Jennifer
"What? Nagkita kayo ni Dustin?" Tanong ni bestfriend na abala sa pagmamaneho. Habang pauwi ay ikinuwento ko sa kaniya na nagkita nga kami kanina ni Dustin. "Anong sabi niya? Nag-usap ba kayo?"
"Hindi."
"Hindi mo siya kinausap?"
"Bakit ko siya kakausapin, eh wala naman akong sasabihin sa kaniya. Kung tutuusin, siya 'yong maraming dapat na ipaliwanag kaya dapat siya ang unang nagsalita pero hindi niya ginawa. Nakatitig lang siya sa'kin na parang ewan, kaya umalis na lang ako." Sa totoo lang ay hinintay ko na magsalita si Dustin kanina pero nabigo ako at umalis na lang.
"Gano'n ba? Ibig sabihin, hindi mo pa alam?"
"Ang alin?"
"Si Dustin kasi ay may—"
"Tama na, ayoko na siyang pag-usapan." Sabi ko kaya hindi na itinuloy ni bestfriend ang sasabihin niya.
Tulog na ang cute kong anak pagpasok ko ng kuwarto. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay humiga na ako sa tabi niya.
Paglipas ng ilang oras ay hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa kaiisip ng pagkikita namin ni Dustin. Walang ipinagbago ang kaguwapuhan niya at ang pagiging matipuno ng kaniyang katawan. Ang suwerte talaga sa kaniya ng asawa niyang si Faith, nakakainggit.
Bigla naman akong bumangon nang ma-realize ko ang mga kalokohang naiisip ko. Hindi ko dapat ini-imagine ang kaguwapuhan ni Dustin at lalong hindi ako dapat mainggit kay Faith. Umiling-iling ako at pilit na binura ang mga iyon sa utak ko. Maya-maya pa ay biglang tumawag si Aika para sabihing for interview na daw ako bukas sa West Ruby Academy.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para hindi ako ma-late sa aking interview. Pagdating sa Principal's office ay sinalubong ako ng isang babaeng mga nasa fifty ang edad, nakapusod ang buhok, may mahabang palda at makapal na salamin sa mata. Sabi ni Aika ay may pagkamasungit daw itong si Madam Principal kaya medyo kinakabahan ako.
"I'm, Miss Jessica Villejo, have a seat." Sabi ni Ma'am kaya naupo na ako sa harap niya. Binasa niya ang resume ko pati na rin ang aking mga credentials. Pagkatapos ay sinimulan na niya akong tanungin ng ilang mga interview questions na lahat naman ay nasagot ko. Hanggang sa sabihin niyang tanggap na ako bilang adviser ng Section 10, a.k.a Deadly Section.
"Thank you so much, Ma'am." Nawala na ang kaba ko at masaya akong nakipagkamay kay Ma'am.
"Talaga bang nasabi na sa'yo ni Mrs. Pineda ang tungkol sa Section 10?" Tanong ni Ma'am at ang Mrs. Pineda na tinutukoy niya ay si Aika.
"Yes Ma'am, sinabi niya po sa akin ang lahat ng mga pinaggagawa ng Section 10 sa mga nagiging Adviser nila na hindi nagtatagal sa trabaho dahil napipilitang mag-resign."
"At sa kabila no'n ay tinanggap mo pa rin ang trabahong ito?"
"Gano'n na nga po. Hindi naman po kasi ako namimili ng trabaho."
"Tingin ko sa'yo, mukhang hindi ka rin magtatagal."
"Masayado pa pong maaga para sabihin 'yan Ma'am." Taas noo kong sinabi saka ngumiti.
"Ganyan din ang sinabi ng mga nauna sa'yo. Pero sana nga tumagal ka." Tumayo si Ma'am kaya tumayo na rin ako. "Anyway, welcome to West Ruby Academy Miss Asuncion and best of luck."
"Thank you, Ma'am." Sabi ko at nakipagkamay kay Ma'am.
---
Araw ng Lunes. Ngayong araw rin ang ako magsisimula sa trabaho kaya maaga ako. Pagpasok ko sa loob ng classroom ng Section 10 ay biglang nanahimik ang mga estudyante at lahat sila'y tumingin sa akin. Ang mabuti pa'y magpakilala na 'ko.
"Good morning, I'm Miss Jennifer Asuncion. Mula ngayon ay ako na ang magiging adviser ninyo." Ngiti ko sa lahat.
"Ma'am, ilang taon ka na?"
"May asawa ka ba Ma'am?"
"O boyfriend kaya?"
Magkakasunod ng tanong no'ng tatlong kalalakihan na nasa may bandang likod at isa-isa ko naman silang sinagot.
"Thirty one years old na 'ko at wala akong asawa o boyfriend. I'm a single mother sa anak kong babae na five years old na ngayon." Sagot ko at buti na lang ay hindi na sila ulit nagtanong. "Anyway, mag-check muna ako ng attendance niyo." Present naman ang lahat maliban sa estudyanteng huli kong tinawag. "Zuñiga? Harold Zuniga?"
Biglang kumalabog ang pinto dahil sa dumating na estudyante, siya na marahil si Harold Zuñiga. Tiningnan lang niya ako saglit at umupo na sa bandang likuran na kasama 'yong tatlong lalaki na nagtanong sa akin kanina. Nag-apiran pa silang apat.
"Boss, may bago tayong adviser, ang ganda." Sabi ni Glen.
"Wala pang asawa." Si Busty naman iyon.
"At wala rin daw boyfriend." Iyon naman si Paul.
"Matanda na." Walang gana sinabi no'ng kararating lang sabay subsob ng ulo sa desk "Huwag niyo kong istorbohin ah, matutulog ako."
"Harold Zuñiga!" Sigaw ko dahilan para bumangon siya.
"Bakit ka ba sumisigaw?" Siya pa talaga ang galit.
"Ikaw ba si Harold Zuñiga?"
"Malamang ako." Pilosopo pa.
"Dahil late ka, ipapakilala ko uli ang sarili ko. Ako si Jennifer Asuncion at ako ang bago ninyong adviser at hindi ka puwedeng matulog dahil classroom ito at hindi silid tulugan. Nandito ka para mag-aral at hindi para matulog." Hindi pa ako tapos magsalita ay tinulugan na niya ako. Huminga na lang ako ng malalim at pinigilan ko ang sarili na mainis.
"Makinig kayong mabuti sa discussion ha, dahil after kong mag-discuss ay magbibigay ako quiz. By the way, ang fourty percent ng inyong grade ay manggagaling sa mga quizes. Kaya huwag ninyong mamaliitin ang mga quizes dahil kung hindi maganda ang mga scores niyo sa quizes ay maari kayong bumagsak sa subject. At kapag bumagsak kayo sa kahit isang subject lang ay malabong makaka-graduate kayo. Kapag hindi kayo naka-graduate ay automatic na babalik kayo sa pagiging high school and I'm sure, hindi 'yon ikatutuwa ng mga magulang niyo." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay biglang bumangon si Harold. "Oh, akala ko ba matutulog ka?"
"Ang dami pang tanong, magturo ka na nga." Ang sungit niya talaga! Pero masaya ako dahil mas pinili niyang mag-aral kaysa matulog.
---
"Kumusta naman ang Section 10?" Tanong ni Aika na kasabay kong kumakain ng lunch dito sa school canteen.
"Okay naman. Mga normal na estudyante lang sila na may kakulitan at kapilyuhan. Pero may isa sa kanila na nangingibabaw sa pagka-pasaway at 'yon ay si Harold Zuñiga."
"Naku, pasaway talaga 'yon. Actually, graduate na dapat 'yon eh, pero umulit lang dahil ang dami niyang bagsak na subject."
"Talaga, naku, kung hindi siya aayos ay baka umulit na naman siya." Sabi ko sabay inom ng tubig.
"Anyway, ang maipapayo ko lang sa'yo Jen ay maging alisto ka lagi. Don't let your guard down dahil hindi mo alam kung kailan sila kikilos para guluhin ang buhay mo. Basta, mag-iingat ka palagi."
"Sila ang dapat na mag-ingat dahil hindi pa nila alam kung paano magalit si Miss Genius."
"Miss Genius?" Pagtataka ni Aika.
"Oo, no'ng high school kasi ako ay Miss Genius ang tawag nila sa akin sa school." Natahimik ako dahil sa alaalang biglang pumasok sa isip ko.
"Jen, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Aika nang makitang napayuko ako.
"Yeah, okay lang. Mauna na ako sa'yo." Nagmadali akong tumayo at pumunta sa CR para doon ilabas ang mga naipong luha sa mga mata ko. Dati masaya ako kapag inaalala ko ang aking high school life pero dahil sa ginawa ni Dustin ay luha na ang dulot nito sa akin ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/57555670-288-k298359.jpg)
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved