Jennifer
"Good night ma'am, sweet dreams." Ani Harold na bongga kung makangiti. Napansin kong maganda ang mood niya habang nasa biyahe kami. Masaya siguro dahil last day na ng pagtu-tutor ko sa kaniya ngayon at ibig sabihin ay puwede na uli siyang gumala kasama ang tropa niya.
"Salamat, ingat ka." Sabi ko at tuluyan nang bumaba ng kotse. Pagpasok ko sa kuwarto ay agad akong sinalubong ni Angel na balisa ang hitsura.
"Mommy puwede ka po bang pumunta rito?" Ani Angel at inabot sa akin ang papel na may nakasulat na address. "Tumawag po kasi ang classmate ko at ang sabi po niya ay may sakit daw po ang Daddy niya. Mom, can you go there to check on him?"
"Ha, bakit ako?"
"Alangan naman pong ako." Kunot ang noong sabi ni Angel. "Si Tita Ashley po talaga ang pinapapunta niya pero wala po sina Tita Ash at Tito Dustin sa kanila at may pinuntahan daw po na party. Kaya sabi ko kay Dwight ay kayo na lang ang pupunta. Mommy, bilisan mo na po kasi kawawa naman ang Daddy ni Dwight. Wala pa naman silang kasamang maid doon dahil nasa vacation daw."
"Dwight?"
"Yes Mommy, 'yong friend ko pong si Dwight. 'Di ba, friend niyo naman ang Daddy niya?"
Hindi ko sinagot si Angel at sa halip ay tinawagan si Pris para ito na lang papauntahin ko kay Dustin. Subalit hindi ito sumasagot. Sunod ko naman sanang tatawagan sina Elisa pero hindi ko na nagawa nang biglang magsalita uli si Angel.
"Mommy, hindi ka pa po ba aalis?"
Dahil dito ay wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa bahay nina Dustin kung saan sinalubong ako ni Dwight sa may gate.
"Good evening Tita Jen. Thank you po at dumating kayo." Magalang na sinabi ni Dwight at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Napansin ko agad sa may sala ay malaking wedding picture nina Dustin at Faith na nakasabit sa wall.
"Siya po pala ang Mommy ko, Faith po ang name niya. Two years old pa lang po ako nang mamatay siya." Saad ni Dwight sa malungkot na tono. Nakakaawa naman, tiyak na mahirap para sa kaniya ang lumaki ng walang ina. Sinamahan ako ni Dwight papunta sa kuwarto ng Daddy niya kung saan naabutan ko itong natutulog sa kama.
"Diyos ko, ang taas ng lagnat niya." Sabi ko at halos mapaso ang kamay ko nang hawakan ko ang noo ni Dustin na ubod ng init. Mabuti na lang pala at nagpunta ako rito. "Dwight, ako na ang bahala sa Daddy mo. Matulog ka na, ay teka, kumain ka na ba?"
"Opo." Sagot niya.
"Mabuti kung gano'n, sige na matulog ka na." Sabi ko at nagpasalamat naman siya sa akin. Paglabas ni Dwight ay inumpisahan ko na ang pag-aasikaso sa kaniyang Daddy.
Ang una kong ginawa ay ang hubarin ang white polo na suot ni Dustin para mabihisan ko siya ng mas komportableng pang-itaas. Pasamantala akong natigilan nang makitang burado na pala ang pangalan kong naka-tattoo sa kaniyang dibdib. Pakiramdam ko'y nabagsakan ako ng mabigat na bagay kaya hindi ako makagalaw pero pinilit ko pa ring kumilos at maghanap ng damit sa mga cabinet para mabihisan ko na siya. Pagkatapos no'n ay pinunasan ko siya ng basang tuwalya, habang ginagawa 'yon ay may naalala ako.
[Ano ang gagawin mo kapag iniwan kita?]
"Huh, bakit mo naman ako iiwan?" Worried kong sinabi kahit na alam kong isa lang 'yong random question na malayo sa katotohanan.
[Let's say namatay ako o kaya, tuluyan na kitang ipinagpalit sa iba? Anong gagawin mo, 'pag gano'n?]
"Nakakainis ka, bakit ganiyan ang mga tanong mo. Next question na nga."
[Magpapakamatay ako.]
Seryosong sinabi ni Dustin mula sa kabilang linya.
[Kung ako ang tatanungin ng tanong na 'yon, Kapag dumating ang araw na iwan mo ako. Either sumama ka sa iba or mamatay ka, isa lang ang gagawin ko, magpapakamatay ako.]
BINABASA MO ANG
For The One I Love
Storie d'amoreWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved