Chapter 1

71.3K 1.5K 104
                                        

Jennifer

"Happy birthday to you."

Pagkatapos nilang kumanta ay hinipan ko na ang kandila na korteng number 24.  Dito lang sa garden ng mansyon ginanap ang isang maliit na salu-salo para 24th birthday ko na dinaluhan nina Mama, Papa, bestfriend kong si Dustin at asawa nitong Ashley at narito rin ang mga kasambahay.  Nasa trabaho naman ang parents ni bestfriend kaya wala ang mga ito.

"Mag-wish ka na, Jen."  Sabi ni bestfriend.

"Wish ko, sana maging safe ang trip ko papuntang U.S.  Sana mababait ang maging estudyante ko doon.  Sana makaipon ako ng maraming pera at siyempre sana maka-move on na ako."  Pagkatapos kong magsalita ay bigla silang nanahimik. 

"Jen kailangan mo ba talagang umalis?"  Bakas ang lungkot at panghihinayang sa boses ni Ashley habang sinasabi iyon.  "Ano kaya kung hintayin mo munang magising si Dustin para makapag-usap kayo."

"Pasensya na Ashley ah, pero sa tingin ko ay wala nang dapat pag-usapan pa.  Niloko niya ang anak ko at siguro kaya hindi siya magising-gising ay dahil pinaparusahan siya sa kasalanang nagawa niya."  Si Papa na hindi pa rin maitago ang sama ng loob, palibhasa'y saksi siya sa pagdurusang pinagdaanan ko no'ng iwan ako ni Dustin para magpakasal kay Faith, walong buwan na ang nakakaraan.

No'ng gabi ring iyon ay nasangkot si Dustin sa isang aksidente kung saan bumangga ang kotseng minamaneho niya sa isang truck.  Nagresulta iyon sa pagkaka-comatose niya at hanggang ngayon nga hindi pa rin siya nagkakamalay.

"Papa, huwag naman po kayong magsalita ng ganiyan."  Saway ko kay Papa.  Kahit niloko at sinaktan ako ni Dustin ay never kong ikinatuwa kasalukuyang sitwasyon nito.  "Ash, sorry ah, pero wala na talagang makakapigil sa'kin na umalis dahil buo na ang pasya ko."

Dahil sa mga masasakit na pangyayari ay napagdesisyunan ko munang magpakalayu-layo at magtrabaho sa ibang bansa.  Pakiramdam ko kasi ay 'yon lang ang paraan para makalimutan ko ang mga masasamang karanasan ko rito.  No'ng una ay ayaw nina Mama at Papa na umalis ako pero bandang huli ay nakumbinsi ko rin silang payagan ako.  Isang linggo mula ngayon ay aalis na ako.

Kinagabihan ay nagkita kami ni Philip sa coffee shop kung saan ko ipinarinig sa kanya ang kantang Titanium.   Nagulat ako nang makita na puno rito ng Hello Kitty decoration pero walang katao-tao maliban sa aming dalawa.

"Hi Jen."  Sabi ni Philip na naroon na sa bandang unahan kung saan may naka-set up na mic.  Ang guwapo niya tingnan sa kaniyang suot. 

"Have a seat."  Sabay turo niya sa upuang nasa harap kaya naman naupo na ako.  "First of all Jen, happy happy birthday.  Tayong dalawa lang ang tao dito dahil ayoko ng istorbo."  Tumawa siya at natawa rin ako.  "Deh joke lang, kaya ko pinaalis ang mga tao rito ay para ikaw lang makarinig ng kakantahin ko.  Sana magustuhan mo."

Our litle conversation
Are turning into little sweet sensation
And they're only getting sweeter everytime
Our friendly get togethers
Are turning into visions of forever
If i just believe this foolish heart of mine
I can't pretend
That i'm just a friend
'Cause i'm thinking maybe we were meant to be

Nakangiti lang ako habang nakikinig sa magandang boses ni Philip.  Ito ang unang pagkakataon na narinig ko siyang kumanta at namangha talaga ako sa galing ng rendition niya ng Fallin' ni Janno Gibbs.

I think i'm fallin', fallin' in love with you
And i don't, i don't know what to do
I'm afraid you'd turn away
But i'll say it anyway
I think i'm fallin... for you
I'm fallin' for you...

"Sorry pala kung hindi ako nakapunta sa birthday party mo ah."  Sabi ni Philip na nakaupo na ngayon sa harap ko at kumakain ng dinner.  "Anyway, nagustuhan mo ba ang kanta ko?"

"Oo naman, ang galing mo pala kumanta eh."

"Hindi naman masyado." 

Pagkatapos ng main course ay inilabas na no'ng waiter ang birthday cake na ang design ay Hello Kitty.  Kumanta si Philip at ang mga staff ng birthday song at nag-wish muna ako  bago ko hinipan ang kandila.  Ang wish ko ay ang katulad din ng hiniling ko kanina.

"Jen, may icing ka."  Ani Philip saka kumuha ng tissue para ipunas sa icing na kumalat na pala sa bibig ko.  Sa puntong iyon ay bigla kong naaninag ang mukha ni Dustin na dati na ring ginawa ang ganitong gesture sa akin.  "Jen, okay ka lang?  Bakit bigla ka na lang natulala diyan, sobrang guwapo ko ba?"

"Ang yabang mo!"  Sabi ko matapos bumalik sa aking ulirat.  Binaliwala ko na lang ang ilusyon na 'yon at kumain na lang uli ng cake kung saan may nakagat akong matigas.  "Teka, singsing to ah." Sabi ko nang mapunasan ang bagay na iyon na galing sa loob ng cake.

"Aba oo nga 'no, ang ganda naman nito.  Try mo kayang isuot Jen."  Biglang sinabi ni Philip sabay suot sa daliri ko no'ng singsing na kumasya naman.  "Oh, kasyang-kasya at bagay na bagay sa'yo.  Kunin mo na 'to Jen, itago mo kasama ng puso kong patay na patay sa'yo." 

"Ano?"

"Ang sabi ko, puwede bang huwag ka nang umalis?  Magpakasal na lang tayo."

"Alam mo, palabiro ka talaga."

"Hindi ako nagbibiro Jen, mahal na mahal kita." Tumitig siya ng husto sa mga mata ko.  "Ang pagmamahal na ito ang dahilan kung bakit pinilit kong magbago.  Alam mo naman kung anong klaseng lalaki ako dati 'di ba?  Isang dakilang womanizer na s*x lang ang habol sa mga babae.  Dati, hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang 'love' pero no'ng makilala kita saka ko lang iyon naintindihan at naramdaman."  Hinawakan niya ang mga kamay ko at patuloy na tumitig sa aking mga mata.  "Jen, please hayaan mo akong ipadama sa'yo kung gaano kita kamahal.  Hindi ko gagawin ang ginawa ni Dustin.  Hindi kita iiwan at lalong hindi kita ipagpapalit sa iba.  Please, give me a chance to love you."

"I'm sorry Philip."  Tugon ko matapos bawiin ang mga kamay ko sa kaniya.  "I can't marry you.  I'm sorry."

"Bakit hindi?"

"Una, aalis na 'ko papuntang States.  Pangalawa kaibigan lang ang turing ko sa'yo.  Pangatlo..."  Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita.

"Pangatlo ano, dahil mahal mo pa rin siya?"  May bahid ng pait ang mga tanong niya.  "Tama ako 'di ba, hanggang ngayon ay mahal mo pa rin si Dustin kaya ayaw mo 'kong tanggapin."

"Oo, tama ka.  Hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Dustin."  Walang silbi ang magsinungaling kaya nagtapat na ako. 

"Jen naman, nakalimutan mo na bang iniwan ka niya sa oras na kailangang-kailangan mo siya.  Nagpakasal siya sa iba at sinabi niya ng harap-harapan sa'yo na hindi ka na niya mahal.  'Tapos ngayon, sasabihin mo sa'kin na mahal mo pa rin siya?"

"Anong magagawa ko, kung siya pa rin ang itinitibok nito?"  Giit ko habang nakaturo sa aking puso na hanggang ngayon ay si Dustin pa rin ang nilalaman.  Sabihin na nilang isa akong malaking tanga pero 'yon ang totoo, hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin si Dustin kahit niloko at sinaktan niya ako.

"I don't mind."  Sambit ni Philip na ngayon ay nakaluhod na sa harap ko at nagmamakaawa.  "Wala akong pakialam kung siya pa rin ang laman ng puso mo.  Kapag kasal na tayo, makakalimutan mo rin siya.  Sige na Jen, pumayag ka na.  Mahal na mahal kita."

"Philip makinig ka, I'm sorry.  I'm really sorry pero hindi talaga puwede.  Sana maintindihan mong hindi gano'n kadali para sa'kin na basta na lang siyang kalimutan.  I need time and space.  Kung gagawin ko ang paglimot sa kaniya habang kasal sa'yo, siguradong masasaktan lang kita.  At 'yon ang ayokong mangyari, ayokong masaktan ka." Tinanggal ko na ang singsing at inilapag iyon sa lamesa.  "I'm sorry Philip at maraming salamat sa lahat, goodbye."

Tumayo na ako at iniwan na si Philip habang nakaluhod at umiiyak.  Hindi ko siya gustong saktan pero mas mabuti na ang ganito kaysa ang gawin siyang panakip butas.  Hiling ko na sana ay makalimutan din niya ako at balang araw ay makahanap siya ng ibang taong mamahalin.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon