Jennifer
"Are you sure about this?" tanong ni Eunice na kasama ko ngayon dito sa coffee shop.
"Oo naman, siguradong sigurado na. Salamat sa lahat ng tulong mo ha. Tama talaga na ikaw ang nilapitan ko," nakangiting sagot ko sa kaniya. Humingi kasi ako ng tulong kay Eunice na ihanap ako ng bagong trabaho at hindi naman ako nabigo. Sa makalawa ay tutungo na ako sa Tawi-Tawi upang doon magtrabaho bilang isang public school teacher. Kulang na kulang daw kasi doon ng guro. Dahil sa koneksyon ni Eunice sa ilang mga politiko ay natulungan niya ako na makuha ang trabahong iyon.
"Paano si Dustin? Alam ba niya 'to?"
"Hindi, at hindi na niya dapat malaman dahil wala nang namamagitan sa'min."
"Hay nako! Kasalanan talaga ito ng bruhang Faith na 'yon eh. Bakit ba kasi bumalik-balik pa ang babaeng 'yon. Kung hindi, eh 'di sana..." umiling-iling si Eunice na sobrang dismayado sa sinapit ng aking love life. "Hay! 'Di bale na nga. Anyway, good luck sa'yo ha. Ingat ka palagi at huwag mong kalilimutang tumawag.""Oo, Eunice. Salamat ulit."
Kinabukasan ay dumating sa bahay si AJ upang sunduin si Angel. Habang wala ako ay sa kaniya ko muna ihahabilin ang aking anak.
"Angel, anak magpapakabait ka ha. Be good to your Dad and Mommy Mia, okay," mahigpit kong bilin sa bata.
"Yes Mommy, basta one year ka lang po sa province ah. After one year ay babalik na po kayo."
"Oo anak, promise, isang taon lang tayong maghihiwalay," paninigurado ko at ngumiti naman si Angel saka bumaling sa bestfriend niyang si Dominic na nandito rin sa bahay namin upang magpaalam sa anak ko.
"Angel, ingat ka sa Korea ha. Sana huwag mo akong ipagpalit. Sana ako pa rin ang best friend mo," sambit ni Dom, ang cute niya talagang bata.
"Oo naman, Dom. Ikaw lang ang nag-iisa kong best friend sa lahat," pahayag ni Angel sabay thumbs up. "Ikaw din ha, huwag mo akong ipagpapalit. Dapat, ako lang ang best friend mo. Nga pala, ipaalam mo na lang ako kina Jordan at pakisabi sa kanila na babalik din ako after one year."
Matapos magpaalam ng dalawang bata sa isa't isa ay lumabas na kami sa may gate kung saan may taxi nang nag-aabang kina AJ at Angel para ihatid sila sa airport.
"Jen, salamat at ipinagkatiwala mo sa'kin si Angel. Promise, aalagaan namin siya ng mabuti," sambit ni AJ matapos isilid sa compartment ang bagahe habang si Angel naman ay nakaupo na sa loob taxi.
"Wala 'yon, AJ at alam ko naman na hindi niyo siya pababayaan eh."
"Salamat ulit, bye."
"Bye, ingat kayo." Kumaway-kaway ako sa papalayong taxi hanggang sa tuluyan itong maglaho sa paningin ko. Isang taon din kaming hindi magkikita ng aking anak pero hindi ako masyadong nalulungkot dahil alam kong hindi siya pababayaan ng Daddy niyang si AJ at ng kaibigan kong si Mia.
Papasok na sana ulit ako nang gate ng biglang mag-text si Dustin Villaverde.
From Dustin
Pwede ka bang pumunta dito sa park ngayon. May sasabihin lang sana 'ko. Hihintayin kita.Alam na marahil ni Dustin na aalis na ako bukas kaya gustong makipagkita. Ngunit minabuti kong huwag nang mag-reply sa kaniya. Kahit magkita kami ay wala na rin namang magbabago kaya huwag na lang.
From Dustin
please Jen magkita tayo sa park.From Dustin
last na 'to Jen pleaseFrom Dustin
jen please magkita tayo sa park. hihintayin kitaFrom Dustin
kapag di ka dumating magpapakamatay ako.
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved