Dustin Villaverde
Wala na akong lagnat at mabuti na ang pakiramdam ko pero sinunod ko pa rin ang payo ni Jen na huwag nang pumasok ngayon. Hindi ko na rin muna pinapasok si Dwight sa school kaya buong maghapon kaming nag-bonding sa bahay. Nanood ng movie, nag-food trip at nag-karaoke lang kaming dalawa ng anak ko at pareho kaming nag-enjoy.
Pagsapit ng gabi, kung kailan mag-isa na lang ako sa kuwarto ay naalala ko uli ang napanaginipan ko kagabi kung saan hinalikan ko raw si Jen sa kaniyang mga labi. Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi habang nakangiting inaalala ang lahat.
Maya-maya'y seryoso kong hinawakan ang aking dibdib kaya nadama ko ang malakas na tibok ng aking puso. Simula no'ng magising ako from coma ay ngayon ko lang naramdaman ang ganito at nararamdaman ko lang ito sa tuwing nakikita o naiisip ko si Jen.
Unang beses ay no'ng magkita kami ni Jen sa party ni Mr. Valdez. Nagkasalubong kami sa may hallway at pareho kaming napahinto at napatingin sa isa't isa. No'ng gabing 'yon ay tumibok ng kakaiba ang puso ko. Parang kilala ko si Jen pero hindi maalala ng utak ko kung sino siya. Gusto ko siyang kausapin no'ng mga sandaling iyon pero naunahan ako ng kaba hanggang sa magpasya siyang umalis na lang
Sunod kong nakita si Jen sa isang supermarket kung saan biglang sumakit ang ulo ko no'ng nakita kong hinampas niya ng walis tambo ang lalaking nanloko sa karelasyon nito. Pakiramdam ko'y napanood ko na ang eksenang iyon pero malabo ang mga alaalang pumapasok sa isip ko. Kahit kinakabahan ay kinausap ko si Jen para sabihin sa kaniya na may papel na nakadikit sa likod niya pero tinarayan lang niya ako at basta na lang tumalikod at umalis.
No'ng nagkita kami sa ikatlong pagkakataon sa school ng mga bata ay halos kainin niya ako ng buhay sa galit dahil sinabi kong hindi ko siya kilala. No'ng araw ding iyon ay sinabi sa akin nina Elisa na siya pala si Jennifer Asuncion na dati kong fiancee. Doon ko na rin nalamang si Jen pala ang may-ari ng pangalan na naka-tattoo sa dibdib ko dati. Sa kagustuhan ni Faith ay binura ko na ang tattoo na iyon.
Ang akala ko ay iyon na ang magiging huling pagkikita namin ni Jen pero hindi pa pala. Dahil muli kaming nagkita sa mall kung saan kasama ko si Dwight at kasama naman niya ang anak na si Angel. Sumakit ang ulo ko no'n dahil sa isang eksenang biglang pumasok sa utak ko, iyon ay ang imahe naming dalawa ni Jen no'ng mga teenager pa kami habang nag-iikot sa mall para bumili ng regalo. Gusto ko sanang tanungin si Jen kung totoo bang nangyari ang eksenang iyon pero minabuti kong huwag nang gawin. No'ng araw na 'yon ay humingi siya ng tawad sa ginawang pagsusungit sa akin at nag-alok ng pakikipagkaibigan na walang pag-aatubili ko namang tinanggap.
Buhat no'n ay naging sunod-sunod na ang pagkikita namin ni Jen sa mga hindi sinasadyang pagkakataon. Nagulat ako no'ng malamang estudyante pala niya ang nabundol kong babae na si Marjorie. Papasok na sana ako no'n sa loob ng silid para magpakita sa kaniya pero hindi ko ginawa dahil sa seryoso nilang pinag-uusapan.
"Ikaw naman ang tatanungin ko, alam mo ba kung gaano kasakit na iwan ka ng taong pinakamamahal mo na anim na taon mong naka-relasyon? 'Yong tipong, nag-propose na siya sa'yo ng kasal pero in the end, hindi ikaw ang pinakasalan niya kundi ang ibang babae. Tulad mo, sobra rin niyang minahal ang lalaking 'yon. Ibinigay rin niya ang lahat para rito pero niloko lang din siya at ipinagpalit sa iba."
Tinanong ako ni Jen kung narinig ko ba ang mga sinabi niyang iyon. Sa hitsura pa lang niya ay parang matutunaw na siya sa hiya at para huwag nang mangyari 'yon ay nagsinungaling na lang ako at sinabi kong wala akong narinig.
Kinagabihan ay sa police station naman kami sunod na nagkita. Alalang-alala siya no'ng malamang pinasok kami ng magnanakaw, lalo na no'ng makita niya ang pumutok ang labi ko. Ang concern niya ay naghatid ng kakaibang saya sa aking puso no'ng gabing iyon.
Makalipas ang ilang mga araw ay isa na namang hindi inaasahang pagkikita ang nangyari no'ng mag-judge ako sa pageant ng school na pinagtuturuan ni Jen. Para pa ngang nananadya ang tadhana dahil tungkol pa sa amnesia ang tanong no'ng isang judge. Sumakit ang ulo ko no'n pero gumaling din naman agad kaya natapos ko ang program.
No'ng pumunta ako sa ospital para sa MRI at Citi scan ay muli na namang nag-krus ang landas namin ni Jen. Sumaya nang husto ang puso ko no'ng makita ko siya.
"Hay, nakakahiya talaga." Sabi ni Jen habang naglalakad palabas ng ospital. Binalingan niya ako na ngayon ay malapad na nakangiti. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Pinagtatawanan mo ba 'ko kasi napahiya ako kanina?"
"No, ofcourse not. Nakakatuwa ka kasi." Tugon ko nang nakangiti pa rin. "Alam mo..."
No'ng panahon na 'yon ay may gusto akong sabihin kay Jen pero hindi ko na lang itinuloy dahil hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay kinuha ko ang naka-frame na picture ng aking asawa mula sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko ito ng mabuti at kinausap na para bang ito'y buhay.
"Hon, okay lang ba sa'yo kung magmahal ako uli? Hindi ka ba magagalit?" Huminga ako ng malalim bago magpatuloy. "Alam mo kasi..."
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil biglang kumatok si Dwight at humiling na tabi na kaming matulog, pumayag naman ako.
"Daddy, puwede po ba tayong mamasyal sa amusement park? Sina Kirk daw po ay pumunta doon ng Mommy at Daddy niya last week. Gusto ko rin pong pumunta Dad." Sabi ng anak ko pagsampa sa kama.
"'Yon lang ba, walang problema. Let's go there on Sunday."
"Thank you Daddy, Good night."
"Good night din 'nak."
---
Pagdating sa amusement park ay agad na nagtanong si Dwight. "Daddy, anong oras na po?"
"Its 10 am, why are you hungry? Gusto mo bang mag-brunch muna?" Sabi ko pero umiling lang siya. "Punta po tayo sa may carousel, baka nandoon na po sina Angel at Tita Jen."
"Ano?" Laking pagtataka ko.
"Yes Daddy, gusto rin daw po kasi ni Angel na mamasyal dito sa amusement park kaya sabi ko sa kaniya ay sabay na kami. I told her to meet us sa may carousel at 10 am, kaya tara na po."
"O-Okay." Nagtataka pa rin ako pero hindi na ako nagtanong. Hindi ko alam pero bigla akong naging excited habang naglalakad kami ni Dwight papunta sa may carousel.

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved