Chapter 10

41.5K 1K 32
                                    

Harold

Kararating ko lang ng school at papasok na ng building namin nang mapulot ko ang isang panyo na kulay puti at may burdang letrang J.  Ipinagkumpara ko ito sa panyo na napulot ko kamakailan lang, kulay green naman iyon na may letter J din na burda.  Magkaiba lang iyon ng kulay pero pareho ang brand at font no'ng nakaburdang letra doon sa panyo. 

"Aba, pareho ah."  Sabi ko habang hawak ang dalawang panyo sa magkabilang kamay.  Bigla kong naalala ang nangyari no'ng gabing mapulot ko itong green na panyo.

"Ano 'tong nabalitaan kong bumagsak na naman sa exam?  Kahit kailan, ang bobo mo!"  Angil ni Dad sabay batok sa akin.  Nagtago na nga ako pero nakita pa rin niya ako.  Sana talaga ay hindi na lang ako sumama sa party na 'to ng kaibigan niya.  Nang makuntento na siya sa pananakit sa akin ay umalis na rin siya.  Ako nama'y walang ibang ginawa kundi ang maupo sa may hagdan at magmukmok habang umiiyak.  Ang labo kasi, malaking kasalanan na ba ngayon ay pagbagsak sa exam? Bakit ba big deal sa ibang mga magulang ang mga gano'ng bagay?

Ilang minuto na ang lumipas subalit hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko, hanggang sa...

Do you ever feel like a plastic bag
Drifting through the wind, wanting to start again?
Do you ever feel, feel so paper thin
Like a house of cards, one blow from caving in?

Do you ever feel already buried deep six feet under?
Screams but no one seems to hear a thing
Do you know that there's still a chance for you
'Cause there's a spark in you?
You just gotta ignite the light and let it shine
Just own the night like the 4th of July

Narinig ko ang kantang Fireworks ni Katy Perry.  Kung feeling down ako kanina, ngayon nama'y parang gusto kong umindak.

'Cause, baby, you're a firework
Come on, show 'em what you're worth
Make 'em go, "Aah, aah, aah"
As you shoot across the sky-y-y

Baby, you're a firework
Come on, let your colours burst
Make 'em go, "Aah, aah, aah"
You're gonna leave 'em all in awe, awe, awe

Matapos pakinggan ang kanta, pakiramdam ko'y na-energize ako at nawala ang lungkot ko.  Kailangan kong pasalamatan ang taong naglagay ng earphone sa tainga ko, kaya lang paglingon ko ay wala na siya at itong kulay green na panyo na may burdang letter J na lang ang nakita ko.  Kung sinoman ang may ari nitong panyo ay tiyak na siya rin ang angel na nagparinig sa akin ng kanta ni Katy Perry. 

Buhat no'n ay lagi ko nang dala ang panyong ito saan man ako magpunta, hindi ko akalain na muli akong makakapulot ng ganito dito sa school.

"Boss!"  Si Glen na biglang sumulpot sa likod ko at inakbayan ako.  "Bakit ang dami mong panyo, sa'yo ba 'yan?"

"Hindi, kay Katy Perry ito."  Sagot ko sabay bulsa ng mga panyo.

"Sinong Katy Perry, 'yon ba 'yong kumanta ng The One That Got Away?"

"Oo, at siya ang aking the one."  Sabi ko.  Habang paakyat kami ni Glen sa fourth floor ay ikinuwento ko sa kaniya ang misteryosong babae sa party na pansamantala ko munang tatawagin sa pangalang Katy Perry at sinabi ko rin sa kaniyang crush ko ito.  "Malakas ang kutob kong estudyante rin siya rito."

"Kung gusto mo siyang makita, eh 'di ipagtanong mo na lang kung sino ang may-ari niyang white na panyo.  At least, may clue ka na kahit paano, na ang pangalan niya ay nagsisimula sa letter J." 

"Sa tingin ko, mas mabuting huwag na.  Sapat na sa akin ang malamang estudyante rin siya rito and I'm sure, magkikita rin kami ulit.  At kapag nangyari 'yon, ang tawag doon ay destiny."  Todo ngiting sabi ko.  Hindi ko ikakaila na in-love na ako kay Katy Perry kahit hindi ko pa sa siya nakikita.  Sana'y maging mabait sa akin ang tadhana at pagtagpyin kami nitong muli.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon