Dustin Villaverde
Pumikit ako at naghintay na lang na tamaan ng bala. Wala na si Jen kaya wala na rin akong ganang mabuhay. Kung ito na ang katapusan ko ay maluwag sa loob ko itong tatanggapin.
"Leave him alone!" ang malakas na sigaw ni Faith ang siyang nagpadilat sa'king mga mata. Nakita ko siyang marahas na nakikipagbuno sa hostage taker, pilit inaagaw ang hawak nitong baril. Ilang segundo pa ay nakarinig kami ng isang putok na sinundan ng pagbasak ni Faith sa sahig.
Sumugod ang dalawang guwardiya sa lalaki at ang isa'y mabilis na dinampot ang baril. Ako at si Freedom naman ay agad na dinaluhan ang duguang si Faith na may tama ng bala sa sikmura.
"Hang on, sis. Dadalhin ka namin sa ospital," natatarantang wika ni Freedom.
"No," sagot ni Faith at agad na tumingin sa akin at ngumiti. "Dustin, thank you for coming to my birthday party. I'm really glad you came."
"Ate, huwag ka nang magsalita. Bubuhatin na kita para madala ka na sa ospital." Tinangka ni Freedom na buhatin ang kapatid ngunit nanlaban ito.
"Wait..." Halatang nahihirapan na si Faith ngunit nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang sinasabi. Dahan-dahan niyang inangat ang isang kamay upang hawakan ako sa pisngi. "Can I ask you for a favor? Birthday ko naman ngayon kaya sana ay pagbigyan mo 'ko. Please tell me that you love me. Kahit kailan kasi ay hindi ko pa narinig na sinabi mo sa'kin na mahal mo 'ko. Kahit noong nagka-amnesia ka."
Nag-iwas ako nang tingin, siguro ay dahil nabagabag ang aking konsenya. Naintindihan ko ang sinabi ni Faith kahit na paputol-putol siyang magsalita-at tama siya. Ni minsan ay hindi ko nagawang sabihin sa kaniya na mahal ko siya. Hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit sapagkat tiyak na alam na niya ang dahilan.
"I'm begging you, Dustin. Please tell me that you love me. Please," pagmamakaawa ni Faith habang kinakapos ng hininga.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Freedom. Bahagya siyang tumango na para bang nakikiusap na sana'y pagbigyan ko na ang hiling ng kaniyang kapatid.
Galit ako kay Faith pero hindi iyon sapat na dahilan upang biguin siya sa kaniyang kahilingan—na maaring huli na. Sinalubong ko ng tingin ang mga mata niya at sinabi na ang mga salitang nais niyang marinig.
"Mahal kita, Faith." Bumuhos ang luha ko pagkatapos magsalita. Naaawa ako ng husto sa kaniya.
Ngumiti siya. "Thank you. And I love you too. Mula no'ng iligtas mo ako sa teacher ko, minahal na kita at hindi 'yon nagbabago kahit kailan. Mahal kita, Dustin... noon, ngayon, at kahit sa kabilang buhay, ikaw lang ang mamahalin ko."
Napadaing si Faith sa sakit na nararamdaman pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsasalita ng mabagal at paunti-unti. "I love you so much, Dustin... And I'm sorry for taking away your happiness."
"Faith, naasan si Jen? Hindi pa siya patay 'di ba? Saang lugar niyo ba siya dinala? Please tell me where she is. Tell me na buhay pa siya." Sunod-sunod kong mga tanong.
Bumubuka ang bibig niya pero walang salitang lumalabas. Tanging ungol at mga padaing na lang ang naririnig namin sa kaniya. Hirap na hirap na siyang huminga na para bang anumang oras ay babawian na siya ng buhay.
"Faith!"
"Ate!"
Panay ang pagsigaw namin ni Freedom sa nag-aagaw buhay niyang kapatid.
"Faith, please, sabihin mo sa'kin kung nasaan si Jen." Ngayon ay ako naman ang nagmamakaawa at humihiling kay Faith. Sana naman ay mapagbigyan din niya ang hiling ko. Sana ay masagot niya ang mga tanong ko. "Faith!" tawag ko uli sa kaniya pero hindi siya sumasagot at ang mga mata niya ay unti-unti nang sumasara. "Faith, please, don't go. Nasaan si Jen? Please tell me."
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved