Chapter 3

56.8K 1.4K 143
                                        

Jennifer

Abala ako ngayon sa pamimili dito sa Mall nang mamataan ko si Faith.  Uminit agad ang ulo ko at lahat ng sakit nang nakaraan ay biglang bumalik sa akin.  Sasampa na sana siya sa pababang escalator pero hindi niya nagawa dahil hinablot ko ang kaniyang buhok.

"Aray!"  Daing ni Faith na biglang napaharap sa akin.  "Jen?"

"Oo ako nga, mabuti naman at naaalala mo pa ako.  Kinamumuhian kita, inagaw mo sa'kin si Dustin!"  Pagkatapos sabihin 'yon ay sinabunutan ko na siya ng matindi.  Wala naman siyang magawa kundi ang humagulgol na lang.  Ilang sandali pa ay dumating na ang asawa niyang si Dustin.

"Hon, okay ka lang?"  Nag-aalalang tanong ni Dustin sa asawa matapos itong ilayo sa akin.  Binalingan niya ako at tiningnan ng masama.  "Sino ka ba at bakit mo sinaktan ang asawa ko?"

Natigilan ako.

"Hon, huwag mo na siyang pansinin.  Ang mabuti pa umalis na tayo."  Ani Faith na sobrang gulo na ng buhok.

"Anong aalis? Hindi ka puwedeng umalis!  Magbabayad kang mang-aagaw ka!"  Gigil kong sinabi saka ulit sinabunutan si Faith hanggang sa maitulak ko na siya pababa ng escalator.  Bumagsak siya sa pinakababa nang dilat ang mga mata subalit wala nang buhay.

---

"Mommy!"  Sabi ng anak kong si Angel na limang taong gulang lamang.  Dahil doon ay nagising ako.  "Are you okay Mommy?  Are you having a bad dream?"

Huminga ako ng malalim nang ma-realize na panaginip lang pala ang lahat.  Sa dinami-dami ng taong mapapanaginipan, bakit sina Dustin at Faith pa.  Hindi raw ako kilala ni Dustin at si Faith naman ay aksidente kong napatay.  Ang creepy.

"Angel anak, 'di ba sabi ko sa'yo kapag wala na tayo sa States ay magtatagalog ka na."  Sita ko kay Angel.  Kahit sa Amerika siya ipinanganak ay dugong Pinoy pa rin ang dumadaloy sa mga ugat niya kaya tinuruan ko siyang magsalita ng Tagalog.  Ayoko lang kasi na lumaki siyang hindi nakikilala ang sariling wika kaya isitrikto ako pagdating sa gano'ng bagay.

"But we're not yet in the Philippines Ma.  We're still here in the airplane.  Promise I'll speak Tagalog when we get there."  Sagot ng anak ko na kung tutuusin ay may punto rin naman.  Nakasakay pa nga naman kami ngayon sa eroplano at who knows kung nasa Pilipinas na ba kami o wala pa.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag nalaman nilang may apo na sila?  Sa umpisa siguro ay magagalit sila sa'kin, pero alam ko at natitiyak kong matatanggap rin nila ang anak ko.

Pagkababa ng eroplano ay natanaw ko agad sina Mama, Papa at ang bestfriend kong si Dustin.  Lumapit ako sa kanila at niyakap sila isa-isa.

"Anak, sino 'yang batang kasama mo?" Tanong ni Papa matapos kaming magyakap.  Bigla naman akong napalunok habang nakatingin kina Mama, Papa at bestfriend.

"Ma, Pa, Dustin, siya po si Angel."  Sabi ko.

"Hello po!  Are you Lolo Raul and Lola Aida? My name is Angel, your beautiful and lovely grand daughter."  Bibong-bibo na sinabi ni Angel.  "Oops, sorry. Tagalog nga pala.  Ako po ang maganda ninyong apo na si Angel.  Ikinagagalak ko po kayong makilala Lolo at Lola.  Mano po."

"Joke ba ito anak?"  Sabi ni Papa matapos magmano sa kaniya ni Angel.

"Hindi po ito joke Pa."

"Anak, seryoso ka?"  Si Mama na hindi rin makapaniwala.

"Opo Ma, seryosong-seryoso." 

"Jen..."  Ang bestfriend ko naman ang gustong magsalita pero inunahan ko na.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon