Chapter 37

42.9K 1.1K 160
                                        

Jennifer

Kasal na namin ni Dustin sa susunod na buwan at kahit busy sa pagaasikaso sa kasal ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang duty ko as a teacher. Malapit na ang final periodical exams kaya nire-review ko ang aking mga estudyante. Sana'y makapasa silang lahat at maka-graduate.

Pagkadismissal ay lumabas na ang lahat ng mga estudyante sa classroom maliban lang kay Harold na agad lumapit sa'kin.

"Bakit Harold?"

"Nabalitaan ko pong ikakasal ka na next month."

"Oo, punta kayo ah."

"Mukhang mahal na mahal mo talaga siya."

"Oo naman. Siya rin naman eh, mahal na mahal niya 'ko."

"Mukhang hanggang dito na lang ang lahat." Ang lalim ng pagbuntong-hininga ni Harold. Nitong mga nakaraang araw ay napansin kong problemado siya. Nababahala siguro sa nalalapit na final exams. Ilang saglit pa ay may ipinatong siyang maliit na mp3 player sa ibabaw ng lamesa ko. "Sorry po, ma'am kung ngayon ko lang naibalik sa inyo 'yan. Alam niyo bang lagi kong pinapakinggan diyan 'yong kantang Fireworks ni Katy Perry. Nagkaroon ako ng pagasa mula no'ng ipinarinig niyo sa akin ang kantang 'yon. Dahil sa inyo ay nagawa kong magbago at magpursige sa pag-aaral. Maraming salamat sa lahat, ma'am. Wala po akong ibang hangad kundi ang lumigaya kayo. Sana po ay maging masaya kayo." Lalabas na sana siya ngunit napahinto sa paglakad nang tawagin ko.

"Harold, sandali."

"Bakit Ma'am?"

"Para saan ito? Wedding gift mo ba ito para sa'kin?" tanong ko patungkol sa mp3 player na iniwan niya sa table ko.

Lumapit siya uli sa'kin na tila naguguluhan. "Anong ibig niyong sabihin ma'am? Hindi ba sa'yo 'yan? Sinosoli ko lang sa'yo."

"Imposibleng sa akin 'yan dahil wala naman akong ganyan."

"Hindi nga, Ma'am seryoso? Nakalimutan niyo na ba ma'am, ito 'yong ginamit niyo no'ng ipinarinig niyo sa'kin 'yong kantang Fireworks ni Katy Perry. Nakita ko ito sa party no'ng gabing 'yon. Inisip ko pa nga na sinadya mong iwan ito para ibigay sa'kin pero naisipan kong ibalik na para makalimutan na kita ng tuluyan."

Nalilito ako sa mga pinagsasabi niya kaya napakamot na lang ako ng ulo. "Hindi kita maintindihan. Ibang tao yata ang tinutukoy mo at hindi ako."

"Hindi ma'am, sigurado akong ikaw 'yon." Pagkatapos ay naglabas naman si Harold ng dalawang panyo na galing sa bulsa ng kaniyang pantalon. Isang kulay green at isang kulay puti na panyo iyon na may letter J na naka-burda. "Eh ito po, ma'am, huwag niyong sabihing hindi rin kayo ang may-ari ng mga panyong ito?"

Sinuri ko ang mga panyo at nakatitiyak akong ito 'yong mga panyo kong na naiwala ko dati. "Sa akin nga mga ito, bakit na sa'yo?"

"'Yong green ay napulot ko sa party. Itong kulay white naman ay dito ko sa school napulot."

"Ah okay." Nagpatango-tango ako. "Kung ibinabalik mo sa akin itong mga panyo, sige kukunin dahil akin naman talaga ang mga ito. Pero itong mp3 player, hindi ko puwedeng kunin dahil hindi ako ang may-ari niyan." Kinuha ko na ang mga panyo at ipinasok sa bag ko. Nagligpit na rin ako ng mga gamit at tumayo na para magpaalam. "Harold, siguraduhin mo lang mag-review ka para pumasa ka sa exam. Sige na, bye."

Pag-uwi ay sinabihan ako ni Mama na may dumating daw na package para sa'kin na galing pang Italy. Dali dali akong pumasok sa kuwarto para tingnan at nagulat ako nang malamang galing pala kay Philip ang package na may kasama pang sulat.

Dear Jen

Congratulations! Sabi ni Pris ikakasal na kayo ni Dustin. Sorry kung hindi ako makaka-attend. Maselan ang pagbubuntis ng asawa ko at hindi ko siya maiwan. Kaya heto, pinadala ko na agad ang regalo namin for you. Si Liza mismo ang pumili niyan, gamitin mo raw sa first night ninyo.

Jen, gusto ko na rin sanang humingi ng tawad sa kasalanan ko sa'yo. Ang totoo niyan, I know the reason kung bakit pinakasalan noon ni Dustin si Faith. Hindi sinasadya na narinig ko ang usapan nila noon ng kaibigan niya no'ng minsang dalawin ko si Dustin sa ospital. Kahit nalaman ko 'yon ay hindi ko pa rin sinabi sa'yo. Sa halip siniraan ko pa si Dustin. Ginawa ko 'yon sa pag-asang mabaling sa akin ang pag-ibig mo.

Subalit sadya nga yatang hindi maaaring turuan ang puso kung sino ang mamahalin nito. Sa halip na mag-move on ka with me ay mas pinili mong magpakalayo at pumunta sa ibang bansa. Nagpapasalamat ako na naging honest ka para hindi ako masaktan.

Masaya 'ko na pagkatapos ng mahabang panahon ay muli kayong magkakasama ng nag-iisang lalaking minahal mo. Ako rin, sa ngayon natagpuan ko na ang babaeng mamamahalin ko at laking pasasalamat ko dahil hindi siya sumuko sa'kin. Tulad namin ni Liza, hangad ko na maging masaya rin ang pagsasama niyo ni Dustin. Pagkapanganak ng asawa ko at kapag kaya na niyang bumiyahe ay dadalaw kami diyan sa Pilipinas.

Best wishes na lang sa kasal niyo.

Regards,
Philip

Matapos kong basahin ang sulat ni Philip ay tiningnan ko na ang laman ng kahon at napatawa ako sa tatlong set ng sexy lingerie na magkakaiba ang kulay. Sige na nga, gagamitin ko ito sa first night namin ni Dustin. Bago itago ang regalo ay tiningnan ko uli ang sulat at ngayon ko lang napansin na may P.S pa pala si Philip.

P.S.
By the way, Jen, alam na ba ni Dustin na wala talagang nangyari sa'tin no'ng gabing 'yon?

Oo nga pala, hindi ko pa nasabi kay Dustin ang totoong nangyari no'ng gabing iyon. Hindi pa niya alam na wala talagang nangyari sa amin ni Philip.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Dustin sapagkat naabutan niya 'kong hubo't-hubad sa kama ng step brother niyang Philip. Napapikit siya nang mapansin ang blood stain sa kama. "May nangyari sa inyo?"

Nang maulinigan kong parating si Dustin ay minadali kong hubarin ang mga damit ko. Sinadya ko ring ipakita 'yong tagos ko sa kama para isipin niyang may nangyari sa amin ni Philip kahit na ang totoo ay wala. Sa gano'ng paraan ay alam kong nagantihan ko siya at natapakan ko ang pride niya bilang lalaki.

"Oo, may nangyari sa'min," sagot ni Philip na mukhang nasakyan agad ang gusto kong ipahiwatig. "Kaya ang mabuti pa, Dustin umalis ka na. Istorbo ka lang eh."

Nagwala ng husto si Dustin at sinuntok niya uli si Philip. Pagkatapos ay biglang dumating si Faith at isinama na nito ang asawa pauwi

"Masaya ka na ba? Masaya ka na ba at nagantihan mo siya? Ang akala niya ay may nangyari sa'tin," sabi ni Philip pagkaalis no'ng dalawa.

"Sorry, Philip, hindi ko gustong gamitin ka," tugon ko habang umiiyak.

"Hindi mo ako ginamit. Ako ang kusang nagpagamit sa'yo. Please lang, pagkatapos nito ay kalimutan mo na siya. Sige na, magbihis ka na at baka sipunin ka." aniya at lumabas na ng kuwarto.

"Hindi pa, Philip." sagot ko na para bang nasa harap ko lang ang aking kausap. "Hindi pa alam ni Dustin na wala talagang nangyari sa atin no'ng gabing 'yon. Pero kahit hindi ko sabihin ay malalaman at malalaman din niya 'yon."

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon