Jennifer
Kararating ko lang sa school at papunta na sa faculty office nang makita ko si Marjorie. Napangiti ako dahil sa wakas ay magaling na siya at nag-decide na ring pumasok. Lalapitan ko na siya para batiin pero naunahan ako ni Paul.
"Hi Marj, good morning." Bati ni Paul at napahinto naman si Marjorie. "Mabuti naman at pumasok ka na, are you feeling better now?"
"Yeah, thanks." Sagot ni Marjorie. "Ikaw, okay ka lang ba? Ang sabi ni Berna ay nakipagbugbugan ka raw kay Michael at dinala ka sa police station. Ikaw talaga, hindi mo na dapat ginawa 'yon."
"Yeah, alam kong mali 'yon." Nagkamot ng ulo si Paul. "Gusto lang kasi kitang ipagtanggol eh. Pero promise, hindi ko na 'yon uulitin. At saka, okay naman ako, dumating si Ma'am Asuncion at sinundo niya ako. Alam mo, kung hindi siya dumating, baka nasa presinto pa rin ako hanggang ngayon."
"Talaga, ginawa 'yon ni Ma'am?" Humawak si Marjorie sa kanang pisngi at bahagyang napangiti. "Kakaiba talagang teacher 'yang si Ma'am Asuncion, you know what, nagugustuhan ko na siya."
"Pareho tayo." Nag-smile din si Paul. "So, okay ka na talaga ha, huwag ka na uli magpapasagasa ah. Liligawan pa kita."
Napahawak ako sa bibig ko nang marinig ang sinabi ni Paul. Sabi na nga ba at crush niya si Marjorie eh.
"Paul, pasensya ka na pero, puwede bang huwag muna ngayon. Ayoko kasi munang mag-entertain ng manliligaw eh. I've been through a lot at ang gusto kong ipahinga muna ang puso ko. Sana maintindihan mo." Malungkot na tugon ni Marjorie. Napailing naman ako at naawa kay Paul.
"Walang problema, nakahanda naman akong maghintay eh. Hanggang sa maghilom ang sugat mo at maging handa ka nang magmahal uli." Sweet na banat ni Paul dahilan para kiligin ako sa aking kinatatayuan. Maya-maya pa ay lumakad na silang dalawa.
"Ma'am!"
"Ay tipaklong!" Napahawak ko sa aking dibdib dahil biglang may nagsalita sa likod ko. "Harold naman, bakit ka ba nanggugulat?"
"Eh kayo ma'am, bakit kayo nakinig ka sa usapan ng may usapan, 'tapos, mukhang kinikilig ka pa diyan." Natatawang sabi ni Harold. "Inggit ka 'no, gusto mo rin bang maligawan? Ay teka, 'di ba may manliligaw ka naman, 'yong si Kuya pogi?"
"Sinong Kuya pogi?" Nagtatakang tanong ko.
"Eh 'di 'yong nakabundol kay Marj."
"Ah, si Dustin? Excuse me, hindi ko siya manliligaw. Kaibigan ko siya." Giit ko.
"Pero sa tingin ko ma'am ay may gusto 'yon sa'yo. Lagi ka ba naman niyang sinusundan eh. Una sa ospital, tapos sa police station."
"Nagkataon lang 'yon."
"Nagkataon? O baka naman pinagtatagpo kayo ng tadhana. Baka siya na ang destiny niyo ma'am." Hirit ni Harold habang todo ngisi. At bago pa niya ako asarin ng husto ay iniwan ko na siya.
---
"Class, I have an announcement. This year, ay magkakaroon ang school natin for the first time ng Search for Mr. and Miss Campus. Sino sa inyo ang gustong maging representative ng section natin?" Anunsyo ko sa buong Section 10.
"Kami na lang po ni Berna Ma'am!" Ani Glen matapos magtaas ng kamay.
"Ayoko, Glen nakakahiya." Pagtutol agad ni Bernadette na kilala kong may pagkamahiyain, kaya siguro ayaw niya. "Si Marj na lang po."
"Oo nga Marj, tayong dalawa na lang." Excited na sabi ni Paul.
"Ayoko, wala ako sa mood." Pagtanggi rin ni Marjorie. Broken hearted kasi siya, kaya siguro nawala sa mood. "Charrie, ikaw na lang."
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved