Chapter 17

41.3K 1.1K 50
                                        

Jennifer

Tapos ko nang i-compute ang first quarter grades ng Section 10 at sumakit ang ulo ko dahil apat sa kanila ang hindi pumasa.  Sinu-sino pa ba?  Walang iba kundi sina Harold, Busty, Glen at Paul.  Pero siyempre, bibigyan ko pa rin sila ng chance.

"Harold, sabihin mo, masyadong bang complicated ang paraan ng pagtuturo ko para mahirapan kang intindihin ang lesson?"  Tanong ko kay Harold na kasama ko rito sa isang coffee shop.  Araw ng Sabado ngayon at sa halip na mag day-off ay inimbitahan ko siya rito para makausap ng sarilinan at masinsinan.

Nagkamot siya ng ulo.  "Walang problema sa pagtuturo niyo Ma'am, sadyang bobo lang siguro talaga ako."

"Hindi totoo 'yan, ang sabihin mo tamad ka lang mag-aral.  Panay kasi ang pagliliwaliw mo kasama ng mga kaibigan mo, at marahil madalas ka ring makipag-date."

"Nagliliwaliw ako kasama ng barkada, pero date, hindi ah."  Pagtanggi niya.

"Pero narinig kong may fiancee ka na raw?"  Tanong ko pa sa kaniya sabay inom ng kape.  Ang balitang iyon ay narinig ko lang mula kay Glen.  "Okay lang naman ang gumala with friends at ang makipag-date eh.  Pero sana ay hindi mo pinababayaan ang pag-aaral mo.  Alam mo bang high school pa lang din ako no'ng magka-boyfriend, pero kahit gano'n ay hindi ko napabayaan ang pag-aaral ko.  Ako pa nga ang naging valedictorian sa'min eh.  Ang love life ay dapat ginagawang inspirasyon sa pag-aaral, hindi distraction."

"Uulitin ko po Ma'am, hindi po ako nakikipag-date at wala akong fiancee.  Pero aaminin kong minsan ay distracted nga ako sa pag-aaral dahil kay Katy Perry."  Sumilay ang ngiti sa mukha ni Harold matapos sabihin 'yon.  Ako naman ay nagkunot ng noo.  "Pero ma'am, uunahan na kita, hindi ang singer na si Katy Perry ang tinutukoy ko.  Siya ang aking 'the one' na tinatawag ko lang sa alias na Katy Perry, hindi ko kasi alam ang pangalan niya eh.  Gusto niyo bang malaman kung paanong nag-krus ang landas namin ni Katy Perry, ganito kasi 'yon ma'am—"

"Wait lang."  Pigil ko kay Harold dahil hindi ko naman siya pinapunta rito para pag-usapan namin si Katy Perry eh, kundi ang pakinggan niya ang counseling ko.  Matapos ko siyang payuhan ng sandamakmak ay binigyan ko siya ng test paper.

"Ano 'to Ma'am?  Test na naman?"

"Yes, that's a take home test na pang-bawi sa bagsak mong periodical exam.  Ikaw ang dapat na mag-sagot niyan ha.  May mga libro ka naman sa bahay kaya siguradong masasagutan mo 'yan.  Basahin at intindihin mong mabuti ha." 

Matapos kausapin si Harold ay sina Glen, Busty at Paul naman ang isa-isa kong kinausap at lahat sila ay binigyan ko rin ng take home test na dapat nilang ipasa sa Lunes. 

Hapon na at paalis na sana ako ng coffee shop nang bigla akong lapitan ng isang magandang dalaga.

"Oh my gosh, Ate Jen?" 

"Pris?"  Napangiti ako nang makita siya, tumangkad siya at lalong gumanda.

"Yes Ate, it's me."  Niyakap niya ako at pagkatapos ay naupo kaming dalawa.  Nagkumustahan kami at nagkuwentuhan.  Nagulat siya no'ng malamang friends na kami ng Kuya Dustin niya lalo na no'ng sinabi ko sa kaniyang single mother ako.  "Ate, can I ask you a favor?"

"Ano 'yon?"

"Puwede mo bang i-tutor ang fian— I mean, 'yong kaibigan ko po.  He is a senior high school student.  May pagkamahina kasi siya kaya nag-aalala akong baka umulit na naman siya ng high school.  Puwede po ba Ate, 'yon ay kung hindi po nakakaabala sa'yo."  Request ni Pris na agad ko namang pinagbigyan.




Harold

Pinatay ko muna ang nag-iingay kong cellphone dahil hindi ako makapag-concentrate sa pagsagot nitong take home test na ibinigay ni ma'am Asuncion. 

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon