Chapter 14

41.6K 1.1K 20
                                        

Jennifer

Lumaki ang mga mata ko at literal akong napanganga nang malamang si Dustin Villaverde pala ang nagpahiram sa akin ng panyo.  Bakit ba siya nandito?  Kanina pa ba siya?  Narinig ba niya ang mga hugot ko kanina, kung oo, naku po, nakakahiya!

"Anong ginagawa mo rito?"  Tanong ko habang gulat na gulat pa rin.

"Ako ang nakabundol sa kaniya ay nagdala sa kaniya rito sa ospital."  Tugon ni Dustin.

"Gano'n ba, ako nga pala 'yong kausap mo kanina sa phone, itong si Marjorie ay isa sa mga estudyante ko, pati sila."  Itinuro ko sina Berna at ang grupo ni Harold.

"'Di ba ma'am siya 'yong ka-date niyo no'ng isang araw?"  Malisyosong tanong  ni Harold.

"Ano ka ba, hindi 'no."  Todo tanggi ko naman.

"Anong hindi, siyo po 'yon eh."  Segunda ni Glen.

"Sabi na ngang hindi eh...  I mean, oo siya 'yong kasama ko no'ng araw na 'yon, pero hindi ko siya ka-date no'n, okay."  Paglilinaw ko sa kanila.

"Sus, si Ma'am, ang showbiz masyado.  Nagba-blush naman."  Natatawang hirit naman ni Busty. 

Na sinundan ni Paul.  "Oo nga po ma'am, nagba-blush kayo." 

Napahawak tuloy ako sa aking pisngi na mainit-inti pa.  Am I really blushing?, huwag naman sana dahil nakakahiya!  Baka isipin pa ni Dustin na kinikilig ako sa panunukso nila.

"Kuya, nililigawan niyo ba ang teacher namin?"  Tanong bigla ni Harold na halos ikatunaw ko sa hiya.  Nagkatinginan kami ni Dustin pero agad akong umiwas ng tingin.

"Ano ba, tumigil ka nga."  Sabi ko habang pinandidilatan ng mata si Harold.  Nahuli ko naman si Dustin na ang ganda pa ng ngiti.  "Dustin, sorry ah, huwag mo na lang pansinin ang mga makukulit na ito."

"Okay lang 'yon Jen."  Sagot niya at ngumiti uli.  Napangiti na lang din ako. 

Maya-maya ay dumating na ang Mommy ni Marjorie.  Wala naman daw siyang plano na magsampa ng kaso dahil sa aksidenteng kinasangkutan ng anak.  Pero nangako si Dustin, na sasagutin nito ang lahat ng gastusin sa ospital.

---

"Ma'am thank you po ah.  Mabuti na lang pala at sinabi ko sa inyo ang tungkol kay Marj.  Sa tingin ko naman ay magiging okay na siya."  Ani Bernadette nang makalabas kami ng ospital. 

"You don't need to thank me.  Bilang teacher ay para niyo na rin akong pangalawang magulang.  At tungkulin ng magulang na turuan at gabayan ang mga anak niya.  Kayong lahat ng mga ka-klase mo, you can call me anytime kung may problema.  Nandito lang ako kung kailangan niyo ako."  Sabi ko at napangiti naman sila.  "Pa'no, magsiuwi na kayo.  Kailangan niyo pang gawin ang homework niyo."

"Sige ma'am, una na po kami."  Wika ni Harold.  "Magpahatid na lang kayo kay Kuya pauwi." 

Napatingin akong bigla kay Dustin na nandito pa rin pala.  Pag-alis nina Harold ay humingi uli ako sa kaniya ng despensa.

"Dustin, pasensya ka na talaga sa mga estudyante kong 'yon ah, ang kulit nila 'no."

Bahagya siyang natawa.  "Well, sa tingin ko, natural lang 'yon sa mga teenagers na tulad nila.  By the way, natutuwa akong makita na close sa'yo ang mga estudyante mo."

"Alam mo sa totoo lang, dati ay hindi ko sila kasundo, pero ngayon okay na.  'Yon nga lang, ang hilig pa rin nilang mang-asar."  Kuwento ko pa na nagpangiti uli kay Dustin.  "Siya nga pala Dustin...  Ano kasi, uhm...  May itatanong ako..."  Nag-aalangan ako pero hindi naman ako matatahimik kaya naglakas loob na ako.  "Kanina kasi, pinapagalitan ko si Marjorie, itatanong ko lang sana kung narinig mo ba ang lahat ng mga sinabi ko sa kaniya kanina?"

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon