Chapter 32

43.1K 1.1K 102
                                        

Jennifer

"Mommy, hindi pa po ba tayo mag-oorder?" tanong ni Angel.  Limang minuto na buhat nang makarating kami rito sa fast food restaurant at wala kaming ginawa kundi ang umupo lang. 

"Later na lang, baby, hintayin muna natin sila," sagot ko.

"Sino pong hihintayin natin?"

"Ang Daddy mo."

"Talaga po, makikita ko na uli si Daddy?"  Lumiwanag ang mukha ni Angel at halata ang excitement sa kaniyang mga mata.

"Yes baby," tugon ko matapos ko siyang haplusin sa pisngi.  "Ipapakilala ko na sa'yo ang Daddy mo, pati na rin ang asawa niyang si Mia.  Gusto kong maging nice ka sa kanila kapag nakilala mo na sila.  Tulad ko, they are your parents.  Igalang at mahalin mo sila na gaya ng paggalang at pagmamahal mo kay Mommy.  Okay ba 'yon, anak?"

"Ofcourse Mommy, I'm always a good girl naman po 'di ba?  Dahil ang good girl ay laging bini-bless ni Lord.  Siguro kaya tinupad ni God ang wish ko na makita si Daddy ay dahil good girl ako.  Lagi ko po kasing pinagpi-pray kay God na sana makita ko na si Daddy at sa wakas, tinupad na rin Niya ang prayers ko.  Thank you po Mommy at ipapakilala niyo na sa'kin si Daddy.  Excited na po ako," paliwanag ni Angel habang todo ngiti.  Nagulat naman ako nang malamang ipinagdarasal pala niyang magkita na silang mag-ama.  Hindi lang niya pinapahalata sa'kin pero sabik pala talaga siya sa ama.

Ilang saglit pa ay dumating na ang aming hinihintay.  Maluha-luha kong niyakap at kinumusta si Mia.  Mabuti na lang at hindi siya tuluyang napahamak.  Matapos ang isang linggong pamamalagi sa ospital, sa wakas at nakalabas na siya.  Gayunman ay halata pa rin ang sa nangangayayat niyang katawan ang bagsak niyang kalusugan.

"Sorry kung pinag-alala kita, Jen.  But I'm okay now.  Promise, hindi ko na 'yon uulitin," mahinahong sambit ni Mia habang magkayakap kami.  Pagkatapos ay bumitaw na ako at pinahid ang mga tumulong luha.  Inumpisahan ko na rin agad ang pagpapakilala sa kanila kay Angel.

Pagkatapos kumain ay pumunta kami sa amusement park para namasyal.  Masayang-masaya si Angel habang ka-bonding sina AJ at Mia habang ako nama'y tahimik lang na nakamasid sa kanilang tatlo.

"Kunin mo 'to," sabi ko sabay abot kay AJ ng isang notebook.  Nakaupo kami sa bench habang nakasakay naman sa carousel sina Mia at Angel.  "Nakasulat diyan ang lahat ng impormasyon tungkol kay Angel.  Nakalista diyan ang mga paborito niyang pagkain at ang mga vitamins na iniinom niya at marami pang iba na sa tingin ko ay kailangan mong malaman, paki basa na lang 'yan."

"Thank you, Jen," tugon ni AJ matapos kunin ang notebook.  "Alam kong nahirapan ka sa desisyong ito pero pangako, hindi mo ito pagsisisihan.  Mamahalin at aalagaan naming mag-asawa si Angel nang higit pa sa inaasahan mo.  Thank you much, Jen, and I'm sorry."

Pinigilan ko ang sarili kong maiyak ngunit hindi ako nagtagumpay.  Naging sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko.  Isang linggo akong masusing nag-isip hanggang sa makarating ako sa isang napakabigat na desisyon.  Ayokong gawin ito.  Ayokong isuko ang anak ko pero kailangan kong gawin.  Anuman ang mangyari ay hindi ko maaring baguhin ang katotohanang si AJ ang ama ni Angel at may karapatan din itong makasama ang bata.  At siyempre, para na rin kay Mia. 

"Mommy, are you crying?" tanong ni Angel na hindi ko namalayang narito na pala.

"No baby, napuwing lang si Mommy," sabi ko habang nagmamadaling magpunas ng luha gamit ang panyo.  "Siya nga pala, anak, kailangan nang umalis ni Mommy.  Ang Daddy at Tita Mia mo na ang bahala sa'yo, huwag kang makulit ha."

"Okay po, Mommy.  Anong oras mo po ako babalikan?"

"Anak, kami na lang ng Tita Mia mo ang maghahatid sa'yo pauwi," sagot ni AJ.  "Sige na, mag-goodbye ka na sa Mommy Jen mo."

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon