"

"Ay, huwag na pala, ayoko nga palang makaalam ng kahit anong news about sa manlolokong 'yon."  Hindi naman sa bitter pa ako, basta ayoko lang talagang makarinig ng kahit anong update tungkol sa lalaking iyon.  Sana lang ay hindi ko na ito makita ulit.

---

Pagpasok kinabukasan ay nakangiti akong sinalubong ni Manong guard. 

"Good morning Ma'am.  Ano payag ka na?" 

"Kuya naman eh!  Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa papel na nakadikit sa likod ko?  At saka, hindi po ako naghahanap ng boyfriend."  Sabi ko inirapan muna si kuya guard bago umalis.

Pagdating sa room ng Section 10 ay idinikit ko sa pisara ang papel na nasa likod ko kahapon.

"Sobra na talaga kayo, bakit niyo ba 'ko pinagti-tripan?  Harold, Paul, Busty and Glen, kayo ang kausap ko!"

"Bakit kami na naman ang pinagbibintangan mo?  May ebidensya ka bang kami ang naglagay niyan?  If I know baka ikaw talaga naglagay niyan dahil naghahanap ka talaga ng boyfriend kasi tigang na tigang ka na."  Sambit ni Harold at pagkatapos ay tumawa na siya at ang buong klase.  Nakakainis talaga! Sinong tigang?

"Quiet!"  Sigaw ko at nanahimik naman sila.  "Okay fine, kung ayaw niyong umamin, hindi ko kayo pipilitin.  Kumuha na lang kayong lahat ng one whole sheet of paper dahil my surprise quiz kayo."

Biglang sumimangot sina Harold no'ng marinig nila ang sinabi ko.  At lalong nasira ang mga mukha nila no'ng lumabas na ang resulta ng surprise quiz kung saan silang apat ang nakakuha ng pinakamababang scores.

"To Harold, Paul, Busty and Glen, magpaiwan kayo mamaya after class para sa make-up quiz."  Anunsyo ko na halatang ikinainis nila.  "Kung ayaw, okay lang naman sa'kin, hindi ko naman ito grades eh."

Akala niyo ha, akin pa rin ang huling halakhak.  Haha!

---

Wagas ang tawa ni Aika no'ng ikinuwento ko sa kaniya ang mga kahihiyang inabot ko kahapon.  Nandito kami ngayon sa school canteen at kumakain ng lunch.

"Sige, Aika tawa pa."  Napanguso na lang ako.

"Kung pumasok lang ako kahapon, eh 'di sana napansin ko agad 'yong papel.  Pero ano, nakahanap ka naman ba ng boyfriend?"

"Hindi, dahil wala akong planong mag-boyfriend kahit kailan."

"Bakit naman? Ayaw mo bang magkaroon ng katuwang sa buhay?"

"Ayoko, sakit lang ulo 'yon."  Sabi ko sabay subo ng ulam kong ampalaya na may itlog.

"Jen, iwas-iwasan mo nga ang pagkain ng ampalaya, kaya ka nagiging bitter eh.  Baka mamaya, isipin din ni Dustin na bitter ka pa hanggang ngayon, lalo na't nakita niya 'yong papel na 'yon na nakadikit sa likod mo."

Hindi ko na nasagot si Aika dahil tumawag sa cellphone ko ang teacher ni Angel.  Sinabi nitong kailangan kong pupunta agad sa school dahil may nangyari raw na hindi maganda doon.

Bago umalis ay nagpaalam muna ako kay Madam Villejo at ibinilin ko na rin kay Aika na ito na muna ang mamahala ng make-up quiz nina Harold, pumayag naman silang dalawa.

Pagdating ko sa school ni Angel ay dumiretso agad ako sa Principal's Office kung saan nadatnan ko sa loob ang tatlong pamilyar na mukha. 

"Kayo pala, kumusta, long time no see."  Gulat na may halong saya ang ginawa kong pagbati kina Elisa, Maureen at Eunice, ang Tatlong Jologs na walang kupas pa rin ang taglay na kagandahan.  "Bakit nandito kayo?"

"Pinatawag kami rito dahil may ginawa raw kalokohan ang mga anak namin."  Sagot ni Maureen. 

"Estudyante rin dito ang mga anak niyo?"  Tanong ko sa tatlo.

"Oo Jen."  Sabay tango ni Elisa.  Mabuti pa silang tatlo, pinakasalan sila ng mga lalaking minahal nila at ngayo'y nakabuo na ng masayang pamilya.  Natutuwa ako para sa kanila.

"Ikaw Jen, bakit ka napasugod dito?"  Tanong ni Eunice.

"Pinatawag din ako dahil sa anak ko."  Sagot ko na labis na nilang ikinagulat.

"May anak ka na?!"  Korong sambit ng tatlo.

"Yeah, I'm a single mother."  Sambit ko sabay ngiti.  Subalit nawala agad ang mga ngiti ko sa pagdating ng taong ayokong makita, na walang iba kundi si Dustin Villaverde.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon