Jennifer
Natigilan ako at ilang segundo ring hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Angel ang totoo, na ang taong nasa harap namin ngayon ay ang tunay niyang ama.
"Anak totoo ba, siya nga ba ang Tatay ni Angel?" tanong ni Papa at bigla naman kong nagising sa pagkatulala. Ngunit sa halip na sumagot sa tanong ay hinila ko palabas ng mansyon ang kamay ng bisita na walang iba kundi si Aaron Jasper Flores.
"Anong ginagawa mo rito AJ?" tanong ko nang makalabas na kami ni AJ ng gate. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa biglaan niyang pagsulpot dito.
"Why do I have the feeling na hindi ka natutuwa na makita ako. Ni, hindi mo man lang ako kinumusta," tugon niya na pangiti-ngiti pa.
Huminga ako ng malalim. "Uulitin ko, ano ang ginagawa mo rito? Bakit ka naparito?"
"I'm here to get my daughter," sagot niya.
"Your daughter?" Napailing ako at para bang gusto kong matawa. "No'ng ipinanganak siya, ni anino mo ay hindi ko nakita sa ospital. No'ng dinala ko siya sa'yo no'ng sanggol pa siya ay halos ipagtulakan mo kami palabas ng bahay mo. And now you're calling her your daughter?"
"I know, I was wrong kaya nga ako babawi eh."
"At para makabawi, kukunin mo siya sa'kin? Hindi ako papayag!" Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses.
"Anak ko si Angel at bilang Ama niya ay may karapatan ako sa kaniya."
"Itinapon mo na ang karapatan mong 'yan nang abandunahin mo siya!"
"Jen," Isang babae ang nakisali sa usapan namin ni AJ.
"Mia?" Laking gulat ko nang makita ko si Mia na siyang pinaka-close kong classmate no'ng high school.
"Mia is my wife," ani AJ na nakaakbay na ngayon kay Mia.
"Mag-asawa na kayo? Ibig sabihin ikaw Mia ang..."
"Oo, ako ang babaeng ipinagkasundo kay AJ. Our parents arranged our marriage. At ako ang dahilan kung bakit..." Napayuko si Mia at tila hiyang-hiya siyang ituloy ang kaniyang sasabihin.
"Hindi ko akalain na kayo pala ang nagkatuluyan. Well, masaya ako para sa inyo. 'Yong tungkol naman sa bata, puwede ko naman sabihin sa kaniya ang totoo na ikaw AJ ang ama niya, kung 'yon ang gusto mo," sabi ko.
"Ang gusto ko ay ang kunin na ang anak ko, Jen. The truth is, nalaman namin na baog ang asawa ko kaya hindi siya maaring mabuntis. Dahil doon ay nakakaramdam na si Mia ng matinding stress at nag-aalala ako na mauwi 'yon sa mas malalang sitwasyon. Kaya naisip kong kunin na lang namin si Angel at isama namin pauwi ng Korea para kahit paano ay maging masaya naman ang asawa ko. Mabait si Mia, you know her right? I'm sure magiging mabuti siyang Ina sa bata. And don't worry dahil nakahanda akong bayaran ka sa lahat ng ginastos mo sa pagpapalaki sa anak ko. Please Jen, hayaan mong isama namin siya."
"Nakikiusap rin ako sa'yo, Jen," pakiusap ni Mia matapos hawakan ng mahigpit ang kamay ko. Nakita ko rin ang nangingilid niyang mga luha. "Don't worry, because I will take good care of her. I promise."
Kung titingnan ay payat at bagsak na nga ang katawan ni Mia. Halata rin sa maputla niyang balat at makapal na eye bag ang hindi magandang lagay ng kaniyang kalusugan. Nalulungkot akong malaman na hindi pala niya kayang magka-anak at naiiintidihan kong stressful nga iyon sa kahit siguro sa sinumang babae. Gayunman ay hindi pa rin ako makapapayag na kunin nila ang anak ko.
"I'm really sorry about your situation, Mia. Pero hindi pa rin ako makapapayag na ibigay sa inyo ang bata kahit doblehin o triplehin niyo pa ang bayad. Hindi isang gamit si Angel para ipamigay ko kapalit ng pera."

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomansaWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved