Faith
"Walang hiya ka talagang bata ka! Paano mo nagawang ipahiya ako, ha! Oo na, matalino ka na, pero kailangan mo ba talagang gawin 'yon! Hetong bagay sa'yo, maldita ka!"
Sampal, kurot at sabunot ang tinatanggap ko ngayon mula sa aking teacher. Malakas ang loob niyang pagbuhatan ako ng kamay ang dahil kaming dalawa lang ang nandito sa playground. Nagagalit siya dahil napagtawanan siya ng buong klase no'ng pinuna ko ang maling computation niya sa Math.
Kung alam ko lang na ganito ang magiging reaction ni Ma'am ay hindi na lang sana ako nagsalita at hinayaan na lang siyang magturo ng mali. Mahirap din pala talaga ang maging matalino.
I'm just a grade three student, gustuhin ko mang lumaban kay Ma'am ay hindi ko kaya. Ang tanging nagagawa ko na lang sa pagkakataong ito ay ang umiyak. I wish someone would rescue me.
"Stop it!" sigaw ng isang batang lalaki. Kung titingnan ay mukhang magkasing-edad lang kami. Walang takot siyang lumapit at nagsalita kay Ma'am. "Get out of this school 'cause you're fired." Ilang segundo rin silang nagtitigan ni Ma'am hanggang sa bigla na lang nag-walk out ang teacher ko. "Kid, are you alright?" tanong sa akin no'ng bata.
"I guess so, thank you." sagot ko habang nag-aayos nang nagulo kong buhok dahil sinabunutan ni Ma'am. "By the way, you told her that she's fired, paano? Ikaw ba ang may-ari nitong school?"
"Not me, my uncle is." Ang cool naman ng batang 'to at ang cute pa niya. "Kaya huwag ka nang mag-aalala because I'll make sure na hindi na siya makakatapak pa sa classroom as a teacher. Ang mga taong tulad niya ay walang karapatang maging teacher." Tumango-tango naman ako bilang pag-agree sa sinabi niya. "Are you sure, you're okay? Wala bang masakit ba sa'yo?"
"Wala naman, promise okay lang ako kaya huwag ka nang mag-worry sa'kin. Salamat talaga ah. By the way, my name is Faith. Kung okay lang sa'yo, can we be friends?"
"Nice to meet you Faith," aniya at nagkamayan kami. "Well, I guess we can be friends, at least for today. Ang totoo niyan ay last day ko na dito sa school dahil lilipat na ako sa bahay ng Mommy ko sa Cavite. So yes, we can be friends, at least for today."
Niyaya ako ni Dustin na kumain sa caferia at pumayag naman ako, at nilibre pa niya 'ko. Cute na, mabait na at galante pa. Bakit ba ngayon ko lang siya nakilala? Sayang naman at lilipat na pala siya, ibig sabihin ay ito na ang una at huling beses kaming magkikita. How sad.
Pagkatapos ng klase ay agad kong hinanap si Dustin hanggang sa makita ko siyang papasakay na ng kotse.
"Dustin!" sigaw ko habang hinahabol ang umaandar na kotseng sinasakyan ni Dustin. Nakakapanghinayang lang na hindi ko na siya naabutan. "Sana balang araw magkita tayo ulit."
---
First day ko ngayon as a high school student dito sa East Pearl Academy, at siyempre hindi mawawala ang 'introduce yourself thingy'.
"Hello clasmates, my name is Faith Calderon, thirteen years old. Valedictorian ako no'ng elementary at plano kong mag-graduate din dito as a Valedictorian," I said and smiled at them. May iba na nagtaas ng kilay pero binaliwala ko na lang. Inggit lang ang mga ito kasi mataba ang utak ko.
"Good morning, My name is Maureen Castillo. Thirteen years old. I'm from Makati City. My mom is a chef and my dad owns a Company. Thank you." Mukhang mahiyain itong si Maureen.
"Hi, I'm Eunice Salcedo, thirteen years old. I'm the kind of person na sinasabi ko kung ano ang nasa isip ko. Love me or hate he. Gano'n lang ka simple." This Eunice naman ay may pagka-pranka.

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomansaWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved