Dustin Villaverde
Alas otso ng umaga na nang makarating kami ni Dwight sa Pangasinan kung nasaan ang bahay ng yumao nang Lolo at Lola ni Eunice. Pagdating ay bumungad sa amin ang malawak na hardin na may'roong magagandang halaman at bulaklak.
"Hi!" nakangiting salubong sa amin ni Eunice. "Kumusta ang biyahe, napagod ka ba sa pag-drive? Dapat kasi sumabay ka na sa'min kagabi. 'Yong iba, kagabi pa na nandito."
"Kung puwede lang sana, kaya lang masyadong busy sa office," nakangiting sagot ko habang sabay kaming naglalakad patungo sa malaki at makalumang bahay. Pagpasok sa loob ay nadatnan namin sa sala ang apat na batang masayang naglalaro. Isa-isa ang mga ito na lumapit at humalik sa aking pisngi.
"Good morning, Tito Dustin," bati ng cute na si Elysse, bunsong anak nina Kyle at Elisa.
"Hello po." Si Madeline naman iyon, bunso nina Exel at Maureen.
Sunod na bumati at humalik sa akin ay ang bunso nina Melendez at Ashley na si Aifa. "Good morning po."
"Good morning po, Tito." Panghuli ay si Eula na anak nina James at Eunice.
"Tita Eunice, nasaan po sina Exceed?" hanap ni Dwight sa mga kaibigang wala rito.
"Nagba-bike sila sa labas. Mamaya ay nandito na rin 'yon, mag-almusal muna kayo at magpahinga pagkatapos. Alam kong pagod kayo sa biyahe. The party will start at three pa naman," ani Eunice at sinamahan na kami sa dining area para makapag-agahan.
Pagsapit ng alas tres ng hapon ay nagtipon na ang lahat sa St. Cecilia Orphanage, isang bahay ampunan na fifteen minute drive lang ang layo. Dito napili ni Eunice na ganapin ang kaniyang birthday party. Bihis na bihis ang mga batang nandito, ganoon din ang mga staff ng ampunan. Sa labas ay may nakalatag na maraming lamesa na may iba't ibang masasarap na pagkain. Bago magsimula ay nagbigay muna ng speech ang birthday celebrant.
"Hello, first of all, maraming salamat sa inyong lahat na tumulong sa akin na maging posible ang party na ito at thank you sa lahat ng mga bisita," nakangiting panimula ni Eunice. "Siguro nagtatanong kayo kung bakit ko dito napiling mag-celebrate ng birthday. Ngayon ko lang ito ipagtatapat sa inyo at hindi ko ikinakahiyang sabihin na dito ako nanggaling bago ako ampunin nina Mommy at Daddy."
Sa aming lahat na magkakaibigan ay si James lang ang sa tingin ko'y hindi nagulat. Malamang ay alam na niya ang impormasyong iyon dati pa.
"Mom, Dad, marami pong salamat. Thank you dahil minahal niyo ako kahit hindi ako sa inyo nanggaling. Kahit kailan ay never kong naramdaman na ampon lang ako. Mahal na mahal ko po kayo." Tumigil siya pansamantala para magpahid ng luha. "Thank you din po sa lahat ng mga nag-alaga sa akin no'ng bata pa 'ko, specially Manang Ruby and Manang Fides. I'm happy na sa tinagal-tagal ng panahong lumipas ay hindi pa rin kayo nagbago. Mula noon, hanggang ngayon ay patuloy pa rin kayo sa pag-aalaga ng mga batang ulila dito. Lagi niyo pong tandaan na nandito lang ako kung kailangan niyo ng tulong. And ofcourse, sa inyo mga bata, sana lagi kayong magpakabait. Kung puwede ko lang kayong ampunin lahat, gagawin ko pero I'm sure, darating din ang araw na makakahanap din kayo ng pamilyang tatanggap sa inyo. Huwag kayong mawalan ng pag-asa."
Pagkatapos ay tumingin naman si Eunice sa direksyon ng asawang si James. "To my husband, James, and my two kids, Jordan and Eula. I love you so much. Sorry kung palaging busy si Mommy, pero alam niyo naman kung bakit 'di ba? Dahil gusto ko na laging makatulong sa kapwa." Ngumiti siya nang makita ang pag-thumbs up ng mag-aama. Halatang sanay na ang mga ito sa ginagawang mga charity works ni Eunice. "To by BFF, Elisa, Maureen and Ashley. Love you!" aniya at nag-flying kiss sa tatlo. "Para naman sa mga kaibigan ng asawa ko na sina Kyle, Exel at Dustin Melendez. Wala lang, just stay being a faithful husband."
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved