Faith
"Our love story began way back in high school. He was the Mr. Popular slash Campus Bad Boy, known as the most gorgeous guy in our school. And I was just a simple girl that has nothing to offer but my straight A grades. Tahimik lang ang buhay ko dati, until one day... He came into my life..." Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, mag-asawa na kami ni Dustin. Maluha-luha pa ako habang nagkukuwento sa mga bisita ng love journey naming mag-asawa dito sa aming wedding reception.
Subalit naudlot ang kuwento ko nang biglang dumating si Jen na may dala pang arnis. Nagulat naman ako dahil ang alam ko ay hinuli na siya dahil sa ginawa niyang pagpatay kay Rina. Oh well, baka tinulungan siya ng best friend niya na pansamantalang makalabas. Pero I'm sure na hindi magtatagal at mabubulok din siya sa kulungan... sa kasalanang hindi niya ginawa.
Bago mangyari 'yon ay naisip kong gantihan muna si Jen sa lahat ng mga naging kasalanan niya sa'kin. Lumapit ako at sinampal siya ng malakas.
"Para 'yan sa pag-sira mo sa stage play na pinaghirapan ko." High school pa 'ko no'ng nangyari 'yon pero tandang-tanda ko pa rin ang pagkapahiyang inabot ko no'ng araw na 'yon. Oras na para si Jen naman ang mapahiya, muli ko siyang sinampal. "Para naman 'yan sa pag-agaw mo sa aking Prom King." Ako ang itinanghal na Prom Queen no'ng JS Prom namin pero hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na maisayaw si Dustin no'ng gabing 'yon at iyon ay dahil sa babaeng ito na sa inis ko ay sinampal ko na naman. "And that, is for barging in on our engagement party." Hindi pa ako kuntento sa tatlong sampal kaya ginawa ko 'yong apat. "'Yan naman ay para sa pag-eeskandalo mo dito wedding reception namin! Wala ka ba talagang alam gawin kundi ang ipahiya ako, ha Jen? Nagpunta ka pa talaga rito para manggulo! Hindi mo ba nakikitang kasal na kami ni Dustin? Ako ang pinili niyang pakasalan at wala ka nang magagawa pa doon!"
Walang nagawa si Jen kundi ang tumingin lang kay Dustin habang tinatanggap ang mga sampal ko. Tila nagpapasaklolo ngunit nabigo lang dahil hindi siya nito tinulungan.
Pagkatapos ng ma-eskandalong wedding reception ay bigla na lang nawala si Dustin. Knowing him ay alam kong pupunta 'yon sa condo ni Philip dahil ito ang kasama ni Jen na umalis kanina. At hindi nga ako nagkamali, narito nga si Jen sa condo ni Philip, nakahiga sa kama at mukhang katatapos lang nilang gumawa ng milagro.
Parang tinakasan ng bait si Dustin dahil sa naabutang eksena. Galit siyang umalis at sumakay sa sasakyan na para bang gusto na itong paliparin. Makalipas ang isang oras ay nakatanggap ako ng tawag mula sa mga pulis, naksidente raw ang asawa ko. Dustin survived the car crash but he is in coma. Nanatili siyang comatose hanggang sa mapawalang sala si Jen sa tulong na rin ng video ko.
Hindi ko na nga sana ilalabas ang video para tuluyan nang mabulok sa kulungan si Jen pero nalaman ni Philip ang tungkol doon nang marinig nito na pinag-uusapan namin iyon ni Stella habang nasa hospital kami at binabantayan si Dustin.
"Totoo ba 'yan Faith? Witness ka sa nangyari at may video ka? Kung gano'n, ibigay mo sa'kin ang video na 'yan para maiprisinta ko sa korte." Nakalahad na ngayon ang kamay ni Philip sa akin at hinihintay na ibigay ko sa kaniya ang hawak kong phone kung saan namin pinanood ni Stella ang video kani-kanina lang. Wala silang alam na ako talaga ang pumatay kay Rina, ang alam lang nila ay nasaksihan ko ang pangyayari. Iyon lang din ang ikinuwento ko kay Stella. "Ngayon, alam ko na kung bakit bigla kang pinakasalan ni Dustin. Ginamit mo ang video 'di ba? Ang malas naman ni Jen, sa dinami-dami ng puwedeng maging witness sa pangyayari, bakit ikaw pa? Pero malas ka rin dahil bistado na kita, Faith. Kung ayaw mong tumistigo para kay Jen, ayos lang. Puwede akong maghanap ng ibang tao na gagawa no'n, just give me that d*mn video." From the look on his face, I can tell that he won't take 'no' for an answer. Sa takot ko na may gawin siyang hindi maganda ay napilitan na lang ako na ibigay sa kaniya ang video.
---
Kulang na lang ay magpa-piyesta ako sa tuwa nang malaman kong nagka-amnesia si Dustin. Sa wakas at nabura rin si Jen sa puso at isip ng asawa ko. Kahit ang pangalan ni Jen na naka-tatoo sa dibdib ni Dustin ay ipinabura ko sa kaniya at wala siyang tanong-tanong na sumunod.
Nakiusap din ako sa mga kaibigan ni Dustin na huwag ikuwento rito ang lahat nang nangyari sa kanila noon ni Jen. Nakipag-cooperate naman silang lahat.
Naging maayos ang pagsasama namin ni Dustin hanggang sa dumating sa buhay namin si Dwight. We were a one big happy family. Ako, ang asawa kong si Dustin at anak naming si Dwight.
Ngunit apat na taon lang tumagal ang masayang pamilya namin ni Dustin. While on my way to Cebu ay nag-crash ang eroplanong sinakyan ko.
Nagising ako sa loob isang bahay kubo. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa dahil hindi ko maigalaw ang mga binti ko.
"Mahal ko, gising ka na pala," ang bungad ng isang lalaki pagising ko. Kung titingnan ay parang magka-edad lang kami. Kumunot ng husto ang noo ko sa sinabi niya.
"Sino ka? Nasaan ako?"
"Ako nga pala si Isko. Ikaw, mahal, anong pangalan mo?"
Sa inis ay napasigaw ako. "Ano bang pinagsasabi mo diyan, huwag mo nga akong matawag-tawag na Mahal! Faith ang pangalan ko kaya tawagin mo 'kong Faith."
"Faith pala ang pangalan mo, napakagandang pangalan," wika niya na para bang ang saya-saya niya.
"May cell phone ka ba diyan, baka puwedeng makahiram. Kailangan kong tumawag sa'min kasi tiyak na nag-aalala na sa'kin ang pamilya ko. Saan na nga ba ang lugar na ito?" tanong ko habang tumitingin sa labas ng bintana ng kubo kung saan wala akong makita kundi mga puno. Pakiramdam ko ay ang layo ko na sa sibilisasyon.
"Pasensya ka na, Faith pero wala akong cell phone."
"Gano'n ba, baka puwede kang manghiram na lang sa mga kapitbahay mo," suhestiyon ko at bigla naman siyang napiling.
"Wala akong kapit-bahay eh, pasensya na. Sa maniwala ka man o sa hindi ay nag-iisa lang ako na nakatira rito sa kagubatan." Sumilip siya sa may bintana. "Dati ay kasama ko rito ang asawa ko pero namatay siya dahil sa mataas na lagnat," kuwento niya at muling humarap sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang mag-alala, Faith, dahil hindi ko hahayaang sapitin mo ang sinapit ng dati kong asawa. Ipinapangako ko sa'yo na aalagaan kita at hinding-hindi kita pababayaan." Nilamon ng kaba ang dibdib ko lalo na no'ng hinaplos-haplos ng lalaking ito ang pisngi ko. "Ang ganda mo talaga at tamang-tamang ang pagdating mo, kasi lungkot na lungkot na 'ko." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bigla niyang hawakan ang dibdib ko. Agad ko siyang itinulak palayo.
"Nakikiusap ako, bibigyan kita ng maraming pera. Basta, iuwi mo lang ako sa'min," pagmamakaawa ko ng husto.
"Hindi ko kailangan ng pera. Kahit ikaw lang ay sapat na para lumigaya ako." Hinubad niya ang kaniyang pang-itaas na damit. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw at humingi ng saklolo pero sa kasamaang palad ay walang makarinig sa sigaw ko. "Sabi ko naman sa'yo, walang ibang tao rito sa gubat eh. Wala ka ng magagawa, Faith, dahil mula ngayon ay sa akin ka na."
Dito nagsimula ang tatlong taong kalbaryo ko sa kamay ni Isko, as his s*x slave. Subalit sa kabila ng kahirapan at pang-aabuso na nararanasan ko ay sinikap ko pa ring mabuhay. Kapag naiiwan akong mag-isa sa kubo ay nagsasanay akong tumayo at maglakad. Hanggang sa dumating ang araw na gumaling ang mga binti at nagtagumpay akong makatakas.
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved