Maureen
Pagkagaling sa school ay dumiretso kami nina Elisa, Eunice at Dustin sa isang park. Habang naglalaro ang mga bata sa playground, kami namang apat ay nag-uusap.
"Now tell me, sino ba talaga ang babaeng 'yon?" Tanong ni Dustin na halatang naguguluhan.
"Siya si Jennifer at ex mo siya." Walang paliguy-ligoy na sagot ng prankang si Eunice.
"I see," sambit ni Dustin na parang hindi man lang nagulat. "Did I love her?"
"Malamang minahal mo, ex mo eh." Sagot uli ni Eunice.
"Hindi mo ba talaga siya nakikilala, Dustin? Kahit kaunti, wala ka bang naramdaman no'ng makita mo siya?" Tanong ko na agad sinundan ni Eunice ng isa pang tanong.
"Sabi niya, pangatlong pagkikita niyo na raw 'yong kanina. Kailan ba 'yong una at pangalawang beses na nagkita kayo?"
"'Yong una ay sa party, pangalawa ay kahapon sa Supermarket. No'ng makita ko siya ay naramdaman kong parang kilala ko siya pero hindi ko talaga matandaan kung sino talaga siya." Tugon ni Dustin.
"Si Jen ay schoolmate natin no'ng high school at best friend siya ni Dustin Melendez na asawa ni Ashley. Matagal din kayong naging mag-boyfriend at girlfriend hanggang sa yayain mo siyang magpakasal. Pero, nagulat na lang kaming lahat dahil bandang huli ay si Faith ang pinili mong pakasalan. Nasaktan ng husto si Jen and she decided to leave the country, hindi niya alam na nagka-amnesia ka at ngayong nakabalik na siya ng bansa ay mukhang wala pa rin siyang alam. Tiyak masama ang loob no'n dahil itinaggi mong kilala mo siya. Kung ako 'yon, magagalit din ako." Mahabang paliwanag ni Eunice na pinakinggan namang maigi ni Dustin.
"Gaya ng sinabi ni Eunice, baka nainis lang 'yong si Jen dahil hindi mo siya nakilala. Hindi lang kasi niya alam na may amnesia ka eh, and I'm sure hindi rin niya alam na pumanaw na ang asawa mo. Kilala namin si Jen, at hindi siya 'yong tipong magsasalita ng masama sa laban sa isang taong patay na. Kaya kung anoman ang mga nasabi niya kanina ay huwag mo na lang sanang pansinin, Dustin." Seryosong sinabi ni Elisa
"Okay, I understand." Tumango si Dustin at bahagyang ngumiti. Pagkatapos ay nagpalam na siya sa amin at umalis na kasama ang anak.
"Mga sis, ano kaya kung sabihin natin kay Dustin kung gaano niyang minahal si Jen?" Sabi ko kina Eunice at Elisa nang makaalis na si Dustin.
"I agree." Ani Eunice.
"Sorry, but I disagree." Pagkontra ni Elisa at napatingin kaming dalawa ni Eunice sa kaniya. "Nakalimutan niyo na bang nangako tayo kay Faith? At hindi porke patay na 'yong tao ay sisira na tayo sa pangako."
Seven years ago...
"Nagising na nga pala ang asawa ko from coma. But he can't remember anything dahil nagka-amnesia siya." Sabi ni Faith sa aming tatlo nina Eunice at Elisa nang anyayahan niya kaming i-meet siya dito sa isang cafe.
"Kaya ako nakipagkita sa inyo ay para makiusap. Kung dadalawin niyo si Dustin, puwede bang huwag niyong babanggitin sa kaniya si Jen? Ako na ang asawa ni Dustin ngayon at kung ikukuwento niyo ang tungkol sa kanila ni Jen ay baka maguluhan lang siya. Besides, wala na si Jen sa bansa. Para sa ikatatahimik naming mag-asawa nakikiusap ako sa inyo, huwag na huwag niyo sanang i-mention pa si Jen kay Dustin." For the first time ay naging maamong tupa si Faith at mababakas sa mukha niya kung gaano kalaki ang pagmamahal niya asawa.
"Walang problema, kung 'yan ang gusto mo ay maaasahan mo kami. Promise, kahit anong mangyari ay walang kaming babanggitin sa asawa mo ng kahit anong bagay patungkol kay Jen." Sagot ni Elisa at maging kami ni Eunice ay nangako na rin kay Faith.
"Faith, baka naman gusto mong i-share sa amin kung paano mo nagawa 'yon? Anong ginawa mo para ikaw ang pakasalan ni Dustin, eh alam naman nating lahat dito na si Jen talaga ang mahal niya 'di ba? Ano ba talaga ang ginawa mo?" Prangkang tanong ni Eunice na agad ko namang siniko. Ilang saglit pa ay tumayo na si Faith.
"Maraming salamat sa inyo, at aasahan kong tutupad kayo sa pangako niyo." Aniya at umalis na pagkatapos.
"Para sa akin, tama nang alam ni Dustin na ex niya si Jen. Huwag na nating ikuwento sa kaniya kung paano sila nagmahalan ni Jen dahil wala naman 'yong maitutulong eh. Hayaan na lang natin na ang tadhana ang magpaalala kay Dustin kung gaano niya minahal si Jen." Ani Elisa at sumang-ayon naman kaming dalawa ni Eunice sa kaniya.
Jennifer
"Ulitin mo nga ang sinabi mo? May amnesia si Dustin at patay na si Faith?" Utas ko habang nanalalaki ang mga mata sa gulat.
"Oo Jen, namatay si Faith three years ago no'ng mag-crash ang eroplanong sinakyan niya. She was on the way to Cebu then for a busniess trip. Si Dustin naman, hindi ba naaksidente siya no'ng gabi ng kasal nila ni Faith? Eight months din siyang na-coma at no'ng magising ay wala na siyang maalala." Kuwento ng aking best friend na siyang nagmulat sa mga mata ko.
May amnesia pala si Dustin kaya hindi niya ako kilala. At kaya siya nagalit no'ng pagsalitaan ko si Faith ay dahil patay na pala ito at ayaw niyang madamay ang pangalan ng isang taong patay na sa pagtatalo namin.
Tumindig ang mga balahibo ko lalo na no'ng maalala ko ang napanaginipan ko no'ng nakasakay pa ako ng eroplano na pabalik dito sa Pilipinas. Sa panaginip kong iyon hindi raw ako kilala ni Dustin at si Faith naman ay aksidente ko raw na napatay.
Napapikit na lang ako at umiling-iling habang inaalala kung paano akong umasta kanina sa harap ni Dustin.
"Nako po, nakakahiya ang ginawa ko. Pati si Faith na nananahimik na pala sa kabilang buhay ay nadamay sa inis ko kanina. Nakakahiya talaga." Sa inis ay nabatukan ko na ang sarili ko. "Bakit kasi hindi mo agad sinabi sa'kin ito?"
"Pasensya ka na, ang totoo ay matagal ko na itong gustong sabihin sa'yo, kaya lang kapag sasabihin ko na ay bigla mo akong pinipigilan. Ang sabi mo kasi ay ayaw mong makarinig ng kahit anong balita tungkol kay Dustin kaya nirespeto ko na lang ang hiling mo."
"Oo nga pala. Sorry ah, nasisi pa tuloy kita."
"Okay lang. By the way Jen, may itatanong ako. 'Di ba pinuntahan ka ni Dustin sa condo ni Philip no'ng gabi ng kasal nila ni Faith? Bago kasi siya pumunta doon ay pumunta muna siya rito sa bahay. Muntik pa nga siyang tagain ng itak ng Tatay mo eh. Pero ang sabi lang niya sa amin no'n ay may dahilan daw siya kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon. No'ng nagkita kayo sa condo ni Philip, anong sinabi niya sa'yo? Nagpaliwanag ba siya? Sinabi ba niya sa'yo ang dahilan kung bakit siya nagpakasal kay Faith?"
Nagbuntong hininga ako sabay iling bilang sagot sa tanong niya.
"Gano'n ba? Kung hindi lang sana nagka-amnesia si Dustin ay baka alam na natin ang reason na sinasabi niya kung bakit sa halip na ikaw ay si Faith ang pinakasalan niya. Pero since may amnesia nga si Dustin ay he has no choice but to be Faith's husband. Dahil sa pakiusap ni Faith ay minabuti naming lahat na huwag nang banggitin pa kay Dustin ang lahat ng tungkol sa inyong dalawa. Naging maayos naman ang pagsasama nilang mag-asawa hanggang sa magkaroon sila ng anak. Masaya ang pamilya nila, 'yon nga lang ay na-biyudo agad si Dustin."
"Masaya ang pamilya nila?" May kirot akong naramdaman na hindi ko na lang ipinahalata. Durog na nga ay lalo pang nadurog ang puso ko nang malamang naging masaya si Dustin sa piling ni Faith. At bago pa ako maiyak sa harap ni best friend ay nagpaalam na ako sa kaniya.
Nagmadali na akong pumasok sa aking kuwarto upang dito ko ilabas ang aking mga luha. Mabuti na lang at mahimbing na ang tulog ng anak ko kaya hindi niya nakikita ngayon ang pagiyak ng kaniyang Mommy.
Ang sabi ko dati ay hindi na ako iiyak pa para kay Dustin, pero heto ako at muling lumuluha dahil sa kaniya.
Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo pinakasalan si Faith?
Bakit kailangan mong magka-amnesia?
Ilan lang 'yan sa mga tanong na naglalaro ngayon sa utak ko, mga tanong na hindi ko alam kung kailan masasagot.

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved