Jennifer
"Talaga? Palagi kayong pinagtatagpo ni Dustin by coincidence?" Ani Aika na kasabay kong nagla-lunch dito sa school canteen.
"Oo, actually, maraming beses na. Alam mo 'yong tipong nagugulat na lang ako dahil bigla na lang siyang susulpot sa harapan ko. Tulad na lang no'ng pageant. Nagulat talaga ako nong makita ko 'yong name niya sa listahan ng mga guest judge. Friend daw pala kasi niya si big boss. Naisip ko naman, bakit si Dustin pa ang napakiusapan ni big boss na mag-judge? Wala ba siyang ibang friend?" Sabi ko at napailing na lang.
"By the way Jen, anong nararamdaman mo kapag nagkikita kayo? May nanunumbalik ba na feelings? Mahal mo pa ba si Dustin? At hindi ba, patay na ang asawa niya? So ibig sabihin, single na siya ulit. Kung gusto mong magkabalikan kayo, you can use your charm upon him. Besides, minahal ka naman niya dati eh, all you have to do ay ang ipaalala 'yon sa kaniya " Seryosong sinabi ni Aika. Bigla ko namang naalala sagot ni Charrie sa Q and A.
"Kung sakaling lovers kami ni Busty, 'tapos nagka-amnesia siya at nakalimutan niya 'ko. Wala po akong gagawin para maalala niya 'ko. Hahayaan ko na ang tadhana ang kumilos para sa'min. Naniniwala kasi ako that everything happens for a reason. Even 'yong pagkakaroon niya ng amnesia ay tiyak na may dahilan. Maaring isa 'yong pagsubok para malaman kung gaano ba katatag ang aming pagmamahalan. Habang may amnesia siya, I'll just stay single at tahimik na maghihintay na dumating ang araw na maalala niya 'ko."
"Jen, are you listening?" Sabi ni Aika dahil hindi ko siya sinasagot. "Sorry kung ang dami kong tanong ah."
"Okay lang."
---
Nagpunta muna ako sa rest room bago bumalik sa faculty office, napahinto ako sa paglalakad ng madaanan ko sa sulok ng hallway sina Glen at Bernadette na tila may seryosong pinag-uusapan.
"Pa'no 'to Glen? Anong gagawin ko? Siguradong lagot ako kay dad oras na malaman niya ito." Mahinang sabi ni Bernadette pero dinig ko pa rin. "Dapat kasi hindi na lang ako pumayag sa gusto mong mangyari. Ikaw kasi eh."
"Huwag kang mag-alala, akong bahala sa dad mo. Kakausapin ko siya. Don't worry 'cause I'll take responsibility." Hinawakan ni Glen ang pisngi ni Bernadette. "Mahal kita babe, ginawa ko 'yan kaya paninindigan ko."
"Natatakot ako, tiyak na magalit si Daddy. Grabe pa naman 'yon magalit."
"Anak ka niya, siguro naman ay hindi ka niya paparusahan kung malalaman niya ang ginawa natin. Basta huwag ka ng masyadong mag-alala." Kinuha ni Glen ang kamay ni Bernadette at sabay na silang lumakad.
Hindi ko gusto ang naiisip ko pero kailangan kong malaman ang totoo kaya after class ay pinaiwan ko sina Glen at Bernadette sa classroom para kausapin.
"May sasabihin po kayo Ma'am?" Tanong ni Bernadette.
"Ma'am, may pupuntahan pa kasi kami kaya kung may sasabihin kayo, sabihin niyo na po agad." Saad naman ni Glen.
"Ako ba ang may sasabihin o kayo? Sa tingin ko kayo ang dapat may sabihin sa'kin eh." Ang gusto ko kasi ay sila mismo ang magtapat sa'kin ng lihim nila.
"Wala naman po akong sasabihin." Ani Bernadette. "Ikaw Glen, may sasabihin ka ba kay ma'am?"
"Wala rin." Sabay iling ni Glen.
Nagbuntong hininga ako. "Glen, Berna, teacher niyo ako. Puwede niyo akong pagkatiwalaan kaya sabihin niyo na sa akin ang itinatago niyo."
"Tinatago? Wala akong tinatago." Giit ni Glen. "Ikaw Berna, baka may itinatago ka."

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved